CHAPTER 31 - Top

620 31 2
                                    

Pagkalabas ko sa botique ay nararamdaman kong malapit nang mag umaga dahil ang kaninang napakaraming mga bituin sa kalangitan ay unti-unti nang nawawala. Ang napakadilim na papawirin ay nagkakaroon na ng kaunting liwanag. Muli akong lumabas ng mall upang pinagmasdan muli ang ferris wheel sa di kalayuan at matapos lamang 'non ay muli na akong pumasok sa napaka tahimik na mall.

Muli kong naalala na wala na pala akong armas at ang backpack naman na nakuha ko kanina ay tuluyan na ring nawala. Ayoko nang hanapin pa 'yon dahil wala na namang saysay pa kung sakaling makita ko pa ang mga walang kwentang gamit na nakalagay sa loob ng bag na 'yon. Ang wrist watch naman ay kasalukuyan ko pa ring suot at ang masasabi ko ay iyon lamang ang kapaki-pakinabang sa mga kagamitang nakuha ko.

Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad sa loob ng mall nang bigla akong nakakita ng babaeng nakasuot ng pulang gown sa di kalayuan ko at kaagad naman siyang pumasok sa Hardware. "Camela?" Pabulong kong sinabi. Kung tama nga ang hinala ko na siya si Camela. Mukhang meron nanaman siyang ipinapahiwatig sa akin. "Camela! Sandali lang!" Sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong napasigaw at tumakbo na ako ng napakabilis hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa napakalaki at napakadilim na hardware upang sundan siya.

Pinagmasdan ko ang buong paligid hanggang sa muli ko nanamang nakita ang babaeng nakasuot ng pulang gown na naglalakad papasok sa isa sa mga matataas na stalls. Muli ko siyang sinundan hanggang sa tuluyan na akong walang makita. Ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad at tanging pagkapa na lamang sa gilid-gilid ang ginagawa ko upang malaman ko kung tatama ba ako sa gilid ng mga paninda.

Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari dahil may isang malamig at matigas bagay akong nakapa. "Aray!" Mukhang napalakas ata ang pagtama ng kanang braso ko dito pero hindi ko na lamang iyon pinansin at ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad sa napakadilim na lugar kahit na hindi ko alam kung bakit ko ba ito ginagawa.

"TOP..."

Bigla akong nagulantang dahil isang mahinang bulong ng babae ang narinig ko!

"TOP..."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang boses na narinig ko ay hindi kaboses ni Camela. Naisipan ko na muli nang bumalik sa labas dahil mas lalo lamang akong kinikilabutan sa napakadilim na lugar na 'to. At nang tuluyan na akong tumalikod ay aksidente kong nabangga ang isa sa mga naka-display na paninda. Tuluyan itong nahulog sa sahig at sa sobrang lakas ng mga ingay, mukhang naparami ata ang mga bagay na nahulog sa sahig. Hindi ko alam kung ano ba ang mga bagay na 'yon at sa sobrang pagtataka ko ay tuluyan na akong lumuhod upang pumulot ng isang gamit.

Kinapa ko ito at base sa nararamdaman ko. Isa itong mahabang bagay at sa bandang gilid ay may isang naka-angat na bagay at nang nakapa ko na ito ay bigla kong diniinan ang paghawak ko. Hindi ko naman inaasahan ang mga sumunod na pangyayari dahil matapos kong madiinan ang pagkakahawak dito ay biglang nagliwanag ang dulong bahagi nito. "Isang flashlight!" Hindi ako makapaniwala at sa sobrang liwanag ng ilaw, mukhang napakalakas pa ng baterya nito. Itinutok ko naman ang flashlight sa mga nahulog na bagay at nalaman ko na ang mga ito rin pala ay flashlight.

Desedido pa rin ako na bumalik na lamang dahil wala naman akong napapala sa lugar na 'to. Itinutok ko na ang flashlight sa sahig at unti-unti na akong nakakalabas at habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay bigla naman akong nakakita ng napakaraming mga lubid sa sahig. Pagtutok ko ng flashlight sa gilid ay nalaman kong nasa bilihan pala ako ng iba't ibang klase ng mga lubid.

Maayos at mabagal lamang akong naglalakad nang biglang sumabit ang kanang paa ko sa mga lubid sa sahig at hindi ko talaga inaasahan na mangyayari iyon sa akin. Ang flashlight na hawak ko ay bigla kong nabitawan at nagpagulong-gulong ito papalayo sa akin. Habang pinagmamasdan ko itong gumugulong-gulong pa rin ay biglang nanlaki ang mga mata ko dahil may isang taong nakalutang. Hindi ako makasigaw sa sobrang pagkagulat at ngayon lamang ako nakakita ng taong nakalutang! Nababaliw na ata talaga ako!

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon