Chapter 2: Moving On But You Reach Out Again

645 27 94
                                    

"Tigilan n'yo na 'yan!"

Napatingin si Minikki sa nagsalita. Ganoon din si Andrea at ang kaniyang mga kaibigan.

"Matagal nang naka-move on si Nikki sa bakla mong jowa," pang-iinsulto ni Jeremiah kay Andrea, sabay lapit sa kaniyang kaibigan na si Minikki. Kitang-kita kung paanong nagbago ang reaksyon sa mukha ni Andrea nang marinig ang sinabi ni Jeremiah.

"A-anong bakla? My boyfriend is not a gay!" iritableng sigaw ni Andrea habang umuusok ang ilong sa galit. Pinipigilan naman siya ng mga kaibigan niyang sugurin at sabunutan si Jeremiah.

"Anong hindi? Puntahan mo sa kabilang room para makita mo kung paano niya gayahin 'yong mga kpop girl group," maangas na siwalat sa kaniya ng binata.

"Normal lang 'yon 'cause he's a dancer! Homophobic!"

Inirapan ni Andrea si Jeremiah bago ito padabog na lumabas na sinundan naman ng mga alipores niya.

"Homophobic agad? Eh, bakla nga ako," bulong ni Jeremiah habang umiirap sa hangin. Napunta naman ang atensyon nito kay Minikki.

"Okay ka lang?" tanong nito habang hinihimas ang balikat ng dalaga. Matagal nang magkakilala si Jeremiah at Minikki. Bukod sa magkaklase sila, si Jeremiah Nicolei lang ang nagtatanggol sa kaniya kapag inaapi siya ng mga kaklase nilang masasama ang ugali.

Tumango lang bilang sagot si Minikki at iniyukod ang ulo sa ibabaw ng desk bago napabuntong-hininga.

"Ewan ko ba sa 'yo bakit nagpapa-api ka sa mga chakang 'yon," bulong ni Jeremiah. Minikki looked up as she squinted her eyes because of hearing that word. "Mas maganda ka kaya sa mga 'yon lalo na kung mawala 'yang mga tigyawat mo sa mukha."

Minikki raised her eyebrows as she heaved a sigh and went back to facing her armchair. Looks like, hindi siya kumbinsido sa ipinuri sa kaniya ng kaniyang kaibigan. "Maniwala ka sa 'kin. Kung hahayaan mo lang akong ayusan ka, mas maganda ka kaysa kay Andrea."

Minikki keeps on shaking her head. "Nakikita ko ang sarili ko sa salamin, Jeremiah. Kahit gaano kakapal ang foundation at concealer ang itapal mo sa mukha ko, wala na 'tong igaganda. Pagtatawanan lang ako nila Andrea at lalo akong pagdidiskitahan dahil sila, natural ang mga ganda nila," komento ni Minikki na may halong pagkadismaya tungkol sa kaniyang sarili.

"Tsk. Natural na masasama ang ugali," sambit ni Jeremiah bago umupo sa katabing upuan ni Minikki. Nakahalukipkip it habang bagsak ang mga balikat. "Anong silbi ng panlabas na anyo kung hindi naman busilak ang kanilang puso?"

"Mga pangit lang ang nagsasabi niyan, Jeremiah," saad ni Minikki.

"Hays, can you stop calling me that? I am Maya, okay? At ewan ko ba sa 'yo, Minikki! Kung bakit hindi ka lumalaban. Mabuti pa, lumipat ka na lang sa ibang school," suhestiyon ni Jeremiah habang pinagmamasdan ang mga kaklase niyang unti-unti nang nagsisidatingan.

"Kahit nasa ibang school ako, ganito pa rin ang trato nila sa akin. Wala akong takas."

"No, I mean, doon sa sinasabi kong university. Alam mo kung pasado lang ang mukha ko, doon ako papasok, eh, para malayo sa mga toxic people katulad nila Andrea."

Kumunot ang noo ni Minikki. She glanced at her friend, questioning what he said, "Anong university? At anong kung pasado lang ang mukha mo? May school bang gano'n? Sa mukha ang basehan?"

"Yes, kakaiba nga, eh, pero 'yon lang ang narinig ko doon sa pinsan ko." Inilabas ni Maya ang flyer mula sa bulsa ng bag niya. "Aksidente kong nakita 'to sa pinsan ko dati. Out of curiosity, sinubukan kong mag-enrol pero hindi ako pasado."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Minikki pagka't nalalaman niyang bukod sa matalino si Jeremiah ay sporty din ito at may itsura. Madali itong matatanggap kahit saan mang university niya gustuhin.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now