Chapter 5: Forbidden Chamber

465 13 0
                                    

Minikki was biting her lips before deciding to ring the doorbell. She doesn't know what kind of excuses she will tell her mother. Inabutan na rin siya ng malakas na ulan at basang-basa na ang kaniyang damit maging ang kaniyang mga gamit sa bag.

Huminga siya nang malalim bago pinindot ang doorbell ngunit napatigil siya nang makita ang kaniyang braso.

"A-anong nangyari? Bakit nawala ang mga sugat ko?" nagtataka niyang tanong sa kaniyang sarili.

Paulit-ulit pa niyang tinampal ang kaniyang pisngi para gisingin ang sarili kung nananaginip ba siya.

"Kanina lang ay ang dami kong pasa at sugat. Bakit nawala?"

She gulped as she tried to calm herself.

Biglang bumukas ang pinto bago siya sinalubong ng kaniyang ina na parang hinang-hina. "Minikki? A-anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nagpapaulan?"

Hinigit na siya ng kaniyang ina papasok ng kanilang bahay. Sinara nito ang pinto maging ang mga binatana.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag kang magpapaulan?" hapong-hapong wika ni Kireina, ang kaniyang ina.

"S-sorry po. Akyat na po ako sa kwarto ko," sambit ni Minikki ngunit pa man siya nakakalayo ay may nahulog mula sa kaniyang bulsa. Ang flyer.

Nakita iyon ni Kireina. "Bakit ka meron nito? Sinong nagbigay sa 'yo?" bakas sa tono nito ang pagkabahala.

"Binigay po sa akin ng kaklase ko, ina. Dahil natanggal ako sa school, pinapayo niya sa aking d'yan na lang ako lumipat at magpatuloy sa pag-aaral," paliwanag ni Minikki.

Nagulat siya ng pilasin iyon ng kaniyang ina. "Hindi, hindi ka mag-aaral dito. Gagawin ko ang lahat para makahanap ng bago mong lilipatan pero hindi dito, Minikki."

That was the first time Minikki saw her mother that angry. Pinagmasdan niya kung paano ito mabilis na naglakad papasok sa kwarto.

Ganoon na rin ang ginawa ni Minikki. She went to her room and stormed to her bathroom. Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya. Pinagmasdan niya ang kaniyang katawan. Walang bahid ng kahit na anong sugat o pasa. Wala rin siyang nararamdamang sakit.

Sandaling napakunot ang kaniyang noo nang maalala ang naging reaksyon ng kaniyang ina nang makita ang flyer na ibinigay sa kaniya ni Maya.

Base sa sinabi ni Kireina, nagagambala si Minikki.

"Ibig sabihin, totoo ang university na 'yon?" tanong ng dalaga sa kaniyang isipan. Agad niyang kinuha ang tuwalya para magpatuyo ng katawan.

Madali siyang umupo sa study stable upang kunin ang phone niya tsaka nagsimulang mag-search. Tinipa niya ang Occoii University sa search box ngunit walang lumalabas na resulta. Walang artikulo na nagpapakita tungkol sa nasabing university. Nagugulumihanan ang dalaga.

"Tama ba ang spelling ko?" sambit niya.

Napatigil sandali si Minikki at pilit na inalala ang nakasulat sa flyer.

Occoii University: Lupon ng mga estudyanteng hipon

Maraming tanong ang bumuo sa isipan ni Minikki. Namuo ang kuryosidad sa kaniya at ang kutob na totoong nag-e-exist ang university pero naroon ang pagtataka kung bakit wala ito sa mapa. Kinikilabutan siya at natatakot sa posibleng matuklasan kung hahanapin niya ang lugar na 'yon.

Sinilip ni Minikki ang labas mula sa bintana. Tumila na ang ulan. Huminga nang malalim si Minikki bago nagdesisyong dumaan doon sa bintana. Pupuntahan niya si Maya at tatanungin tungkol sa Occoii University. Alam niyang hindi siya makakatulog lalo na sa naging pagkilos ng kaniyang ina kanina maging sa mga sinabi nito.

She was about to jump off from the balcony when she saw her mother go out from the gate. Nagmamadali ito. Nagpapalinga-linga na para bang ayaw niyang may makakita kung saan siya pupunta.

Hindi alam ni Minikki kung anong pumasok sa isip niya at isinantabi muna ang pakikipagkita kay Maya upang sundan ang kaniyang ina.

"Saan pupunta si ina?" tanong niya sa kaniyang sarili.

Hindi niya namalayan na nasa harap na siya ng mall. Malapit lang ito sa lugar kung saan sila nakatira kung kaya't hindi naman siya gaanong napagod sa paglakad.

Napakunot ang noo ni Minikki nang matanaw niyang pumasok sa mall ang kaniyang ina. At ilang sansali pa nang mapansin niya kung nasaan ang kaniyang mga paa.

"Anong gagawin ni ina dito sa arcade?" nahihiwagaan niyang tanong.

Wala mang ideya ay sinundan ni Minikki ang kaniyang ina at nakita niya itong pumasok sa isang karaoke booth. Lalong nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. "Manganganta ba si ina para mawala ang stress niya?" pabirong bulong niya.

Napagdesisyunan ni Minikki na hintayin na lamang ang kaniyang ina sa labas. Pinagmasdan niya ang paligid. Maraming mga batang naglalaro habang suot ang mga ngiti sa labi.

Napangiti rin si Minikki. Hindi niya na maalala kung kailan ba ang huling beses na nakaramdam siya ng saya.

Magkakalahating oras nang nakatambay si Minikki malapit sa karaoke booth pero hindi pa rin lumalabas ang kaniyang ina mula roon.

"Napapasarap yata sa pagkanta si ina, ah," komento niya. Nagdesisyon na siyang silipin ito sa loob. Magpapakita na lamang siya rito at tatanungin kung anong ginagawa nito sa lugar na popular sa mga bata at teenager.

Hinawakan niya ang doorknob bago ito binuksan at sinara. Laking gulat ni Minikki nang hindi niya nasilayan ang kaniyang ina sa loob. Kinusot niya ang kaniyang mata upang siguraduhin kung namalik-mata lang ba siya na pumasok ang kaniyang ina dito o kaya naman ay hindi niya ba napansin na lumabas na ito kanina pa?

Agad na umusbong ang kaba sa dibdib ni Minikki.

"Anong meron sa akin at para bang palagi akong namamalikmata? Una, itong mga sugat ko na biglang gumaling. Ngayon naman si ina na biglang nawala," litanya niya sa kaniyang sarili habang hinahanap sa paligid kung saan pwedeng magtago o lumabas ang kaniyang ina.

Napansin niya ang kantang kasalukuyang tumutugtog sa videoke.

I see trees of green, red roses too.

I see them bloom for me and you.

And I think to myself, what a wonderful world...

Nakita ni Minikki sa screen ang mga number na naka-insert. Limang paulit-ulit na 040697. Marahil iyon ang song number sa songbook ng kantang tumutugtog.

Napabuntong hininga si Minikki. "Baka namalikmata nga lang ako at hindi talaga pumasok dito si ina o kaya naman, hindi ko napansing lumabas na siya. Pero bakit may tugtog pa rin? Ay, ewan. Pupuntahan ko na lang si Maya."

Hinawakan ni Minikki ang doorknob ngunit sa paglabas niya, imbes na arcade ang sumalubong sa kaniya ay napunta siya sa ibang lugar.

Lumakas ang kabog sa dibdib ni Minikki lalo pa't makulimlim ang paligid. Nakakatakot. Puro matataas na puno na mukhang matatanda. Hindi kaya may multo roon?

Nangilabot ang buong katawan ni Minikki lalo pa nang humampas sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin.

"N-nasaan ako?" 

###

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now