Chapter 41: Broken Moratorium

205 6 0
                                    

Bumuhos ang malakas na ulan dahilan para mas lalo ring lumakas ang agos ng tubig sa ilog. Tinatangay ng agos ang katawan ni Minikki papunta sa mga batuhan. Mas lalo pang nadadagdagan ang kaniyang mga pasa dahil tumatama ang kaniyang katawan sa malalaking batong nakakalat sa ilog. Wala na siyang lakas para pumiglas sa mga lubid na nakatali sa kaniyang kamay at paa. Unti-unti siyang nauubusan nang hininga nang sa isang iglap, muli siyang nakakita ng liwanag. Nagdalawang-isip pa siya kung ito ba ay ang lagusan patungo sa ninanais niyang lugar or patungo sa kabilang buhay.

Sa isang kisapmata, bumagsak siya sahig...sa lupa kung saan nakatayo ang Occoii University. Malapit sa fountain ng mystical lady. Naramdaman niyang may tumulong sa kaniya ngunit tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita niya ang isang babae. Si Zea, ang misteryosang babae na nakilala niya roon sa archery field.

"You're awake. You've been sleeping for three days now," sambit nito.

Bumangon si Minikki mula sa kaniyang kama. Nakita niya ang mga nakabendang parte ng kaniyang katawan. Hinawakan niya iyon at tama nga siya, wala na ang sugat at pasang natamo niya mula sa pananakit ni Andrea. "Tatlong araw?" nagtatakang tanong ni Minikki.

"Yes, I saw you lying beside the mystical lady. Nakatali ang mga kamay at paa mo pati na rin ang ulo mo, may balot ng plastic."

Napabuntong-hininga si Minikki nang maalala niya ang kaniyang sinapit sa labas ng Occoii University. Ang muntik niya ng kamatayan sa kamay ni Andrea. Napatingin siya kay Zea. "Ikaw ang tumulong sa akin?"

Tumango ito. "P-paano? Hindi ba't hindi tayo pwedeng maglapit?"

"You were drenched of rain so..."

Kumunot ang noo ni Minikki. "Ibig sabihin, hindi ka rin nanghihina sa ulan?"

"Hindi ka rin? You mean, hindi ka rin nanghihina sa ulan?" tanong ni Zea rito. Napanganga si Minikki dahil napagtanto niyang pareho sila nito. Isa-isa niya tinanggal ang kaniyang benda at nakita ni Zea na wala nang bahid ng kahit na anong kasarinlan sa balat ng dalaga.

"Rain heals us...it is our arsenal of powers."

"Pero bakit nanghihina sila rito kapag umuulan? Bakit tayo hindi?"

Muling bumalik sa kaniyang alaala ang nabanggit nito noon na hindi siya nag-aaral dito sa Occoii University. "Nangangahulugan ba iyong galing ka sa ibang dimensyon? O sa ibang panahon?"

Ngumisi si Zea. Tila ba sapat na ang pagngiti niya bilang sagot sa mga tanong ng dalaga. "What happened to you? Why are you lying there looking full of bruises and wounds?"

Napabuntong-hininga si Minikki ngunit ayaw niya nang sabihin pa rito ang buong nangyari. May mas kailangan siyang ipaalam. Tama. Muntikan niya nang makalimutan.

"Kinuha nila si ina, Zea, pati na rin ang lolo't lola ko. Kailangang malaman ng grand office ang nalaman ko."

Dalawang pangungusap ngunit alam na ni Zea ang ibig sabihin.

Agad na tumayo si Minikki at lumabas ng kwarto ngunit natigil siya sa paglalakad nang mapansin ang mga kabataang nakagayak ng mga mamahaling bestida at polo na tila ba pupunta sa isang engrandeng pagtitipon. Ang Association Ball. Doon lamang napagtanto ni Minikki na ito na ang huling gabi ng Association Week kung saan lahat ng mga estudyante ay inaanyayahang magsaya at maging malaya.

Hindi siya nakagayak pero pinagtitinginan siya ng mga tao. Napakamot na lang siya sa ulo at piniling lampasan ang mga iyon.

Walang mga guro sa paligid kahit ang mga presidente ng associations ay wala rin. Sa dami ng mga estudyanteng nagkalat sa university ay imposibleng makita niya rin ang kaniyang mga kaibigan na si Gellie at Jaeson.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon