CHAPTER 6 - Top

1.5K 70 5
                                    

Mahigit sampung minuto na akong gising pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ba ako ngayon. Kanina pa ako paikot ikot sa pesteng lugar na 'to at hindi ko talaga mahanap ang lugar kung saan ay may tao o kuryente. Sa buong buhay ko ay hindi pa ko nakakapunta sa ganitong klaseng lugar. Siguro ay nasa loob ako ng isang mall dahil napakaraming tindahan sa buong paligid ko. May mga damit, gadgets, at pagkain. Nakakaramdam na rin ako ng gutom at sakto namang may tindahan ng Jollibee sa kaliwa ko.

Napakadilim ng buong paligid at ang mga mahihinang emergency lights lamang ang nagsisilbing liwanag sa gusali. Kanina ko pa ipinagtataka kung paano ba ako napunta dito? At bakit mag-isa lang ako? Gusto kong makita yung mga animal na pulis na naglagay sa'kin ng panyo sa bibig ko at gusto ko silang patayin. Naiinis ako at gusto ko nang maka-alis dito. Takam na takam na rin akong humithit ng rugby at magnakaw.

Pero kung ang pagnanakaw lang ang usapan, siguro ay magagawa ko na rin 'yun ngayon dahil walang akong nakikitang mga pulis o kahit sino pa man. Agad akong nagtungo sa loob at nagmadali akong kumain nang kumain. Kasalanan ni Anton kung bakit ako hindi nakakain ng tanghalian. Isa siyang walang kwentang bata at dapat lang talaga na namatay siya! Napaka bobo kasi niya eh. Matapos kong kumain ng mga kung anu-ano ay bigla naman akong nauhaw. Nagpunta ako sa refrigerator at bago ko ito buksan ay nakita ko sa salamin ng refrigerator na iba na pala ang suot kong damit at pantalon. Ang damit ko ay may naka imprentang Number 44 sa harapan. Binuksan ko na ito at agad akong kumuha ng isang Coke. Naramdaman ko na napakalamig ng coke pero ang refrigerator ay hindi rin umaandar katulad ng iba pang mga gamit. Ano ba ang nangyayari dito ngayon?

Matapos kong uminom ay agad kong itinapon ang lalagyan ng coke sa sahig. Ang tunog ng pagbagsak ng lata ay sobrang lakas at mukhang kahit sinong tao na nasa loob ng Jolibee ay maririnig ito. Isinara ko na rin ang refrigerator pero bigla akong napahinto.

May isang napaka habang shutgun kasi akong nakita sa bandang ilalim ng refrigerator at tanging ang hawakan lang nito ang nakalabas at ang kalahati ay nasa ilalim. Umupo ako at kinuha ko ito ng napaka bilis. Bigla akong napa-isip dahil bakit may nakakalat na baril sa isang fast food? Pinagmamasdan ko ito nang bigla akong nakarinig ng isang hakbang at ito ay parang tumatakbo papalayo.

Bigla akong nagulat at ang shutgun ay bigla kong itinutok sa mga upuan at lamesa, pero siya ay wala na. Ang taong tumatakbo kanina ay tuluyan nang nakatakas. Siguro ay hindi lang talaga ako ang nag-iisang tao dito ngayon. Matapos 'non ay biglang namuti ang buong paningin ko at sa sobrang pagkasilaw ay bigla kong nabitawan ang baril. Lumipas pa ang tatlumpung segundo at tuluyan na rin akong nakakita ng maayos. Saka ko lang napansin na may napakarami palang camera ang nakadikit sa kisame at ang isa nito ay nakakutok sa'kin. Siguro ay nakukuhanan ako nito habang umiinom ako ng coke pero hindi ako natatakot. "Fuck you!" Agad kong isinigaw sa camera.

Muli kong kinuha ang baril at tumayo. Muling lumipas ang ilang segundo at bigla akong nakarinig ng isang boses ng babae na nagmumula sa isang megaphone na naka-patong sa taas ng refrigerator. Nakakabingi ang tunog at agad akong umatras saka ko siya sinimulang pakinggan.

Habang tumatagal ang kanyang pagpapaliwanag ay saka ko lang naintindihan ang lahat. Ako pala ay nasa isang laro at pwede akong pumatay. Mukhang masaya 'to! Napakalaki din pala ng premyo at mukhang kailangan ko talagang gawin ang lahat para makuha 'yon. Biglang pumasok sa isip ko si Camela at mas lalong lumakas ang aking loob na ipanalo ang larong ito.

Ang kahon ay kailangan ko nang balikan bago pa ito makuha ng iba. Sinabi kasi ng babae na nasa kahon ang aking gamit. Tumakbo ako nang mabilis papalabas ng Jollibee habang hawak-hawak ko ang napakahabang shutgun. Siguro ay napaka swerte ko rin dahil nakakuha agad ako ng armas bago pa magsimula ang laro.

Busog ako ngayon at hindi ako nakakaramdam ng anumang panghihina. Pero kailangan ko pa rin ang rugby dahil nami-miss ko na ang amoy nito. Lumipas ang isang minutong pagtakbo at tuluyan na akong nakabalik sa lugar kung saan ako nagising. Ito ang "Booksale". Punong puno ng mga libro ang tindahan na 'to at agad kong hinanap ang kahon. Lumingon ako sa kaliwa, sa kanan, sa likod, at sa harap hanggang sa tuluyan ko na itong nakita.

Binuksan ko na ito at saka ko lang nalaman kung ano ba ang aking mga gamit. Isang mapa ng mall, flashlight, shoulder bag, wristwatch, at listahan ng mga maglalaro. Huh? Tinanggal ko sa pagkakatiklop ang listahan at saka ko lang nakita ang edad, pangalan, at kasarian ng mga kalaban ko. Isa-isa ko itong tinignan at nagulat ako sa edad ng ibang mga manglalaro, may isang sanggol (9), may isang matanda (48), at meron ding kambal (29, 30)?

Pero hindi ako natatakot na patayin silang lahat, sa katunayan nga ay mas nabubuhayan pa ako ng loob dahil ang mga makakalaban ko ay mukhang mahihina lamang.

Ang mga gamit naman na nakuha ko ay agad kong ipinasok sa shoulder bag. Isinukbit ko ito sa katawan ko at dahan-dahan akong lumabas sa bookstore. Paglingon ko sa bandang kaliwa ay nakita ko na kaagad ang labasan. Hindi ako maaaring tumakas dahil nakapalibot ang mga electric fences sa buong lugar. Naglakad ako patungo sa labasan habang hawak ang shutgun hanggang sa nalanghap ko na ang napakalamig na hangin. Pero may isang bagay akong ikinagulat dahil may dalawang tao na nag-aaway! Ang isang babae ay sinasakal ng isang lalaki. Pero ba't ganun? Matapos niya itong sakalin ay bigla niyang binitawan ang babae at parang natatakot siya na patayin ito? Tumakbo siya papalayo sa babae na parang nagpa-panic.

Kinaiinisan ko pa naman ang mga taong mahihina. Pinagmasdan ko ang lalaking nakasuot ng number 25 na damit na tumatakbo papalayo. Hindi ikaw ang karapat-dapat ng manalo! At ang katulad mo ay hindi na dapat pinapatagal ang buhay.

Ikinasa ko ang shutgun at agad ko itong itinutok sa kanya. At pagkarating niya sa harapan ng National Bookstore ay bigla kong ipinutok ang shutgun. At sa sobrang lakas nito ay bigla akong napa-urong at ang salamin naman ng bookstore ay tuluyan nang nabasag. Kasabay 'non ay ang paghandusay niya sa sahig. YES! NAKAPATAY NA AKO! Ngayon ay mababawasan na ang mga katunggali ko at isusunod ko naman ngayon ay ang babaeng sinasakal niya kanina.

Itinutok ko ang shutgun sa kanyang direksyon at agad ko itong ipinutok. Pero hindi siya tinamaan! PESTE! Tumatakbo pa rin siya papalayo hanggang sa ipinutok ko muli ang shutgun! PERO... HINDI NANAMAN SIYA TINAMAAN! Sa sobrang pagkainis ko ay bigla akong tumakbo upang habulin siya. Pero siya ay sobrang bilis at agad siyang nawala sa paningin ko. Sa labas ng mall ay may isang nakaparadang bus at bukod doon ay wala nang iba pang mga sasakyan.

Isang lugar lang ang pwede niyang mapuntahan at iyon ay ang MOA ARENA. Naglakad ako papunta 'ron pero may isang bagay ang agad kong naisip. Natatandaan ko na ang kanyang damit na suot ay may numerong 10. Binuksan ko ang shoulder bag at tinignan ko sa listahan ang kanyang pangalan.

Siya pala si Ailee Smith at medyo bata rin siya. Hindi ako mahihirapan kung siya ay papatayin ko dahil nasa mukha niya naman ang pagiging mahina. Muli kong ibinalik ang listahan sa bag at tuluyan na akong nakarating sa Arena. Pumasok ako sa loob pero hindi ko siya maaninag. Nakita ko na sa bandang unahan ay may isang Comfort Room at kailangan ko muna itong pasukin upang malaman kung siya ba ay nasa loob.

Muli akong naglakad hanggang sa tuluyan na muna akong nakapasok sa loob ng Girl's Room at nagbabakasakaling nandito siya. " "HELLO NUMBER 10 O... AILEE! ALAM KONG NANDITO KA SA LOOB NG ARENA KAYA LUMABAS KA NA!"" Pero hindi ko siya makita. Muli kong isinigaw ang kanyang pangalan at lumuhod ako upang silipin ang cubicle mula sa sahig. Pero wala akong makitang paa o anumang bahagi ng katawan! Siguro ay natakasan na niya talaga ako! BWISIT!

Agad akong lumabas ng Girl's Room at isinunod ko naman ang Boy's Room. Pero wala rin siya roon. Mukhang natakasan talaga niya ako! Sa sobrang pagkainis ko ay hinampas ko ang salamin ng Boy's Room hanggang sa ito ay tuluyan nang nabasag.

Muli akong lumabas ng Arena at nagdadalawang isip na akong libutin ang buong gusali dahil napakalaki nito. Mukhang kailangan ko nalang maghanap ng ibang mga taong pwedeng patayin. Nagtungo ako sa gilid ng mall kung saan nakalagay ang napakalaking street sign na Marina Way at hinanda ko na ang aking shutgun. Kung sino man ang makikita ko ay hindi na ako magdadalawang isip na patayin ito.

Kung sino man ang nasa labas ay hindi na ligtas sa'kin, kaya humanda na siya dahil ang bala ng baril ko ay tatagos sa kanyang bungo!

Mahigit dalawang minuto na akong nag-aabang pero wala pa rin akong nakikita na kahit sinong tao. Pero bigla akong nabuhayan ng pag-asa dahil may isang babae na nakasuot ng number 19 na damit ang naglalakad patungo sa'kin. Itinutok ko na ang baril sa kanya at mukhang siya na ang ikalawang tao na papatayin ko.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now