Chapter 6: Prohibited Garden

431 14 0
                                    

"N-nasaan ako?" sambit niya. Nangangatog ang kaniyang mga kamay at tila ba hindi mawari ang gagawin. Nasa gitna siya ng kagubatan at wala ni isang narito.

Nagpalinga-linga siya upang suriin kung pamilyar ba ang lugar na ito ngunit para bang nabalik siya sa katinuan nang mapagtanto kung paano siya napunta sa ibang lugar. Agad siyang nataranta at tiningnan ang kaniyang likod kung saan kitang-kita pa rin niya ang screen ng videoke na may tumutugtog na What a Wonderful World.

"Anong nangyayari?!" nagpapanic na tanong ni Minikki sa kaniyang isipan. Nakailang kurap pa si Minikki dahil sa kasalukuyan niyang nasasaksihan. Halos hindi siya makapaniwala at pilit man niyang intindihin ay mukhang mauunahan siya ng pagkabaliw.

"Sandali, nananaginip ba ako? Paanong nasa iba akong lugar gayong galing ako sa arcade?" Sinampal niya pa ang kaniyang sarili ngunit hindi siya nagigising. Tiningnan niya ang kaniyang braso. Totoo ba ito?

Babalik na sana siya sa booth nang biglang sumara ang pinto na lalong naging dahilan ng pagkabahala niya. Hinawakan ni Minikki ang doorknob ngunit hindi niya na ito mabuksan.

"P-paano ako makakalabas?!" Sinubukang kalabugin ni Minikki ang pinto. Tinulak niya rin ito ngunit walang nangyayari. Nagsimulang mamuo ang kaba sa dibdib niya. Paano ako makakabalik?

Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Akala niya wala nang makakatumbas sa takot na nararamdaman niya kapag inaapi siya ng nga tao. Mas nakakatakot palang mapunta sa isang lugar na hindi mo alam at malayo sa tanging pamilya mo.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Minikki. Kahit anong pilit niyang katok sa pinto ay hindi ito bumubukas.

"Ina... Nasaan ka, ina?" pagsusumamo ng dalaga. "Tulungan mo ako."

Napaluhod na lamang si Minikki. Hindi niya alam ang gagawin. Nanghihina na ang mga tuhod niya sa takot lalo pa't unti-unti nang kinakain ng dilim ang liwanag.

"Why are you here? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ang pagpunta rito sa Prohibited Garden?"

Napatunghay si Minikki nang may marinig siyang boses. Agad na sumalubong sa kaniya ang mukha ng isang lalaki. Napasinghap siya nang masilayan ang isang gwapong mukha na hindi niya inakalang mayroon sa mundo. Mahaba ang buhok nito na mas lalong nagdagdag sa kakisigan ng binata. Mabilis na tinakpan ni Minikki ang kaniyang mukha dahil sa hiya na makita nito ang pangit niyang mukha.

"Ngayon lang kita nakita. Bago ka lang ba rito? Anong association ka?" sunod-sunod na tanong ng lalaki. Hindi alam ni Minikki kung paano sasagutin ang binata. Ni walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Tiningnan niya muli ang pinto na ngayon ay lapat na lapat na nakasara. Mukhang naintindihan ng lalaki ang problemang mayroon si Minikki.

"Mukhang hindi ka taga-rito," sambit ng binata. "Sino ka?" tanong pa na may seryosong tono.

Napakagat ng labi si Minikki. Lumapit ang binata sa kaniya na tila ba sinusuri siya. Tanging ang mga mata lang ni Minikki ang nakikita ng binata pagka't tinatago ng dalaga ang kaniyang mukha.

"Show me your face."

Umiling si Minikki at nakaramdam ng takot. Kung kanina ay abot langit ang papuri niya tungkol sa binata dahil mukha itong anghel, ngayon ay parang mali ang unang impresyon niya rito. Sa malalim at mababang boses palang nito ay magsisitindigan na ang mga balahibo mo!"

"Kung ayaw mong dalhin kita sa Gaol."

Kumunot ang noo ni Minikki.

"Gaol?"

"Kulungan."

Agad na nabahala si Minikki. "H-hindi ako masamang tao! Huwag mo akong ikulong!" sambit pa nito habang iwinawagayway sa hangin ang kankyang mga kamay.

Sumingkit ang mga mata ng binata. He pressed his lips as he scrutinized Minikki's face. "Then tell me, what brings you here?"

Muling umiling si Minikki.

"H-ha? S-sinundan ko lang si ina at hindi ko alam bakit ako napunta rito. Akmang papasok na muli ako nang magsara ito ng kusa. Nasaan ba ako? At sino ka?"

Ngumisi ang binata bago humalukipkip. "You're acting suspicious. How can you enter this place if you did not know the coordinates? Mabuti pa sumama ka sa 'kin. Dadalhin kita sa Gaol."

Hinila ng lalaki ang kwelyo ni Minikki. Nagpupumiglas naman ang dalaga ngunit masyadong malakas ang binata para labanan niya.

"Bakit mo ako dadalhin doon? Wala naman akong ginagawang masama!" pag-aapela ni Minikki. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sumigaw gayong hindi niya naman iyon nagagawa noong inaapi siya nila Andrea. Siguro'y dahil sa takot na umaapaw sa sistema niya.

"We'll see about that," sambit ng lalaki at pinagpatuloy lang ang paghila kay Minikki. Kung dalhin niya ang dalaga ay para lang itong papel dahil mabilis itong nahahatak.

Wala namang nagawa si Minikki kung hindi ang sumunod sa lalaki kahit pa hindi niya alam kung anong gagawin sa kaniya nito. Puno pa rin siya ng pag-aalala kung nasaan siya napunta at kung nasaan ang kaniyang ina. Gusto niyang maniwala na isang panaginip lang ang lahat pero bakit malinaw ang mukha ng lalaking kasama niya? Dahil kung ito'y isang panaginip. Sa isang kurot o sampal ay magigising na siya. Pero wala!

Binaybay nila ang gitna ng kagubatan. Kahit papaano'y naiibsan ang takot ni Minikki dahil may kasama na siya pero bumabalik din iyon dahil naaalala niyang dadalhin nga pala siya nito sa kulungan. Paano na sila magkikita ng kaniyang ina?

"Hindi ko ibabalik si Minikki rito. Hindi siya nararapat dito."

Napatigil sa paglakad si Minikki nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina.

"Hey, did I tell you to stop walking?" tanong ng lalaki na hindi naman pinansin ng dalaga. Patuloy niyang hinahanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"At saan mo siya balak pag-aralin? Sa labas pa rin? Bakit? Hahayaan mo na lang bang palagi siyang apihin ng mga tao? Dito siya nabibilang, Kireina."

Napalunok si Minikki nang marinig ang pangalan ng kaniyang ina mula sa isang lalaki. Hindi pamilyar ang boses na iyon pero tila ba nangilabot ang kaniyang katawan.

"Basta, hindi ako makakapayag! Gumawa ka ng paraan para manatili si Minikki sa labas!"

Tumakbo si Minikki at ilang hakbang lang ay nahanap niya na ang kaniyang ina. May kausap itong lalaki.

"Hey, what do you think you're doing?" tanong ng lalaki nang maabutan siya.

"Hindi babalik dito si Minikki. Tapos ang usapan. Huwag niyo na kaming gambalain pa. Huwag mo na akong papuntahin pa rito."

Napakagat sa labi si Minikki bago humakbang dahilan upang mapansin siya ng mga ito.

"Ina..."

"Minikki? Anong ginagawa mo rito?!"

###

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now