CHAPTER 29 - Mylene

669 31 0
                                    

Matapos ko silang makita na nagtatakbuhan patungo sa kwarto kung saan naroon si Jimmy ay mabilis na rin akong sumunod sa kanila. Kaagad kong pinagulong ang gulong ng aking wheelchair hanggang sa nakarating na ako sa kwarto. Hindi ako makapaniwala dahil kanina lamang ay pinainom siya ng Pain Killer upang mawala ang konting kirot pero hindi ako makapaniwala ngayon dahil patay na siya.

"Diyos ko po! Patay na si Jimmy! Hindi ito maaari! Hindeeee!" Pasigaw na sinabi ni Eddmar. Pinagmamasdan ko ang kanilang mga mukha pero si Jennica na nakasuot ng number 45 na damit ay parang walang reaksyon. Tila parang ayos lang sa kanya ang nangyari kay Jimmy. "Anong gagawin natin sa katawan niya? Hindi siya maaaring manatili lamang dito sa loob dahil babaho ang katawan niya." Wika ni Jennica. Bigla namang sumagot si Beatriz sa kanyang tanong. "Ililibing kaagad natin siya sa lalong madaling panahon." Bigla siyang tumingin kay Eddmar. "Eddmar! Pakikuha yung Electric Shovel sa kabilang kwarto at ililibing natin si Jimmy sa harapan ng simbahan."

Harapan ng simbahan? Ngayon lamang ako nakarinig ng ganong klase ng paglilibing pero wala akong magagawa. Hindi naman kami maaaring lumabas sa mga Electric Fences dahil hindi ito maaari. "Sige. Sige Beatriz. Kukunin ko na. Pero bilisan lang dapat natin. Ilang oras nalang at mag u-umaga na. Mas masisilayan na tayo ni forty-four kung maaari." Matapos magsalita ni Eddmar ay kaagad siyang tumakbo patungo sa kabilang kwarto at nang nakuha na niya ang Shovel ay kaagad na pinagtulungan nina Elwin at Mikaela na buhatin ang katawan ni Jimmy. Medyo hindi na rin kalakasan ang katawan ni Elwin dahil siya ay matanda na. At nang iaangat na niya si Jimmy ay aksidente niya itong nabitawan. Maging ang mga kamay ni Mikaela ay nadulas din. Ang resulta ay biglang bumagsak ang kawawang katawan ni Jimmy. Napatili kaming lahat maging si Ailee dahil hindi namin inaasahan ang nangyari.

Bigla namang tumakbo pabalik si Eddmar sa kwarto. "A-anong nangyari dit... DIYOS KO. JIMMY!" Nabigla siya nang makita si Jimmy sa lapag. "Pasensya na iho. Hindi ko akalain na hindi ko pala siya makakakayang buhatin." Ang shovel naman na hawak ni Eddmar ay ibinigay niya kay Elwin saka nagsalita. "Ayos lang po. Eto po ang shovel. Kayo nalang ang magdala sa labas at ako nalang ang magbubuhat kay Jimmy."

Tumango si Elwin at kaagad siyang sumunod kay Eddmar habang hawak-hawak nito ang shovel. Maging ako ay sumunod na rin sa kanila at nang itutulak ko na ang aking wheelchair ay biglang hinawakan ito ni Mikaela. "Ako na po ang magtutulak sa inyo." Sabay ngiti sa akin.

Nakita ko naman si Ailee sa aking likuran na parang nahihirapan. "Ayos ka lang ba Ailee?"

"Hindi ehh. Yung mga sugat kasi na nakuha ko kanina. Ngayon lang kumikirot ng sobra. Ang sakittttt." Saka ko nakita ang napakarami niyang mga sugat sa braso. Bigla akong nagtaka sa sarili ko dahil hindi ko ito nakita kanina nang pagbalik niya. Hindi ko naman inaasahan ang biglang pagsasalita ni Jennica. "May First Aid kit sa kusina. Tara Ailee. Sumama ka sa'kin. Gagamutin kita."

Bigla ko namang naalala ang reaksyon niya kanina nang makita niyang patay na si Jimmy. Parang may kakaiba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. "Ahh sige. Maraming salamat. Tara na." Tugon ni Ailee. Hanggang sa tuluyan na silang naglakad papalabas ng kwarto habang ako naman ay tinulak na ni Mikaela patungo kina Eddmar kung saan ay kasalukuyan nilang inililibing si Jimmy. Ang electric shovel ay napaka gandang imbensyon ng mga amerikano dahil sa loob lamang ng dalawang minuto ay makakapaghukay ka na agad ng napakalalim.

Habang tinutulak ako ni Mikaela ay pinagmasdan ko naman si Ailee na papalayo sa amin hanggang sa tuluyan na silang nakapasok sa loob ng kusina. Napalunok na lamang ako ng laway at wala na akong nagawa pa.

Pagkarating namin sa napakalaking pintuan ng simbahan ay sumalubong sa mukha ko ang napakalamig na hangin na nanggagaling sa labas. Nakita ko ang katawan ni Jimmy na nakalapag sa damuhan habang si Eddmar naman ay kasalukuyang naghuhukay. Hindi ko naman inaasahan na magsasalita si Mikaela.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now