Chapter 38: Choose Wisely

207 8 0
                                    

"Haylan!"

Nagulat si Minikki nang tawagin ni Gellie at Jaeson ang lalaking pinaiiwasan sa kaniya. Lumingon ito sa kanilang dako. Agad namang naaligaga si Minikki sa pag-iisip kung aalis ba siya sa kaniyang kinatatayuan para umiwas sa lalaki o mananatili sa pwesto niya at magpapatay-malisya na lang.

Nakita niyang papalapit ito kung kaya't humarap na lang siya sa italian store na bibilhan nila ng pagkain at doon sinubukang i-focus ang atensyon.

"May training ba tayo ngayon?" tanong ni Jaeson kay Haylan na narinig ni Minikki.

"Wala naman," simpleng sagot nito. Napalunok si Minikki. Boses palang ng lalaki ay kumakabog na ang dibdib niya.

"Mabuti kung gano'n. Sakto, sumabay ka na sa amin. Magse-celebrate kami ng hindi pagkapanalo nitong dalawa. Right, Minikki?"

Hindi na sana lilingon pa si Minikki ngunit wala siyang choice kundi umoo at ngumiti sa mga ito.

"Sandali. Naiwan ko yata 'yong viridescent card ko sa auditorium hall. Sandali lang ha, babalik din ako agad," sambit ni Jaeson nang makapa niya ang kaniyang bulsa. Iyon kasi ang ipambabayad niya sana sa oorderin niyang pagkain ngunit wala iyon sa bulsa niya. Agad itong kumaripas ng takbo palabas ng Food House.

"Naku, sa lahat ng iwawala, 'yong viridescent card pa." Kinapa din ni Gellie iyong bulsa niya at nanlaki ang mga mata niya nang hindi niya rin iyon nasalat. Napakamot siya ng ulo habang inaalala kung saan posible niyang maiwan o maiwala ang viridescent card niya.

"Minikki, Haylan, d'yan muna kayo, ha? Kayo na munang bahalang bumili ng pagkain natin. Babalik din ako agad."

"H-ha? S-sandali!" Hindi na nakaangal pa si Minikki nang iwan siya ng dalawa niyang kaibigan. Naiwan si Haylan at Minikki sa harap ng italian food store na kapwa hindi alam ang sasabihin. Hindi makatingin si Minikki sa binata dahil binabalot siya ng hiya at kaba.

Magkasama silang bumili ng pagkain. Hindi rin naman kaya ni Minikki na mag-isa at kailangan niya ng magbubuhat ng tray na pinaglalagyan ng kanilang mga pagkain kung kaya't hindi rin umalis si Haylan sa tabi niya.

Sinusubukang dumistansya ni Minikki sa lalaki ngunit hindi ganoon kalaki ang 4-seater table na inuupuan nila. Hindi man sila magkatabi o magkatapat, wala pa rin sa dalawang metro ang pagitan nilang dalawa.

Walang umiimik. Nakatingin lamang si Minikki sa pagkain na nakahain sa harap niya. Wala pa rin kasi ang dalawa niyang mga kaibigan. Hindi siya mapalagay. Pakiramdam niya, may ginagawa siyang mali. She can't hide the fact that she's being nervous now that the guy is near.

"Are you uncomfortable?"

Napalingon si Minikki nang kausapin siya ni Haylan. Saglit lang siyang sumulyap dito bago tumango.

"Should I leave now?"

Minikki heaved a sigh before she answered, "O-okay lang ba?"

"Of course."

Papatayo na si Haylan nang magsidatingan na muli si Gellie at Jaeson. "Oh, Haylan? Where do you think you're going?"

Napaiwas na lamang ng tingin si Minikki at muling nagpatay-malisya habang kumakain silang apat. Hindi na rin kasi nakaalis si Haylan pagka't pinilit na siya ng dalawa.

"Did you watch them kanina?" tanong ni Gellie kay Haylan. Tumingin naman si Haylan kay Minikki na ngayo'y focus lang sa pagkaing nasa harap niya.

"No," simpleng sagot ng binata.

"You did not? Bakit? Hindi ka ba totoong kaibigan?" tanong ni Gellie.

"Oo nga, hindi mo man lang kami sinuportahan? Galit ka ba dahil ako ang nanalo bilang escort?" singit naman ni Jaeson.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now