Chapter 30: Maybe It Needs Time

208 5 0
                                    

Pagkatapos makumbinsi ni Minikki si Professor Gener ay nagmadali na siyang bumalik sa kaniyang klase. Napansin niya ang mabilis pagtakbo nila Gellie, Jaeson papunta sa room nila. Kasunod rin si Haylan.

Hindi niya batid kung saan galing ang mga ito at kung bakit tila ba nagmamadali. Napansin niya rin ang ibang mga estudyanteng tumatakbo papunta sa kani-kanilang klase. Pinili niyang huwag nang usisain ang mga ito at nakinig na lamang kay Mrs. Ruby na kasalukuyang nagtuturo sa unahan.

Natapos ang klase at katulad ng eksena kaninang tanghali ay nagmamadali na naman sina Gellie at Jaeson sa paglabas ng classroom. Maging si Haylan ay wala na sa kaniyang upuan.

Hindi lang si Minikki ang nakakapansin ng mga kakaibang ikinikilos nila Gellie, Jaeson at Haylan. Maging ang mga kaklase ng dalaga ay naninibago at naghihinala.

Minikki heaved a sigh as she came out from their class to make her own way to the Lodging House and there she realized, Haylan wasn't there to accompany her because he's already transferred to the Defenders'.

Sa isang banda, natutuwa ang dalaga dahil sa wakas natuklasan na ni Haylan ang kaniyang abilidad. Akala niya nga noong una ay hindi ito kabilang sa Dreamer dahil awra palang ng binata ay nakakatakot na.

"Minikki!" bati ni Alondra nang makasalubong niya si Minikki sa pasilyo. "Mukhang malalim ang iniisip mo," dagdag pa nito bago sinabayan ang dalaga sa pagpasok sa kwarto. "Tao ba 'yan?"

Nabalik naman sa reyalidad si Minikki nang hiritan pa siya ng kaniyan ate Alondra. "Ha? H-hindi, ah! Ikaw, palagi mo akong tinutukso!"

Mabilis na kumurap si Alondra. "Tinutukso? Tinatanong lang kaya kita. Ibig bang sabihin, tama ako?"

Wala nang nagawa si Minikki at napasalampak na lang sa kama. Umakyat din si Alondra at umupo sa tabi niya. Hindi pa sila nakakapagpalit ng uniporme na tila ba nakalimutan na nila ang tungkol doon.

"Mali ka, ate Alondra. Marami akong iniisip."

"At ano naman ang mga iyon? Malay mo makatulong ako."

Pinagmasdan ni Minikki ang kisame bago malalim na bumuga ng hangin. "Sa totoo lang, kapag iniisip ko lalo akong naguguluhan. Ang buhay ko noon sa labas, hindi naman ganito pero noong nakapasok ako rito, tila ba nagbago ang lahat. Hindi kapani-paniwala pero nasasaksihan ng dalawang mata ko kaya hindi ko masabing hindi ito totoong lahat."

Namuo ang luha sa mga mata ni Minikki habang inilalabas ang mga gumugulo sa puso't isipan niya. Ito ang unang beses na nakapagsabi siya ng saloobin sa isang tao.

"Ang mundong ito...pati ang tungkol sa pagkatao ko. Maging ang kakayahan ko. Ang mga tao sa paligid ko...ikaw, si Gellie, si Jaeson, si Haylan, ang mga guro...tila ba parang mahal na mahal niyo ako. Hindi kapani-paniwala."

Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Minikki. "At natatakot ako na magkamali dahil baka sa isang iglap, kamuhian niyo ako." Pinunasan ni Minikki ang gilid ng kaniyang mata. Ramdam niya ang kirot sa kaniyang puso, ang malalim na pangamba.

"Hindi ba maganda ang trato sa iyo sa labas kaya ganiyan nag-uumapaw ang kagalakan mo sa amin? Hindi kapani-paniwala?"

Tumango ang dalaga habang naaalala ang mga lupit ng pang-aapi sa kaniya noon ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

"Simula ngayon, huwag mo nang isipin pa ang mga taong nanakit sa 'yo. Ibang Minikki ka rito. Kung dahil nakukumpara mo ang buhay mo noon kaya nangangamba ka..." Umiling si Alondra.

"Walang puwang ang pagdududa sa lugar na ito. To believe is to see, Minikki."

Hinawakan ni Alondra ang kamay ng dalaga at niyakap ito. Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago ibahin ni Alondra ang daloy ng usapan.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now