Chapter 9: Public Chamber to the Hidden Office

411 13 0
                                    

It feels surreal. Minikki can't hide her excitement knowing the fact that her mother finally approves of her studying at Occoii University. Minsan hindi pa rin siya makapaniwala na totoo nga ang university na iyon. Nagduda pa siya kay Maya tungkol doon gayong totoo naman pala.

Hawak ni Minikki ang pinagtagpi-tagping piraso ng flyer na pinunit ng kaniyang ina. Ngunit agad ding nawala ang ngiti niya nang maalala ang tatlong tests na kailangan niyang ipasa. Hindi pa pala siya siguradong makakapasok doon.

"Halika na, Minikki," pagyayaya sa kaniya ng kaniyang ina. Dumapo ang mga mata ni Kireina sa hawak ni Minikki.

"Sinong kaklase nag nagbigay sa 'yo niyan?"

"Si Maya po. Nakita niya raw po ito sa pinsan niya at sinubukan niyang mag-apply para makapasok pero hindi raw po siya nakapasa. Kaya binigay niya ito sa 'kin, subukan ko rin daw. Pero kinakabahan ako, ina. Doon sa tatlong tests. Baka hindi ako makapasok."

Kumunot ang noo ni Kireina. "Tatlong tests?"

"Physical, Mental and Ability Tests po, ina."

Kinuha ni Kireina ang flyer na iyon at tiningnang mabuti. Muli itong sumulyap kay Minikki. "Huwag mo na itong isipin. Halika na sa Hidden Office."

Nagtataka man kung ano ang Hidden Office ay sumunod na lamang si Minikki sa kaniyang ina. Minikki noticed how people don't care about her anymore. It was as if it wasn't yesterday when everyone tortured her because of the viral video.

Laking pagtataka ni Minikki nang mapadpad sila sa public comfort room sa park na malapit sa kanilang subdivision.

"Ina, ano pong ginagawa natin dito? Nasaan po rito 'yong Hidden Office?" tanong ni Minikki na tila ba nagugulumihanan habang nagpapalinga-linga upang hanapin ang Hidden Office.

"Sa public comfort room, sa pinakadulong cubicle. You'll use the public chamber. Kumatok ka lang ng tatlong beses kapag nasa loob ka na. Pagkatapos ay i-flush mo ng tatlong beses ang bowl tsaka mo muling buksan ang pinto," paliwanag ng kaniyang ina. Napanganga na lamang si Minikki sa kaniyang narinig. Wala naman siyang nagawa kundi tandaan ang panuto ng kaniyang ina para makapunta sa Hidden Office.

Pumasok na siya sa public comfort room. Mabuti na lang at walang masyadong tao kung kaya't nagdere-deretso na siya sa paglakad papunta sa pinakadulong cubicle. Katulad ng sinabi ng kaniyang ina, sinara niya ang pinto bago kumatok ng tatlong beses pagkatpos ay tumapat siya sa bowl at nag-flush ng tatlong beses. Napahinga siya nang malalim nang hawakan niya ang doorknob at muli itong buksan.

Mas lalo siyang napanganga nang mapadpad nga siya sa isang lugar na ngayon lang niya napuntahan. Ang Hidden Office!

Sumalubong sa kaniya ang maraming corporates na abalang-abala sa kani-kanilang ginagawa. Malaki at maaliwalas ang kwarto at hindi maitatanggi ni Minikki na nag-uumpaw ang galak sa kaniyang puso.

Napansin niya rin na carpeted ang buong sahig; kulay emerald. Vintage ang mga tables at chairs. Modern typewriter ang gamit ng mga employees. Sobrang ganda kahit simple lang ang yari ng office na iyon, hindi maitatanggi na napaka-classy. May mga halaman din sa bawat sulok ng kwarto. Napangiti si Minikki.

Napansin niyang nakatingin pala sa kaniya ang mga tao sa loob ng office. Napa-bow siya upang batiin ang mga taong kasalukuyang sinusuri kung sino nga ba siya.

"G-good morning po," bati niya.

"Minikki! What took you so long?"

Nagulat ang dalaga nang batiin siya ng isang matandang babae na nakasalamin na itim na cat-eye shaped. "Come here."

Sumunod siya rito. Nakita niya sa table ang nameplate nito. Mrs. Laluzienne.

"Kilala niyo po ako?" agtatakang tanong ni Minikki saka siya umupo sa upuan kaharap ng table ni Mrs. Laluzienne. Umupo rin ang matanda sa kaniyang silya.

Ibinaba nito ang salamin bago nagsalita. "Of course, you also have the same aura of your mother, Kireina."

Inilahad nito ang kaniyang kamay para kunin ang requirements na dala ni Minikki na inihanda ni Kireina kanina. Ibinigay naman iyon ng dalaga at sinuri ng matanda ang mga papeles na nasa loob ng envelope.

"Si ina po? Ano pong meron sa aura ni ina?" interesadong tanong ni Minikki. She feels so ecstatic knowing that everybody seemed to know her. As far as she knows, she was just a commoner that always received harassment from other people. Why does she feel like she was some kind of a popular human being?

Naalala niya ang sinabi ng kaniyang ina tungkol sa tungkulin na kailangan niyang gampanan. Wala siyang ideya kung ano iyon pero pakiramdam niya malaking papel ang gagampanan niya sa araw na makatapak siya sa Occoii University. May halong kaba ngunit galak ang nangingibabaw sa kaniyang damdamin.

Ngumiti lamang ang matanda at hindi sinagot ang tanong ni Minikki. Ipinagpatuloy lang nito ang pag-aasikaso sa application ng dalaga.

"Smile."

"P-po?" Napakamot si Minikki.

"Look at me." Hinawakan ng matanda ang kaniyang salamin habang nakatingin kay Minikki. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Napansin niya ang biglang pagpindot ni Mrs. Laluzienne sa gilid ng kaniyang salamin. "Okay, good shot."

"P-po?"

Maya-maya pa ay may nag-print na'ng picture sa gilid ni Minikki.

"May printer pala do'n," sabi ng dalaga sa kaniyang isip.

Namangha siya sa kaniyang nasaksihan maging sa salamin ni Mrs. Laluzienne na may built-in camera at may direktang access sa printer.

"As you can see, the end of the semester for senior high school is near. If you can pass the exams that will take place next week, you can now be accelerated to first year college."

"Exams po? You mean, physical, mental and ability tests?"

Umiling si Mrs. Laluzienne. "There are no tests, Minikki. Ang tinutukoy kong exam ay 'yong final exams para sa Grade 12 students. The university that you were about to enter is just like the university outside. We offer general education for every student that has been neglected and abused by those we call 'taga-labas'. Tayong mga taga-loob, we can live normally here and free from all discrimination."

Minikki bit her lips. She can't help but to feel emotional. Hindi niya akalaing mayroon ngang eskwelahang tatanggapin siya sa kabila ng kaniyang pisikal na anyo. Na mayroong kayang tumingin sa kaniya nang matagal habang nakangiti.

"As soon as you finished acquiring your school supplies and uniform, you can go to Occoii University tomorrow to attend your class and meet your classmates," paliwanag ni Mrs. Laluz.

Tumango-tango si Minikki habang sini-sink in pa niya sa kaniyang utak niya ang mga sinabi ni Mrs. Laluzienne.

"Any question?"

"P-paano po lumabas?"

"Sinara mo ba ang pinto ng Public Chamber kanina?"

"Opo," sagot ni Minikki.

"Buksan mo lang ang pinto kung saan ka pumasok kanina at iyong isara, makakabalik ka na sa labas."

Ngumiti ang dalaga bago ito tuluyang magpaalam kay Mrs. Laluzienne. Pagkalabas niya ay nakita niya ang kaniyang ina. Agad niya itong niyakap.

"Kumusta?" Tanong ng kaniyang ina na kanina pa siya hinihintay sa harapan ng public comfort room.

"Ina, hindi ako makapaniwala. Akala ko wala nang tatanggap sa akin."

Kireina caressed Minikki's back trying to comfort her only daughter. But her face was full of worries and anxieties that she was trying to hide from Minikki.

"Pwede na raw po akong pumasok bukas sa Occoii University pagkatapos kong makuha ang school supplies at uniform ko. Hindi na ako makapaghintay, ina!"

Hinaplos ng ina ang likod ng kaniyang anak at sinubukang ngumiti. "Kung gayon, halika na sa Buried Emporium."

###

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz