Chapter 16: Deeper than the Cerulean Sea

301 11 0
                                    

"Then, we will be ruined," sagot ni Gellie sa tanong ni Minikki.

"Ha? Hindi na ba tayo makakakuha ng bago?"

Umiling naman si Jaeson. "Hindi na. Iyan ang pagkakakilanlan natin. Kapag nalaman ng Grand Office ang tungkol sa pagkawala ng viridescent card mo, baka hindi ka na rin magtagal sa lugar na ito at pauwiin ka na nila sa labas."

"Why? Did you lose your viridescent card, Minikki?"

"H-hindi."

"Then, why did you ask?"

"W-wala naman."

The next day, Minikki tried to think of how she could return the v.card she found to the girl she met yesterday. Well, it wasn't literally met because Minikki never saw the girl's face who bumped into her. But, she was worried about that girl yet she couldn't submit the card to the lost and found office since it shouldn't be known by the office. Ayaw niya namang maging sanhi ng pagkapalayas ng babae mula sa lugar na ito. Kailangan niya pang umisip ng iba pang paraan.

"I guess everyone is here so let's start our class," panimula ni Professor Gener. "This semester, we'll take swimming class."

Naghiyawan naman sa galak ang mga estudyante ni Professor Gener. Halatang-halata na gusto ng mga ito na magtampisaw sa dagat kahit na oras ng klase. Ang iba ay nakangiti pagka't sa wakas ay matututo na rin silang lumangoy. Kabilang na roon si Minikki.

"I believe, you are never too old to learn to swim. And this swimming class is very necessary because it saves lives. For today, we will talk about the importance of swimming lessons, the history, the styles, the officials, and the swimwear."

"Prof, kailan tayo pupunta sa Cerulean Sea?" sabat ng isa na mababakasang hindi na makapaghintay.

"Later, after our discussion. We'll be visiting the Cerulean Sea."

Taimtim na nakinig ang mga bata nang marinig iyon kay Professor Gener. Kahit si Minikki ay atentibo sa mga dinidiskusyon ng propesor.

"Why do we need to take a swimming class?"

Tumaas ng kamay si Gellie upang sumagot, "For personal safety, sir."

"That's correct. Studying to swim is necessary as you never know if there could be an instance where you fall into water. Learning how to swim will provide you the ability to survive in water. And later on, you will see why instead of a pool, we would take our class into the sea."

"Dahil magkaiba ang swimming pool sa aktwal na dagat, prof! Mas maigi nang maranasan natin ang natural kaysa sa artipisyal! Ang malamig at malinaw na tubig para na rin makasama natin ang mga iba't ibang uri ng isda. Sakto, pananghalian," banat ni Jaeson na naging dahilan ng pagtawa ng lahat.

"Hindi naman halatang excited ka, Jaeson," komento ni Professor Gener. "Sino-sino ang mga hindi pa marunong lumangoy dito?"

Tumaas ng kamay si Minikki at napansin iyon ni Professor Gener.

Natapos ang discussion in Prof. Gener at mababakasan ng galak ang buong klase dahil kapwa nakasakbit na ang mga bag sa kani-kanilang balikat. Katulad ng pangako ng propesor, naglakad sila papunta sa Cerulean Sea. Nasa dulong parte ito ng Occoii University at totoong namangha si Minikki nang makita ang kalawakan ng kumikinang na dagat. Malalim ang pagkakaasul nito na para bang hinihila kang magtampisaw. Nakikita palang ni Minikki, ay naliligayahan na ang kaniyang puso.

"Okay everyone, may I remind you na wala munang lulusong o magbabasa sa Cerulean Sea hangga't hindi pa naka-proper uniform. And also, we got a lot of things to discuss especially about the safety precautions before we hop into the actual swimming. Understand? No one is allowed to jump into the sea, okay? I'll be back for a while. Hold on."

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now