CHAPTER 17 - Top

963 45 9
                                    

"Top?"
"Patrick?"
"Gumising ka na."
"Kailangan mong manalo."
"Para sa akin..."
"Top?! Patrick! Patrick! TOP? TOPPPPPP!"

Sa sobrang pagkagulat ko ay bigla akong napasigaw at napa-tayo. "Aray!" Matapos kong magising ay bigla kong naramdan ang panga ko na parang sinapak. Saka ko lang naalala na sinipa pala ako ng hayop na babae na may suot na number 19 na damit kanina, "Ouch! Puta! Ang sakit!" Napa-pikit ako sa sobrang sakit hanggang sa maya-maya lamang ay unti-unti na itong nawawala hanggang sa tuluyan na akong nahimasmasan.

Lumingon ako sa buong paligid upang hanapin kung sino ba ang babaeng sumigaw sa akin kanina. Pero wala akong ibang makitang mga tao sa buong lugar kundi ang napakadilim na paligid lamang. Sa tingin ko ay sa panaginip ko lang narinig ang boses na 'yon at medyo pamilyar rin ang kanyang boses, sa tingin ko ay kaboses siya ng pumanaw kong kapatid na si Camela. "Kailangan mong manalo, para sa akin?" Ano ang ibig sabihin 'non? Pero patay na siya!

Pero gagawin ko pa rin ang lahat para sa kapatid ko kahit na patay na siya. Kung sinabi niya na kailangan kong manalo para sa kanya ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na hindi tuparin ang gusto niya. Ang kapatid ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kung kinakailangan kong paslangin ang lahat ng mga tao dito sa Camp ay gagawin ko talaga. PARA SA KANYA!

Hinawakan ko ang aking panga hanggang sa nakita ko sa aking mga kamay ang tumutulong dugo galing dito. Lumingon ako sa damuhan at nakita ko na naglalagablab pa rin ito matapos akong batuhin ng granada kanina. Bigla kong naalala na ang shoulder bag ko ay mayroon palang orasan. "Bakit ngayon ko lang naisip na tignan 'to?" Napabulong ako at bigla akong nagulat matapos kong makita kung ilang oras na ba ang lumipas.

"2:43 AM"

Mukhang kalahating oras ata ako nakatulog. Bigla ko ring naalala ang machine gun na napulot ko kanina at nang pag-lingon ko sa aking tabi ay wala na ito. "LETCHENG BUHAY TALAGA TO! PUTA!"

Mukhang matagumpay rin talagang nakuha ng hayop na babaeng may number 19 na damit ang aking baril! Nanggigigil ako at gusto ko siyang hanapin at patayin! Gusto ko siyang tanggalan ng braso, paa, ulo, at kung anu-ano pang bahagi ng katawan niya! Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi niya ako pinatay. ISA SIYANG DUWAG!

Kinaiinisan ko talaga ang ganong klaseng mga tao at dapat sa kanila ay pinupugutan ng ulo! Dahil hindi niya ako pinatay ay mukhang magagantihan ko siya. "Mukhang masaya 'to." Muli kong ibinulong sa aking sarili.

Paboritong paborito ko kasi ang pag-ganti lalo na kung napakatindi talaga ng ginawa sa akin. Naaalala ko noong 21 years old ako nang may mga grupo ng mga palaboy na nag-palayas sa akin sa lugar na tinutulugan ko. Sa tingin ko ay mga nasa anim sila at silang lahat ay pawang mga lalaki. Nananahimik lang akong nagpapahinga sa likod ng stage sa may Quezon City Circle nang bigla nilang inagaw ang mga karton ko at pinag-babato rin nila ako hanggang sa wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at layuan na lang sila. Nagmakaawa ako sa kanila na wag nila akong palayasin pero pinagtawanan lang nila ako.

Pero hindi doon natapos ang lahat. Nakaramdam ako ng sobrang poot at galit sa kanila at nang kinagabihan din ay sabay-sabay ko silang pinatay! Oo! Pinatay ko silang lahat habang natutulog. Iyon rin kasi ang mga panahon na nagsimula na akong humithit ng rugby.

Iyon ang unang pagkakataon na nakapatay ako na hindi labag sa aking kalooban. May naalala pa ako kung saan ang isa sa kanila ay nagmamakaawa pa sa akin. Naaalala ko ba ang mga bagay na sinabi niya. "Pakiusap... Wag mo akong patayin... Nag-sisisi na ako... Pakiusap."

Pero nginitian ko lang siya. Hindi ko siya pinakinggan at parang nagbingi-bingihan lang ako. "Noong nagmaka-awa ako sa inyo kanina. Pinakinggan niyo ba ako? Diba hindi!" Kinuha ko ang kutsilyo na ninakaw ko sa isang karenderya at pinag-sasaksak ko siya sa kanyang mukha. Ang unang pag-saksak ay bumaon sa kanyang kaliwang pisngi. "Paki...usap..." Kasunod naman ay sa kanyang kanang mata. "Paki...u...AHHHH!" Hindi pa ako tumigil hangggang sa nilaslas ko ang kanyang leeg. Tumalsik ang kanyang dugo sa buong paligid at tuluyan na siyang tumigil sa pag-sasalita at... namatay. Ganon din ang ginawa ko sa lima pa niyang mga kasamahan.

Camp Horizon (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now