CHAPTER 3 - Top

2.6K 110 23
                                    

"Teka lang! Ayan na... ayan na yung babae. Pagdating niya sa kabilang bahagi ng kalsada, kunin mo agad yung bag saka cellphone niya. Wag kang mag-alala. Hindi ka mahuhuli ng mga pulis at hindi rin kita papabayaan." Mabilis 'kong ibinulong kay Anton. "Pero kuya Top... Masama 'to! Hindi ko kaya yu..." Sa sobrang pagka-gigil ko ay agad ko siyang sinampal ng napakalas. "GAGO KA BA? Anong gusto mong mangyari sa'tin? Mamatay sa gutom? Kung hindi mo 'yon gagawin ay pareho tayong hindi kakain ng tanghalian."

Si Anton ay 8 Years Old pa lang pero tinuturuan ko na siyang magnakaw katulad ng ibang mga batang nakikilala ko. "Kuya! Natatakot ako." Mas lalo akong nainis at muli ko siyang sinampal. Mas lalo akong nang-gigil at hindi na ako nag-dalawang isip na sakalin siya. "Magnakaw ka! Kundi ay papatayin kita! Hindi ako natatakot kung sakaling gagawin ko 'yon sa'yo!" Nakikita ko na tumutulo na ang luha ni Anton pero muli ko siyang sinigawan. "WAG KANG UMIYAK! PUNYEMAS KANG BATA KA! SUMASAKIT ANG ULO KO SAYO! GAWIN MO NA!"

"Hindi ako... makahinga kuya..." Bigla kong nakalimutan na hawak-hawak ko pa rin pala ang leeg ni Anton kaya agad kong tinganggal ang pagkakahawak ko rito at muli siyang nag-salita. "Gagawin ko na po kuya. Pero wag mo 'kong pababayaan kung sakaling mahuli ako." Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla akong napangiti. "Oo Anton! Pangako. Hindi kita papabayaan."

Agad na nag-lakad papalayo si Anton at pinagmasdan ko siya sa gilid ng eskenita. Tumawid siya ng kalsada at ang babaeng nanawakan niya ay nakatayo pa rin sa kabilang bahagi ng daan. Biglang napahinto si Anton sa paglalakad at tila parang may bumabagabag sa kanyang isipan. Pero muli niyang itinuloy ang pag-lalakad hanggang sa nakarating na siya sa kabilang bahagi ng daan. Tumayo siya sa gilid ng babae at lumingon siya sa bandang kaliwa. Maging ako ay napalingon din at nakita ko na may isang pulis ang nag-lalakad. Pero sa tingin ko ay hindi ito napansin ni Anton dahil nakaharang ang iba pang mga taong naglalakad. Gawin mo na! Lumipas pa ang sampung segundo at biglang hinablot ni Anton ang bag ng babae. Tama yan! Narinig ko na sumigaw ang babaeng kinuhanan ng bag ni Anton. "Tulong! Tulong! May magnanakaw!" Si Anton naman ay tumatakbo pa rin papalayo hanggang sa bigla siyang nadapa! Bumangon ka!

Ang pulis naman na nakita ko kanina ay biglang tumakbo patungo kay Anton. Agad naman siyang bumangon at muli niyang kinuha ang bag. "TUMIGIL KA! HOY! HUMINTO KA BATA!" May isang bagay na kinuha ang pulis sa kanyang bulsa at nang inilabas niya ito ay saka ko lang nalaman na isa pala itong baril. Itinutok niya ang baril sa langit at agad na ipinutok! Nagulat ang lahat ng mga tao at si Anton naman ay biglang napahinto. Nakikita ko na umiiyak na siya pero kung ako sa kanya ay tatakbo pa rin ako. Walang kwentang bata!

Naglalakad na ang pulis papalapit sa kanya at ang baril ay nakatutok na kay Anton. "Bitawan mo 'yang bag kundi ay ipuputok ko 'to sa'yo!" Natatawa ako dahil alam ko na panakot lang ito ng mga pulis sa bata. Ang ibang mga tao naman ay napahinto sa pag-lalakad at si Anton ay tuluyan nang binitawan ang bag. Hayop! Hayop talaga! Mas lalong umiinit ang ulo ko gusto ko siyang sapakin kung sakaling babalik pa siya sa'kin.

Ang babaeng hinablutan ng bag ni Anton ay agad na tumakbo papalapit sa pulis. Pinulot niya ang kanyang bag at agad na nag-pasalamat dito. Umiiyak pa rin si Anton pero may isang bagay akong ipinagtataka. Hindi siya hinuli ng pulis at matapos lumayo ng babae kay Anton ay bigla nitong ipinutok ang baril! At ang bala ay tumagos sa leeg ni Anton! Nagulat ako at hindi makapaniwala! Pinatay niya si Anton! Maging ang ibang mga tao sa paligid ko ay nagulat din. "Diyos ko! Pinatay niya yung kawawang bata!" Sigaw ng matandang babae sa tabi ko. Pero ang pulis ay biglang sumigaw at ipinaliwanag niya kung bakit niya iyon ginawa. "MAKINIG KAYONG LAHAT! KUNG SAKALING MAKAKAKITA MULI AKO NG MGA MAGNANAKAW AY HINDING-HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA BARILIN SILA! IYON ANG UTOS SA'KIN NG PRESEDENTE. KAYA WALA KAYONG KARAPATANG MAGREKLAMO KUNDI AY MAKUKULONG KAYO! DAPAT AY MABAWASAN NA NG MGA MASASAMANG ELEMENTO DITO SA SIYUDAD! KAYA KUNG SINO MAN ANG MULING GAGAWA NG GANITONG KLASENG BAGAY AY HINDI NA DADALHIN PA SA KULUNGAN! KUNDI AY AGAD NA NAMING PAPATAYIN!" Natulala ang ibang mga tao at wala na silang nagawa kundi ang mag-lakad nalang papalayo sa lugar na parang walang nangyari. Si Anton naman ay naiwang nakahandusay sa daan. Namatay siya na may luha sa mata. Hindi ito mangyayari kung itinuloy niya ang pag-takbo. Kasalanan niya rin ito. Hindi siya nakikinig sa'kin kaya nangyari ito sa kanya. Kawawang Anton.

Pero wala akong pakielam sa kanya. Tama rin na namatay siya kundi ay ako ang papatay sa kanya kung sakaling babalikan pa niya ako. Naglakad ako papalayo sa lugar na 'yon at hindi ko na nilapitan ang bangkay ni Anton. Tuluyan na akong nakalayo hanggang sa nakarating ako sa Quezon City Memorial Circle. Pumasok ako sa isang banyo at agad kong inilabas ang isang maliit na plastic sa bulsa ko. Idinikit ko ito sa aking ilong at nilasap ko ang napakabangong amoy ng rugby. Shit! Sa tingin ko ay busog nanaman ako at sa tingin ko ay hindi ako mabubuhay kung wala ito sa tabi ko.

Ang rugby na 'to ang naging kasama ko sa buong buhay ko matapos mamatay ang kapatid ko sa Leukemia. Ang mga walang kwenta 'ko kasing mga magulang ay iniwanan kami matapos nilang sumakay sa isang barko patungo sa labas ng bansa. Mga wala silang kwentang mga magulang! Ipinagdarasal na na sana ay lumubog na ang barkong sinasakyan nila. Ang akala kasi nila ay sagot ang pag-takas sa Pilipinas upang maka-ahon sa kahirapan. Maraming mga Pilipino ang gumagawa 'non pero nahuhuli sila ng mga pulis at hindi na binubuhay pa. Pero iba ang nangyari sa mga magulang ko. Matagumpay silang naka-alis at hindi ko maintindihan kung bakit nila kami iniwan. Ang pinakamamahal kong kapatid na si Camela ay namatay nang malungkot. Gabi-gabi akong nagagalit sa kanila at kung sakaling babalikan nila ako ay hindi ako magdadalawang isip na patayin sila! Kung alam ko lang na ganito ang kanilang gagawin ay dapat pinatay na lang nila ako.

Sampung taon na ang lumipas mula nang iwan nila ako at siyam na taon na rin ang lumipas matapos mamatay sa sakit ni Camela. Matapos 'non ay naiwan nalang ako mag-isa. Paikot ikot ako sa buong siyudad at naghahanap nang mananakawan. Kahit isang beses ay hindi pa ako nahuhuli ng mga pulis dahil mabilis ako tumakbo. Ang ibang mga bata naman na tinuturuan kong mag-nakaw ay bihasa na ngayon.

Paubos na pala ang rugby na hinihithit ko at sa tingin ko ay kailangan ko nang bumili ng bago. Lumabas ako sa banyo at ang plastic ay itinapon ko sa basurahan.

Nagugutom na 'ko at mukhang walang ibang paraan kundi ang magnakaw. Habang naglalakad ako at naghahanap ng mananakawan ay pinagmasdan ko ang aking paligid. Ang kalsada sa labas ng Circle ay punong puno ng mga basura at kakaunti lang mga sasakyang dumaraan. Pakonti ito ng pakonti habang lumilipas ang taon dahil ang gasolina ay sobrang mahal na. 500 Pesos kada litro. Sino naman ang ulol na bibili ng ganong klasing kamahal na bagay? Wala na talagang pag-asa ang bansang 'to katulad ng buhay ko. Kailangan kong kumapit sa patalim upang mabuhay lang.

Habang naghahanap naman ako ng mananakawan ng pagkain ay bigla akong napahinto. Napangiti ako dahil may isang burger stand ang naka-bukas. Naglakad ako papalapit nang biglang may humampas sa pwet ko! Agad akong napaluhod at tumalikod ako upang makita kung sino ba ang gumawa 'non. nagulat ako dahil isa itong pulis! Nilabanan ko siya at nagmadali akong kumuha ng bato upang ibato sa kanya. "Hawakan mo! Hawakan mo dali! Baka makatakas!" Nagulat ako dahil may kasama pa pala siya. "Bitawan niyo ako!" Pero kahit anong klasing pag-laban ang gawin ko ay wala akong magawa dahil hinawakan na nito ang mga kamay ko. Ang bato naman na hawak-hawak ko ay tuluyan ko nang nabitawan at may isang bagay na kinuha ang pulis na humampas sa'kin sa kanyang bulsa. Hindi kaya baril? Baka mangyari na sa'kin ang nangyari kay Anton kanina! Pero nagkamali ako! Isa pala itong puting panyo at agad niya itong idinikit sa ilong ko. Naamoy ko ang napakabahong amoy at agad na sumakit ang ulo ko. "Wag nang lumaban dahil wala ka nang magagawa!"

Unti-unti akong napapikit hanggang sa tuluyang dumilim ang buong paningin ko.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now