CHAPTER 34 - ?

608 28 2
                                    

Habang naglalakad ako papalabas ng Appliance Center ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga napanuod ko. "Walang pwedeng maka-alam nito. Wala dapat!" Natataranta kong sinabi. Kaya ang ginawa ko ay muli akong bumalik sa loob ng Appliance Center at dali-dali akong bumalik sa telebisyon. Kinuha ko ang antenna at hinila ko ito ng napakalakas hanggang sa nasira na ito. "Wala nang makakapanuod nito. WALA!" Ang telebisyon naman ay kaagad kong tinanggal sa pagkakasaksak at pagkatapos 'non ay muli na akong lumabas.

Tumingin ako sa digital clock na naka-dikit sa pader at nalaman ko na 1:33 na pala ng madaling araw. Hindi dapat ako manatiling pagala-gala dito sa mall dahil baka may magtangka sa buhay ko. Wala pa naman akong anumang baril na ipangtatapat sa kanila.

Kaliwa't-kanan pa rin ang mga CCTV cameras na nakadikit sa pader at alam kong napapanuod ako ng presidente ngayon. Ang mga rebelde naman ay kasalukuyan nang kumikilos para mailigtas ang mga tao dito pero hindi ako makakapayag. Ang napakalaking premyo ang kailangan kong makuha at wala akong pakielam kung ang mga rebelde ay kailangan ko ring patayin para lang makuha ang premyo.
At habang nasa kasagsagan pa rin ako ng paglalakad ay bigla akong napahinto dahil nakakita ako ng isang pintuan kung saan ay may mga nakasulat sa bandang itaas na katagang "MALL ADMIN OFFICE" Hindi na ako nagdalawang isip pa na pasukin 'yon dahil baka makakita ako ng baril upang magamit bilang panlaban ko.

Naglakad ako sa napaka-tahimik na hallway at pagkarating ko sa mismong Admin Office ay wala akong ibang nakita kundi ang mga lamesa at upuan lamang pero sa bandang dulo ay may bukas na isang monitor. Unti-unti akong naglakad patungo sa lugar na 'yon hanggang sa nakita ko na ng mas malapitan kung ano ba ang nasa computer monitor. Sa tabi naman nito ay mayroong isang maliit na bote na may laman na lason. Kinuha at inilagay ko ito sa aking bag at saka ako tumingin sa monitor. "Anong 'to? Mapa?" Isang litrato kasi ang naka-bukas at habang tinititigan ko ang mapa ay napagtanto ko na ang mapa pala na 'to ay ang mismong mapa ng buong Mall of Asia. Sa bawal gilid ng mga gusali ay mayroong mga katagang nakasulat at sa pinaka taas naman ng mapa ay mayroong nakasulat na "CAMP HORIZON BATTLE GROUNDS".

Sa pinaka-kaliwang bahagi ng mapa ay mayroong isang simbahan at kaagad akong nagtaka. "Ano namang meron sa simbahan na 'yon at bakit nasa loob rin siya ng electric fence?" Mukhang wala naman akong mapapala sa litrato na 'to kaya naisipan ko na i-close nalang ito. Ang monitor ay touch screen kaya pinindot ko na kaagad ang X. Pero matapos ko lamang maisara ang mapa ay bigla akong nakakita ng isa pang file na nakabukas. Isa itong notepad at mayroong nakasulat dito. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa monitor at dali-dali ko itong binasa.

"IF YOU FOUND THIS NOTE. THEN YOU ARE LUCKY. THE MOST SECURED AREA IN THIS CAMP IS THE CHURCH ITSELF. -Commander Andrea"

Ano naman ang ibig sabihin nito? Totoo ba 'to? Baka naman niloloko lang ako ng gumawa nito? Pero kung nanloloko lamang ang gumawa nito ay bakit mayrooong naiwang isang bote na may lason? May mapa pa at notepad. Mukhang wala nang paraan pa kundi ang puntahan nalang ang simbahan kung totoo ba talaga ang sinasabi ng gumawa nito. At naniniwala din ako na totoo ang mga nakita ko sa monitor dahil kung nanloloko lamang ang gumawa nito. Sigurado namang hindi siya mang-iiwan ng isang lason na pwedeng gamitin sa mga kalaban.

Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaagad na akong lumabas ng Admin Office at dali-dali na akong nagtungo sa simbahan. Habang nasa kasagsagan naman ako ng paglalakad at tatlong beses akong nakakita ng mga tao. Sa tuwing makikita ko sila ay kaagad akong nagtatago dahil ang mga taong nakita ko na 'yon ay may mga hawak na iba't ibang uri ng mga baril.

Sa kabutihang palad ay hindi ako napahamak at tuluyan na rin akong nakarating sa simbahan. Ang napakataas na pintuan nito ay hindi naka-lock at pag-pasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang napaka-aliwalas na lugar. Pero nakakapagtaka dahil hindi ito mukhang isang simbahan dahil ang mga kagamitan dito ay malayong-malayo sa isang tunay na simbahan.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now