Chapter 22: Glimpse of Happiness

228 11 1
                                    

Pinagmamasdan ni Minikki ang mga estudyante sa Occoii University. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may bench malapit sa fountain kung saan nakikita niya rin ang Mystical Lady.

"Wala pang isang linggo akong narito pero parang ang dami nang nangyari," bulong ni Minikki sa kaniyang sarili. In-announce na sa lahat ang bagong rules sa university. Maging ang curfew time na pagpatak ng alas sais ng gabi ay nasa Lodging Houses na ang lahat ng mga estudyante. Naalala niya ang nakasulat sa loob ng tasa na sa isip niya'y iyon na ang misyon niya.

Protect the university.

"Paano ko naman gagawin iyon? Wala akong kakayahang protektahan ang lugar na ito." Akala ng dalaga ay ang paghahanap lang sa nawawalang cronica ang misyon niya. Hindi pala.

Bumalik sa alaala niya ang mga naranasan niyang pang-aapi sa labas. Ang pangbu-bully sa kaniya ng mga kaklase niya. Ang mga masasakit na salitang natatanggap niya mula sa mga ito. Ni minsan ay hindi siya lumaban. Hindi niya naipagtanggol ang kaniyang sarili. Nakakabaliw isipin kung sa paanong paraan niya mapoprotektahan ang lugar kung saan siya nakatapak ngayon.

"Minikki! Kanina ka pa namin hinahanap!" Narinig niya ang sigaw ni Gellie na tumatakbo kasama si Jaeson. "Nandito ka lang pala!"

"Anong ginagawa mo rito? Pinagalitan ka ba sa Grand Office?" nag-aalalang tanong ng mga ito.

Umiling ang dalaga. "Hindi naman. Nag-iisip lang ako tungkol sa nangyari."

"Nabalitaan nga namin ang nangyari sa 'yo kagabi. Kumusta ka naman?" tanong ni Jaeson.

Umupo sila sa tabi ni Minikki.

"Sana pala hindi na ako pumunta roon."

"Bakit ka ba kasi pumunta sa Prohibited Garden? Mabuti na lang hindi ka naparusahan," saad ni Gellie.

"Hindi ko rin alam. Pakiramdam ko, gulo lang ang nadala ko rito. Totoo bang ako ang nasa cronica? Parang hindi kapanipaniwala," tanong ng dalaga na tila ba nawawalan ng pag-asa.

Nagkatinginan naman si Gellie at Jaeson. Kapwa hindi alam ang sasabihin sa kanilang kaibigan.

"You need to accept it, Minikki. Everybody who read the chronicles can confirm that it was really you."

"Bakit ako? Eh, isa lang naman akong hamak na palaging naaapi noon. Wala rin akong abilidad ng kagaya ninyo. Wala akong magagawa."

"You just have to believe, Minikki. Baka ngayon wala, pero malay mo balang araw...mas maging malakas ka pa pala sa amin."

"At magiging mas malakas siya kapag nahanap na niya ang cronica. Narinig kong malaki ang kapangyarihang taglay nito kaya gusto ng mga pinuno ng PNG na mapasakamay ito," sabat ni Jaeson.

"Kaya Minikki, you should face it yourselves so you can start doing what you really have to do. Hindi ka naman nag-iisa. Narito kami ni Jaeson para sa 'yo at ang buong Occoii University para protektahan ka."

***

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Maagang pumasok si Minikki sa klase. Pakiramdam niya ay ngayon palang magkakaroon ng normal na klase at tila ba nakalimutan na rin ng lahat ang tungkol sa pagpapakita ni Rama at Laxamana sa Prohibited Garden. Tahimik ang lahat at walang ni isang kababakasan ng takot tungkol sa PNG.

"Okay class, katulad ng nabanggit ko last week. Today ay magkakaroon tayo ng election for classroom officers. Sa tingin ko naman ay naging sapat na ang isang linggo para makilala niyo ang isa't isa," banggit ni Miss Evergreen.

"The table for President is now open."

Nagtaas ng kamay ang isang kaklase ni Minikki. "I nominate Gellie Villafranca for President."

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now