Chapter 24: River of Wendigos

233 8 0
                                    

Lumipas ang isang linggong paghahanda ng mga estudyante para sa Association Week. Marami rin kasing nakalatag na event na pinamumunuan ng apat na asosasyon na magpapasigla sa mga kabataan. Kabilang na roon ang gaganaping Association Ball sa huling gabi ng Association Week. Doon mas lalong na-e-excite ang mga estudyante dahil mararanasan nila ang gabing tanging Student Association lang ang magpa-facilitate at hindi kasali ang mga guro.

"Magkita na lang tayo mamayang uwian," sambit ni Minikki sa kaniyang mga kaibigan sabay takbo papunta sa Dreamer's Hall. Araw ngayon ng Sabado at may gathering ang bawat association.

Napansin niyang hindi na ganoon karami ang bilang ng mga kasama niya sa Dreamer. Siguro'y natuklasan na ng iba ang kanilang kakayahan kaya wala na sila rito. Ang iba rin niyang kaklase na kinuha niya ang pangalan noon ay hindi niya na nakita.

"Okay, Dreamers, today we will be having an activity outside our hall. Pupunta tayo sa Dreamer's training ground kung saan doon pwede nating matuklasan kung nabibilang ba tayo sa acer o defender o kung maswerte tayo ay bilang chuffer. So, ano pang hinihintay natin? Tara na!" nakangiting yaya ni Darwin sa kaniyang mga kasama.

Pinangunahan ni Darwin ang kaniyang asosasyon sa pagpunta sa ground. Medyo malayo ang training ground mula sa Association Building at kailangan nilang maglakad nang ilang minuto.

Nadaanan nila ang training ground ng Acer. Kakaiba ang ground ng mga ito dahil para silang mga scientist at inventor. Para bang may binubuong weapon. Tanging mga ingay lang ng makina ang maririnig sa lugar na ito. Walang nag-uusap at mukhang focus na focus sila sa kanilang ginagawa samantalang sa Defender training ground ay makikitang naglalaban-laban ang mga estudyante. May parteng nag-e-ensayo ng pakikipaglaban katulad ng martial arts, karate at iba pa. May mga nagbubuhat rin ng mabibigat na gamit. Tila ba parang isang malaking gym ang training ground nila. Nanunuot na amoy ng pawis ang madadatnan mo.

Sumunod naman ang training ground ng mga Chuffer. Halatang mga nakaka-intimidate ang mga tao rito dahil kapwa mga seryoso at kung umusap man ay tanging matatas lang umunawa ang makakaintindi. Ang pag-eensayo nila ay pinagsamang activity ng Acer at Defender.

"Pres, paano kapag na-awaken mo na 'yong ability mo? Iiwan mo na kami?" tanong ng isa. Ngumiti naman si Darwin nang marinig niya iyon.

"Depende kung ang abilidad na matutuklasan ko ay hindi nabibilang sa tatlo, mananatili ako rito."

Napukaw ang atensyon ni Minikki sa sinambit ng presidente.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong pa ng isang sumasabay sa paglakad ni Darwin.

"May mga abilidad tayong pwedeng matuklasan na hindi kabilang sa Acer, Defender at Chuffer. Kapag hindi kabilang sa kanila, automatic Dreamer ka. Katulad na lang ni Miss Evergreen, may nakakita na ba sa inyo ng abilidad niya?"

Kapwa umiling ang mga kasama ni Darwin.

"Kaya niyang kontrolin ang mga halaman, maging ang mga ugat nito kaya ganoon na lang din siya kagaling manggamot ng lupon."

Namangha ang mga estudyante kabilang na si Minikki at kapwa nangarap na masaksihan ang abilidad na taglay ni Miss Evergreen.

Nagkuwentuhan pa ang mga ito at hindi nila napansin kung nasaan na nakatapak ang mga paa nila.

Napanganga ang mga estudyante nang makita nila ang isang ilog at ang daan papaakyat ng bundok.

"Wow! Tatawirin ba natin 'yan, Pres?" tanong pa ng ilan. Bakas sa mga mukha ng estudyante ang excitement. Mukhang gustong-gusto na nilang magtampisaw sa ilog at magsiakyatan sa bundok.

"Everyone, listen. We're here at the River of Wendigos. I want you to team up into five. You can choose your friends or classmates na pwede niyong makasama in this kind of activity. This activity will measure your ability as an individual and as a team. Kung sino ang unang makakuha ng treasure na nakatago d'yan sa Fortune Mountain ang magiging panalo. I will give you the prize you wanted," paliwanag ni President Darwin na lalong nang-engganyo sa lahat.

Tumango ang mga estudyante at kani-kaniyang naghanap ng kagrupo. Naiwan si Minikki na walang kasama. Majority ng mga kakilala niya ay may grupo na. Napatingin siya sa apat na babaeng nakatingin din sa kaniya. Masama ang tingin sa kaniya na para bang kahit wala silang choice ay hindi nila kukunin si Minikki bilang kagrupo.

"Kulang pa kayo ng isa? Pwede akong sumali sa inyo?" malambing na tanong ni Minikki. Alam niya sa kaniyang sarili na parang ayaw sa kaniya ng mga ito ngunit kailangan niyang magkaroon ng kagrupo para mahanap ang sinasabing treasure ng kanilang presidente.

"As if may choice kami?" mataray na sabi ng isa. Napakagat ng labi si Minikki. Hindi niya inaasahang may tatrato sa kaniya ng ganoon sa loov ng universidad. Ngunit pinili niya na lamang intindihin pagka't hindi niya iyon mga kaklase at isa pa, sanay na naman siya sa ganoon lalo't naranasan niya nang apihin sa labas.

Wala nga lang siyang ideya kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kaniya ng mga ito.

Nauna nang maglakad ang apat habang nagdadalawang-isip si Minikki kung susunod ba siya sa kanila. Kung hindi naman siya susunod ay maiiwan siya ng mga ito.

May matabang nagmamadaling lumublob sa ilog at nagtatatalon pa sa tuwa. Napansin iyon ni Minikki maging ng iba pa niyang mga kasama.

"Tara na! Magswimming muna tayo!" pagyayaya ng mataba at pinagbababasa ang ibang mga estudyanteng tumatawid sa batuhan sa gitna ng ilog.

Sa gitna ng pagtawa niya ay bigla siyang sumigaw. Napatingin ang marami at doon nila nakita ang mga isda sa paanan ng matabang iyon. Kinakagat siya ng mga ito.

"Tulong!" sigaw nito at agad siyang sinagip ni Darwin.

"Hindi ka dapat lumusong! Nangangagat ang mga isda rito! Lalo na kung marami kang kinain! Kinukuha nila ang mga bitaminang laman ng iyong katawan. Kayo, mag-ingat kayo at huwag magpadalos-dalos dahil hindi biro ang bundok na tatahakin niyo," paliwanag pa ng presidente bago inalalayan ang matabang estudyante papunta sa infirmary.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi, Pres?" palahaw na iyak ng matabang lalaki habang buhat-buhat ni Darwin at ng iba pang mga lalaki.

Napakagat na lamang ng labi si Minikki habang hinahabol ng tingin ang mga lalaki. She looked at the river and saw the blood still in there.

"Mauna ka na, Minikki," komento ng isang babae kay Minikki bago siya itulak nito. Mabuti na lang at nakaapak siya agad sa bato. Napakapit si Minikki sa kaniyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang kaba at takot. Tila ba na-trauma siya sa kaniyang nasaksihan kanina.

Huminga siya ng malalim bago tuluyang umapak sa kasunod na bato. Nakita niyang wala nang tao sa harap niya at mukhang lahat yata'y nakatawid na at naroon na sa bundok. Pinilit niyang bilisan ngunit hindi maalis sa kaniyang sarili ang takot lalo't isang beses niya palang nasusubukan ang pagtawid sa mga bato. Hindi niya pa ito nasusubukan sa labas at ang mas nakakatakot ay ang pag-akyat sa matarik na bundok na kasunod ng mga batong kailangan niyang lampasan.

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ni Minikki. Nag-aalala siya na baka siya'y mahulog at tumama ang kaniyang ulo sa batuhan o kaya nama'y kainin siya ng mga isda at wala ni isang tumulong sa kaniya. Wala pa naman si President Darwin.

"Bilisan mo naman! Ang bagal mo!" iritableng sigaw ng babae na kasunod niya. Ito ay ang mga kagrupo niya na tila ba naaalibadbaran sa kaniya.

"S-sandali," sambit ni Minikki.

"Mauunahan na tayo ng ibang grupo, eh! Ano pang aabutan natin sa bundok? Tabi nga!"

Dahil sa pagmamadali, natabig siya ng babaeng iyon. Nawalan siya ng balanse kung kaya't nahulog si Minikki sa ilog. Nakita niya ang mga kagrupo niyang nakatingin lang sa kaniya habang nagtatawanan. Nakaramdam siya ng hiya at lungkot.

"Dapat lang 'yan sa 'yo! You are the reason why we can't leave here!"

"Dahil sa 'yo hindi ko makikita ang boyfriend ko sa labas!"

Naalala ni Minikki ang buhay niya sa labas ng lugar na ito. Tila ba kahit saan siya pumunta, nakatadhana na sa kaniya ang maging tampulan ng pang-aasar at pang-aapi. Kahit dito sa Occoii University. "Ano bang pagkakaiba ng buhay ko sa labas dito sa loob?" isip ng dalaga.

"Minikki!"

Mukhang nasagot na ang tanong niya nang may tumawag sa kaniyang pangalan.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon