Chapter 8: It's Time for Duty

408 14 0
                                    

"Kung tumigil na lang kaya ako sa pag-aaral?" konklusyon ni Minikki matapos ang mahabang pag-iisip niya tungkol dito. Ayaw niya nang pahirapan pa ang kaniyang ina sa paghahanap ng paaralan kung saan matatanggap siya.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang mag-ina.

"Hindi, Minikki. Hahanap ako ng university kung saan malaya ka at walang mang-aapi sa 'yo. Kung saan pwede mong maabot ang mga pangarap mo."

"Pero ina-"

"Tapos na ang pag-uusap na ito, Minikki. Magpahinga ka na. Bukas na bukas ay iisa-isahin natin ang university sa bayan na ito."

Minikki was left dumbfounded after her mother walked away from her. She felt the burden of being a child with such a face wherein her mother can also feel miserable because of her. Kung maganda lang sana siya, hindi na nila kailangan pang magpalipat-lipat ng eskwelahan. Wala sanang mang-aapi sa kaniya. Hindi sana siya nahihirapan.

Lumipas ang mga araw na abala sa paghahanap ng eskwelahan ang ina ni Minikki. Apply dito, apply doon. Nagbabakasakaling may tatanggap pa rin kahit patapos na ang taon.

Pansin ng dalaga ang pagsisikap ng kaniyang ina para sa kaniya ngunit talaga yatang malakas ang koneksyon ng pamilya ni Andrea dahil mabasa pa lamang ng mga guwardya ang pangalan ni Minikki sa kaniyang dokumento ay hindi na ito binibigyan ng tyansa pang makatapak mismo sa loob ng paaralan.

Napabuntong-hininga si Minikki. Isang maling galaw lang ay kumipot na agad ang daan niya. Sana pala ay hindi na siya nagpadala sa bugso ng kaniyang damdamin at hinayaan niya na lang na saktan siya ni Andrea para kung sa gano'n ay nasa school pa siya at malayang nakakapag-aral.

"Siya si turon girl, 'di ba?"

"Oo nga! Siya 'yong nasa video!"

Minikki glanced at those girls who are now staring at her. Nasa palengke silang dalawa ng kaniyang ina upang magtanghalian at magpahinga sandali. Nalibot na nila ang buong bayan ngunit wala talagang nais na tumanggap sa dalaga.

Parehong napakunot ang noo nilang mag-ina nang mapansing dumarami na ang mga nakatingin kay Minikki. Napansin ni Minikki na may pinapanood ang mga ito sa kanilang cellphone.

Lumapit ang isang grupo sa kay Minikki. "Miss, ikaw ba talaga 'to? Viral ka," sambit ng isang babae sabay pakita ng kaniyang cellphone sa mag-ina.

It was an edited video of Minikki. Makikita kung paano siya apihin ng mga kaklase niya. Naalala niya ang sandaling iyon na inutusan siya ni Andrea ng pagkain. Bumili siya ng turon pero nagalit si Andrea kung kaya't pinalamon sa kaniya. Ngunit ang video na iyon ay hindi para umani ng simpatya kundi pasamain ang imahe ng kawawang dalaga. She is a victim of dirty editing. Naroon ang video kung saan tinulak ni Minikki si Andrea. Pati na rin ang maikling clip ng kalagayan ni Andrea sa hospital. All was to grow sympathy to the real perpetrator.

Minikki doesn't know what to say. She was so shocked by it knowing that she's with her mother watching the video. She felt the rattle of her nerves and wanted to cry. She felt belittled and betrayed. Napakasakit sa damdamin na binaliktad pa siya ng mga ito.

Maya-maya lang ay kinuyog na ng mga tao si Minikki. Kapwa siya sinasaktan ng mga ito. Sampal, sabunot, kurot. Dahil sa gulat ay hindi kaagad nakalaban si Minikki. Mali, hindi siya marunong lumaban. Lalo na't nagkaroon na siya ng takot na baka sa oras na lumaban siya ay masamain na naman siya ng mga tao.

Pino-protektahan siya ng kaniyang ina ngunit dalawa lang sila laban sa marami. Anong kaya nilang gawin?

Her eyes were clouded by tears. Nakikita niya kung paano saluhin ng kaniyang ina ang mga sampal at suntok na dapat ay sa kaniya. Nakakapanghina. Gusto niyang magtanong sa mundo kung bakit kailangan niyang maranasan ito? Ngunit sino bang may bukas na tainga ang handang makinig sa kaniyang mga pagsusumamo? Lahat ay bingi, bulag at pipi.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon