Chapter 4: Bruises and Wounds

490 18 2
                                    

"Andrea!" malakas na sigaw ni Joshua sa pangalan ng nobya bago ito nilapitan.

Students were surprised to what took place. Lalo na si Minikki na ngayo'y nakatitig sa kawawang mukha ni Andrea na walang malay.

There were bloods behind the unconscious body of the lady. Napakagat si Minikki sa kaniyang labi habang kinukutkot ang mga daliri dahil hindi siya makapaniwala sa kaniyang nagawa.

"Umalis ka na rito," sambit ni Joshua bago buhatin ang katawan ng kaniyang nobya upang dalhin sa clinic. Sasama pa sana si Minikki nang pigilan siya ng binata.

"Umuwi ka na," sambit pa nito at tuluyan nang naglakad palayo sa dalaga.

Naiwan si Minikki na halos hindi alam ang gagawin. Nanginginig ang mga kamay niya maging ang tuhod niya'y hindi kinakaya ang bigat ng kalooban na kaniyang dinadala.

Tiningnan niya ang paligid at kapwa nakatingin sa kaniya ang mga estudyante. Nagbubulungan. Umiiling.

"Minikki! Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Jeremiah na papalapit sa kaniya. Nakatingin lamang si Minikki sa dalawa niyang kamay habang umiiyak.

"Hindi ko sinasadya," bulalas ni Minikki habang patuloy na umiiling at umiiyak. "Hindi ko sinasadya, Maya."

***

Hindi pa man lubusang nakakapasok si Minikki sa school ay rinig na rinig niya na ang mga bubuyog na nagbubulungan sa paligid niya.

"Tinulak niya si Andrea."

"Oo nga daw, dahil yata kay Joshua."

"So totoo nga ang balita? Magkarelasyon si Minikki at Joshua dati?"

"Ulol. Papatulan ba ni Joshua 'yan? Pangit-pangit, eh."

"Kapal nga ng apog. Pumasok pa talaga."

"Pangit na nga, masama pa ang ugali."

Napayuko na lamang si Minikki sa mga insultong naririnig niya mula sa kapwa niya estudyante. Mataas na ang araw pero tila ba hindi iyon sumisikat para bigyan siya ng pag-asa. Nagkamali yata siya na pumasok pa siya.

Pinili niyang huwag nang pakinggan pa ang mga pasaring ng mga nagkalat na estudyante at nagpatuloy na lamang sa paglakad papasok sa classroom niya. Gaya ng mga tao sa labas, ganoon din ang tingin sa kaniya ng mga kaklase niya. Ang mga mapanudyong tingin na ibinabato sa kaniya ng bawat estudyanteng nasa loob ay tila ba nagsasabing masama siyang tao.

Umupo na lamang siya sa kaniyang upuan. She couldn't look up because she doesn't want to meet with anyone's eyes. Kung maaari lang na maging bingi, bulag at walang pakiramdam ay hihilingin niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang guro nila. Sandaling natahimik ang lahat na para bang mga anghel.

"Miss Umali, go to the principal's office now."

Umakyat ang kaba sa sistema ni Minikki. Hindi niya alam ang dapat niayng maramdaman lalo na sa puntong patuloy pa ring nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang buong nangyari. Ginugulo siya ng mga alaala at napapaniwalang totoo ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya na baka sinadya niya ang malakas na pagtulak kay Andrea para makaganti sa lahat ng mga pang-aapi nito sa kaniya.

Umiling-iling siya para kontrahin ang mga sumasagi sa kaniyang isipan. Akmang papalabas na ng room si Minikki nang magsalita muli ang guro. "I think you should bring your bag."

Mas lalong umingay ang klase. Kaliwa't kanan ang mga bulungan tungkol kay Minikki na pawang puno ng panghuhusga laban sa kaniya. Kahit nakatalikod siya, ramdam pa rin niya ang mga matang tila ba palaso na nakatarak sa kaniyang likuran.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now