Chapter 23: Once Your Heart Beats

242 10 0
                                    

"Ano bang katungkulan ng isang muse?" Tanong ni Minikki sa kaniyang mga kaibigan. Hindi pa rin niya makalimutan ang tungkol sa election lalo't siya ang ginawang muse ng klase nila. Pakiramdam niya hindi iyon magandang balita. Kung ang lahat ay natutuwa kapag nananalo, siya hindi dahil ang nararamdaman niya ang pinong kaba.

"Nand'yan naman si Jaeson para turuan ka. Tutal siya ang escort mo."

Napatingin si Minikki kay Jaeson.

"Ganito kasi 'yan, Miniks. Hindi ba may magaganap na Association Week next next week? Sa Association Week, may Ms. and Mr. Occoii University, so tayo ang ilalaban do'n."

Kusang umawang ang bibig ni Minikki sa narinig.

"A-ano? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni Minikki habang umiiling. Napasabak pa yata ang dalaga sa kalokohan ng mga kaklase niya. "Huwag ako! Hindi ako marunong d'yan! Iba na lang!"

"Minikki, nakasalalay na sa 'yo ang section natin. Kung hindi ka marunong, tuturuan ka namin. Nandito kami."

"P-pero Gelle, hindi ko kaya. Buong buhay ko, nasa sulok lang ako ng room. Ni hindi ko kayang magsalita o humarap sa mga tao. Nasanay akong palaging inaapi at kung bigyan man ng atensyon ay para saktan," giit ni Minikki.

"Iba na ngayon, Minikki. Wala ka na sa labas. Nandito ka sa lugar kung saan hindi ka naiiba. Kung saan 'yung mga insecurities mo, normal lang dito. Mas pagtatawanan ka pa nga kung nabawasan ka ng tigyawat kasi pati ba naman 'yun iniwan ka."

Natawa si Minikki sa biro ni Gellie. Alam niyang pinagagaan lang nito ang loob niya.

"Kung natatakot ka na humarap sa maraming tao, isipin mo lang na kung palagi kang matatakot, wala kang magagawa. Sabi sa 'yo, nandito naman kami. Hindi lang ikaw ang lalaban. Kasama mo kami. Hindi ka nag-iisa, Minikki."

"At isipin mo na lang, isa ito sa mga pagsasanay na kailangan mong pagdaanan. Ikaw ang babae sa cronica. Kung dito pa lang hindi mo na kayang humarap sa tao, paano pa sa harap ng kalaban?"

Napakagat ng labi si Minikki habang alanganing pinagmamasdan ang kaniyang mga kaibigan. Bumibigat lang ang paghinga niya pero nakukumbinsi siyang wala na siyang iba pang magagawa kahit umapela pa.

***

Pauwi na si Minikki sa Lodiging Houses. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw lalo na ang pagiging muse niya. Tila ba mas kinakabahan pa siya tungkol doon kaysa makaharap muli sila Rama at Laxamana.

Binuksan niya na ang kwarto at nadatnan niya roon ang kaniyang roommate na hanggang ngayon ay hindi pa rin palagay ang loob niya.

"Kumain ka na?" tanong ni Alondra nang makitang dumating na si Minikki. Halatang gusto nitong makipagkaibigan sa dalaga ngunit nag-aalinlangan si Minikki lalo't iniisip niyang sumusuway sa ipinagbabawal ang roommate niya.

Umiling si Minikki. "Hindi pa."

"Sakto! May biniling pagkain si Theo para sa atin!" sambit ni Alondra habang nakangiti at mukhang excited na excited nang kumain kasama si Minikki.

"Sa atin?"

Tumango si Alondra. "Oo. Huwag mo sanang masamain kung gusto kong maging malapit sa 'yo, Minikki. Hindi ko naman ginagawa ito para pagtakpan mo ang lihim naming relasyon ni Theo. Gusto ko lang na hindi ka mailang sa akin."

Minikki bit her lip as she felt a sudden guilt inside her. She remembers how she was before when she was outside this place. People always ignore her and don't want to get involved with her life since she was claimed to be cursed or classified by the curse itself.

In a blink of an eye, Minikki saw herself giving Alondra a chance. She was sitting beside her while eating those ramen which Theo bought for the two of them. It was so delicious that the two ladies mostly forgot their names.

Sumulyap si Minikki sa dalaga at sinubukang pigilang husgahan ang sitwasyon nito. Hindi niya alam kung bakit ginagawa nitong manatili sa isang relasyon. Wala siyang ideya dahil hindi niya pa nararanasan. Napagtanto niyang hindi lahat ng sumusuway ay masamang tao. Iyon nga siguro ang nagagawa ng pag-ibig.

"Salamat sa pagkain, a-ate Alondra," wika ni Minikki.

Hinaplos naman nito ang likod niya. "Wala 'yon. Alam ko kasing parang hindi naiilang ka sa akin pero huwag kang mag-alala, naiintindihan kita."

"S-sorry po."

"Ano ka ba? Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin. You know what? I have been waiting for this time to finally meet you. I was cope up with our thesis kaya hindi tayo magkaabutan. Palagi kitang nadadatnang tulog na kaya hindi man lang kita na-welcome dito sa room natin. So, treat this as my welcome party to you, Minikki."

Napangiti si Minikki at doon niya napansin ang magandang mukha ni Alondra. Doon niya nakompirma na hindi talaga ito masamang tao dahil maaliwalas ang mukha nito. Ang tanging bahid lang sa pagkatao nito ay ang pagkakaroon nito ng lihim na relasyon na siyang ipinagbabawal sa unibersidad.

"If you have any questions, you are free to ask me, Minikki. I can be your sister here if you want."

"Hindi ka ba natatakot?" saad ni Minikki.

Umiling si Alondra na tila ba alam niya na ang tinutukoy ng inosenteng dalaga.

"Hindi. Ganoon ko yata talaga kamahal si Theo. Hindi ko kayang mawala siya sa piling ko. Kaya kung papipiliin man ako, siya ang pipiliin ko kahit na mawala ako sa lugar na ito," tugon naman ni Alondra habang pinipigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga nangingilid na luha. Kapag talaga usapang pag-ibig ay doon ito nagiging emosyonal.

"Hindi ko naranasan ang ganoong pagmamahal sa labas, Minikki. Palagi akong niloloko ng mga lalaki. Dumating na sa puntong hindi ko na gusto pang maniwala sa pag-ibig. Kinamuhian ko na ang lahat ng lalaki sa mundo pero dumating siya at binago niya ang pananaw ko. Pinatunayan niya sa aking hindi siya katulad ng marami," kuwento ni Alondra. Tuluyan nang pumatak ang kaniyang luha. Luha ng saya dahil punong-puno ng maliligayang alaala ang isipan niya habang sinasambit niya ang mga iyon.

Nakatitig lang si Minikki kay Alondra habang naaalala ang naranasan niya noong unang pag-ibig kay Joshua. Kumpara kay Alondra, masasabing wala pa talagang alam si Minikki sa pag-ibig dahil bukod sa hindi niya naman naranasang ipaglaban, hindi rin niya naranasang mahalin pabalik. Kaya siguro hindi niya ganoon naiintindihan ang pinupunto ni Alondra.

"Hindi mo pa siguro maiintindihan pero sa oras na tumibok ang puso mo para sa isang lalaki, kahit ang imposible ay nagiging posible, Minikki. Kusang dadaloy sa 'yo ang tapang dahil ayaw mong mawala ang taong mahal mo."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong pa ni Minikki. "Naranasan ko nang tumibok ang puso sa isang lalaki pero hindi naman ako nagkaroon ng lakas ng loob noon na ipaglaban siya."

"Dahil hindi pa siya, Minikki. May darating na isang taong mamahalin mo nang lubos na kahit buhay mo'y kaya mong ilaan para lang mapatunayan ang pagmamahal mo sa kaniya."

***

Kinabukasan, hindi mapakali ang dalaga sa kaba lalo na nang makita niya si Haylan sa may lobby ng Lodging House. Tinawag siya nito pero hindi niya ito pinansin pagka't nahihiya siya rito.

Nilason ba naman ni Alondra ang isip niya at sa tuwing maaalala ang usapan kagabi ay mukha ni Haylan ang naiisip niya. Tuloy, nahihirapan si Minikki dahil parang naimpluwensyahan na siya ni Alondra. Hindi niya gustong suwayin ang utos!

"Kailangan kong lumayo-layo sa roommate ko kung gusto ko pang mabuhay," bulong ni Minikki sa kaniyang sarili. Huminga siya nang malalim bago pumasok sa klase. Akmang papasok na siya nang makita tawagin siya ni Haylan.

"Hey! Are you out of your mind?" tanong nito na siyang ikinakunot ng noo Minikki. Hinawakan pa ni Haylan ang braso niya na dagli niyang tinanggal.

"B-bakit?" Agad siyang nabulag sa kagwapuhang taglay ni Haylan nang lingunin niya ito.

"That wasn't our classroom, woman."

Minikki gasped as she saw that she was in front of the other room instead of theirs. Napailing na lang si Haylan habang pinagmamasdang nawawala sa wisyo si Minikki na naglalakad sa pasilyo.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now