Chapter 26: The Encounter

224 10 0
                                    

Dahan-dahan iminulat ni Minikki ang mga mata niya at sumalubong sa kaniya ang dilim. Napunta ako sa ibang lugar? wika niya na puno ng pagtataka. Paano?

Napatingin siya sa bumangon sa tabi niya. Si Haylan. Tumingin ito sa kaniya na puno ng pag-aalala at pagtataka kung anong nangyari. "Are you okay?"

Tumango ang dalaga at napansin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ng binata. Napanganga siya at agad na binawi ang kamay niya.

"Nasa'n tayo, Minikki? Huwag ninyong sabihing nasa Prohibited Garden tayo?!" bulyaw ni Alvina na kasama pala nilang napunta sa ibang lugar. Sinugod niya si Minikki na ngayon ay papabangon pa lamang. Kinuwelyuhan niya ito at sinigawan. "Anong ginawa mo? Ikaw ba ang nagdala sa 'min dito?"

Hindi sumagot ang dalaga pagka't siya rin ay hindi maipaliwanag ang nangyari. "Sagutin mo ko!"

"Stop it, Alvina." Tinanggal ni Haylan ang kamay ni Alvina kay Minikki.

Natawa si Alvina. "Bakit? Huwag mong sabihing okay lang sa 'yo? Nakalimutan mo na ba? Ipinagbabawal sa 'ting pumunta rito sa Prohibited Garden dahil nandito ang mga PNGs! Ayokong ma-expel at ayoko ring mamatay sa kamay nila! Why are all of the places we will be brought to is here?" Bakas sa mukha ng walang utang na loob na si Alvina ang pagkamuhi sa kawawang dalaga na ngayo'y natutuliro. Pagka't si Minikki rin ay binabalot ng takot dahil naaalala niya si Rama at Laxamana na minsan niyang naka-engkwentro sa lugar na ito. Lalo pa't siya ang pakay ng mga ito...

"It wasn't her fault. We don't know what happened. Mabuti pa, puntahan na natin ang Arch of Utopia para makabalik na tayo sa university," sambit ni Haylan bago sinulyapan si Minikki na kagat-kagat ang kuko.

"Tsk. Mabuti pa sanang hindi niyo ako tinulungan! Sana iniwan niyo na lang ako roon! You just made it worst!"

Naglakad papalayo si Alvina at iniwan ang dalawa.

"Alvina? Where do you think you're going?"

Hindi sumagot si Alvina at tuluyan lang sa paglakad palayo. Nag-igting ang mga paa ni Haylan dahil pinipigilan niyang mainis sa matigas na ulo ng babae.

"So, ipinagbabawal na ng Lavinia Chandler niyo ang pagtapak sa lugar na ito? Kaya pala wala kaming naaamoy na mga lupon nitong mga nakaraang araw."

Nanigas ang katawan ni Minikki nang marinig ang pamilyar na malalim na boses ng kamatayan. Lumingon siya at doon niya nadatnan ang isang lalaki na sakay ng kabayo.

Muli niyang naalala na ang kabayong iyon ay hindi lumilikha ng ingay kung kaya't hindi niya napansin na kanina pa pala sila napaliligiran ng mga PNG.

Umusbong ang takot sa sistema ni Minikki lalo na nang mapansin ang muling pagtakbo ni Alvina pabalik sa kanilang dako.

"Ang mga PNGs! They're here!" malakas na sigaw ni Alvina habang kumakaripas ng takbo.

"A-anong gagawin natin, Haylan?" bulong ni Minikki habang nakasandal sa likod ni Haylan at pinagmamasdan ang mga nakapalibot nang PNG sa kanila. Hindi nila magawang tumakbo dahil alam nilang kahit gawin nila iyon ay hindi sila makakatakas pagka't sakay ng mga ito ang kabayo.

"Stupid! It was all your fault! What are you going to do now?" demanding na tanong ni Alvina nang muli ay makabalik siya sa kinatatayuan ng dalawa. "Come on! It was the both of you who brought me here!"

Dahil sa yamot sa kaingayan, agad na nilapitan ng isang lalaki si Alvina. Iyon ay si Laxamana.

Pinasadahan ni Minikki ng tingin ang paligid. "Wala na tayong takas," komento ni Minikki habang nanunuot sa dibdib ang kaba.

Malakas na halakhak ang yumanig sa buong kagubatan. Nagmumula iyon sa lalaking malapit lang sa kanila.

"Haylan...long time no see," wika ni Rama. "I never thought that you'll still be alive. You must be living in pain."

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ