Chapter 18: The Light and The Lady

298 8 0
                                    

Nagpaalam na si Professor Gener sa dalaga at pinayuhan si Minikki na bumalik na ito sa klase. Wala nang nagawa si Minikki kundi sundin ang propesor at huwag nang umapela pa sa pasya ng Grand Office. Wala siyang ideya sa parusang natanggap ng dalawa ngunit nang makabalik siya sa klase ay tila ba napatunayan niya ang tungkol sa parusang natanggap ng kaklase niyang si Haylan.

Hindi na ito nakaupo sa katabing upuan niya at imbes ay nakaupo ito sa likuran. Nagkaroon siya ng hinala na baka pinaiiwasan si Haylan sa kaniya. Ibinaling na lamang ni Minikki ang atensyon niya sa iba niyang mga kaklase na kapwa nakangiti at kinakamusta siya. Maging ang niligtas niya kahapon ay walang sawang nagpapasalamat sa ginawa niya.

"Swerte mo, hindi ka kasama sa mga nabenggahan ni Mrs. Ruby kanina," komento ni Jaeson.

"Bakit?"

"Don't even ask. My eardrums are still surviving from trauma. Anyway, should we go now?" pagyaya ni Gellie sa kadarating lang na si Minikki.

"Saan?"

"Sa library,"

"Bakit? Anong gagawin natin do'n? Wala ba tayong klase?"

"Wala!" sabay na sigaw ni Gellie at Jaeson na tila ba unang beses na nagkasundo.

"Basta may meeting tayo, Minikki! Kaya halika na!"

Sumama na lamang si Minikki sa kaniyang mga kaibigan papunta sa library kahit wala siyang alam kung bakit sila pupunta roon. Napanganga siya sa napakalaki at napakalawak na lugar. Punong-puno ng mga sheves at libro! Para siyang nasa paraiso!

May mga escalator pa papunta sa pinakataas na makikita ring punong-puno ng libro. Kung pwede lang tumalon sa galak ay ginawa na ni Minikki. Hindi siya nagsisising sumama siya sa mga ito.

"Hindi makakapunta sa klase natin si Miss Evergreen ngayon kung kaya't may iniwan lang siyang gawain para sa atin," paliwanag ni Gellie sabay kuha ng mga libro sa shelf at ipinatong sa mahabang table na malapit sa salansanan.

Nakaupo lang si Minikki dahil hindi niya rin alam ang itutulong niya. Hindi naman sa kaniya binabanggit ng mga ito ang tungkol sa gawain na ibinigay ni Miss Evergreen.

Maya-maya ay dumating si Jaeson na may dalang makakapal na libro.

"Tama nga ang hula natin, Gellie, pinag-uusapan si Miniks ng mga estudyante," banggit nito na ikinabahala ni Minikki.

"Ako? Bakit?" nababahalang tanong ng dalaga.

"Naalala mo 'yung aksidenteng nangyari sa 'yo sa Cerulean Sea?"

"Ha? Oo, kahapon lang 'yon, eh. Anong tungkol do'n?"

"May bumukas na lagusan sa ilalim ng dagat."

"Lagusan?" tanong pa ni Minikki kasabay ng pagtataka sa narinig.

"That was never there before, Minikki, pero pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa 'yo, it appears," paliwanag pa ni Gellie. Bumilis ang tibok ng puso ni Minikki.

"Nakita mo ba 'yon kahapon, Miniks?"

"Ha? Ang lagusan?"

Pilit na inalala ni Minikki ang mga nakita niya noong nasa ilalim siya ng karagatan.

"Oo. May nakita ka bang kakaiba sa ilalim ng dagat?"

"Ahh...M-meron, isang malaking puting liwanag at isang babae," sambit ni Minikki nang maalala niya ang sandaling iyon bago siya malagutan ng hininga sa Cerulean Sea.

"That was it, Minikki! And I'm sure that was the reason why Professor Gener received punishment. Based on what I read before, may mga lagusan na pwedeng magdala sa 'yo sa labas o sa ibang lugar but the worst part is pwedeng magdala sa 'yo sa kabilang buhay."

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now