Chapter 27: Libella and Significa

218 8 0
                                    

Sumalubong sa paningin ni Minikki ang mga hindi maipintang mukha ng guro. Tila ba hindi nila inaasahan ang masasaksihan nila. Muli, napabitaw ang dalaga sa kamay ni Haylan. Napakagat din siya ng labi pagka't hindi siya sanay na maraming nakatingin sa kaniya.

"Totoo ba ang nakita ko? Lumitaw na lang bigla ang dalawang estudyanteng iyan sa gitna?" tanong ni Professor Selene na tila ba naghuhurumentado sa hindi kapanipaniwalang pangyayari.

"See? That's what I am telling you all!" Napatingin si Minikki sa nagsalita. Si Alvina. Nauna na pala siya rito. "But you're not believing me! She can summon herself to anywhere, Head Mistress! She brought us to the Prohibited Garden and put our lives in danger! Muntikan na akong patayin ni Rama!" mahabang paliwanag ni Alvina.

Minikki has no face to show. Even her can't explain what she did. She just heard a voice in her head telling her to hold his hand and in a blink of an eye, they appeared in another place which is now the Grand Office.

"Naroon si Rama?" sabat ni Mrs. Ruby.

"Yes! And Laxamana! At ang marami pang PNG!" sagot ni Alvina.

"How did you do that, Minikki?" tanong ng Head Mistress na tila ba hindi narinig ang mga pasaring ni Alvina. Umiling lamang si Minikki bilang sagot.

"I think what we should be concerned about now is Rama knows Minikki is the lady in the chronicles," Haylan stated which caught everyone's attention.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lavinia Chandler.

"Everyone, you can leave now," wika ni Miss Nembraida, pero bago pa tuluyang makaalis si Minikki, Haylan at Alvina ay nagsalitang muli ang Head Mistress na tila ba katatapos lang mula sa malalim na pag-iisip.

"Professors, this is a heads up for us. We need to strengthen our protection towards our students. We have to find the chronicles as soon as possible so we will build an alpha team that will be assigned to find it. This is a top secret. What you see, what you hear, leave it here."

Lumabas na si Minikki at Haylan sa Grand Office. Kapwa tahimik at may kani-kaniyang iniisip. Samantalang si Alvina naman ay tumakbo na palayo sa kanila upang tumuloy na sa Dreamers Lodging House.

Doon lang napansin ni Minikki na madilim na pala ang kapaligiran. Wala nang mga estudyante sa pasilyo pagka't ang bawat isa'y sumusunod sa curfew.

"Are you alright? Haven't you gone mad?" tanong ni Haylan na nagpatigil sa paglakad ng dalaga. Nakakunot ang noo nito dahil hindi alam ang ibig sabihin ng binata.

"I mean, you have that golden ring from Fortune Mountain."

"Hindi ko naman 'yon kinuha, Haylan!" saad ng dalaga dahil para bang pinagbibintangan siya nitong nasilaw siya sa kayamanan at ninakaw niya ito.

"Let me see it."

Kinuha ni Minikki mula sa bulsa niya ang singsing at ibinigay kay Haylan. "Kakaiba at hindi kasya sa daliri ko," komento ng dalaga.

Pinagmasdan ni Haylan ang bagay na iyon at dagling napangisi nang mapagtanto kung ano iyon. "Because you're putting it on the wrong finger...It is for your thumb."

Kinuha ni Haylan ang kanang kamay ni Minikki at isinuot ang singsing doon sa hinlalaki ng dalaga. "This is a finger tab for archery. See? It fits."

Minikki pressed her lips together as she tried to stop smiling and blushing. The way Haylan put the ring on her finger somewhat made her delusional. She better put herself in place again and act like nothing.

"P-pero anong alam ko sa archery? Hindi naman ako marunong no'n!"

"I don't know. How would I know?"

Dahan-dahang binitiwan ni Haylan ang kamay ni Minikki. "What I know is you did a lot of things that deserved you to be in Gaol."

Napanganga si Minikki sa tinuran ng lalaki.

"First, you brought us to the Prohibited Garden. Second, you have this finger tab from Fortune Mountain. Third, you hold my hand."

Minikki's jaw dropped as the guy kept on enumerating the things she did that she never actually did except the latter.

"But I think, I'll just let it go as you were the one who saved me."

Ngumiti si Haylan. "Thank you for saving me."

Tila ba mas lalong nakaramdam ng galak si Minikki nang makitang ngumiti ito sa kaniya. At doon niya naalalang hindi pa siya nakakapagpasalamat kahit minsan dito pagkatapos ng ilang beses nitong pagliligtas sa kaniya.

"Ako rin, salamat at palagi mo akong tinutulungan at nililigtas."

"It is my pleasure to serve the lady in the chronicles."

***

Nakabalik si Minikki sa kwarto niya at sinalubong siya ni Alondra na kalalabas lang ng banyo. Mukhang katatapos lang nitong maligo.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Tsaka, bakit namumula at nagpipigil ng ngiti?" sunod-sunod na tanong ni Alondra kay Minikki na para bang siya ang tumatayong ina nito.

Umiling si Minikki at pilit na ikinukubli sa kaniyang kalooban ang saya. Pakiramdam niya'y hindi siya makakatulog ngayong gabi dahil paulit-ulit niyang maiisip ang mga bagay na sinalita sa kaniya ni Haylan.

"Kahit ilihim mo 'yan sa akin, tiyak malalaman ko rin 'yan bukas!"

Araw ng Linggo, walang pasok ang mga estudyante kung kaya't napagpasyahan ni Alondra na yayain si Minikki na pumunta sa Buried Emporium. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Minikki dahil bumalik lang sa alaala niyang nakakahindik na paraan para makapunta roon.

"Sira! Malapit lang 'yon dito! At hindi natin kailangang dumaan sa sementeryo!" natatawang wika ni Alondra na ngayo'y bihis na bihis na. "Tsaka, igagala kita. Alam kong marami masyadong nangyayari sa buhay mo at nakalilimutan mo nang mag-enjoy kaya magmadali ka na! Marami tayong pupuntahan!"

Maganda ang panahon at mainam sa katawan ang sikat ng araw kung kaya't mas pinili ni Minikki at Alondra ang maglakad papunta sa Buried Emporium. Para na rin silang nag-ehersisyo sa paglalakbay nila. Ilang sandali pa ay nakarating na sila roon. Hindi makapaniwala si Minikki sa kaniyang nakikita dahil aminado siyang hindi niya masyadong nakita ang kabuoang lugar dahil abala sila noon ng kaniyang ina sa pamimili ng gamit.

Muling bumalik sa alaala niya ang kaniyang ina kung kaya't nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napansin iyon ni Alondra.

"Bakit, Minikki? May problema ka ba?" tanong nito.

Simpleng ngumiti si Minikki bago sumagot, "Nami-miss ko lang si ina."

"Oh, bakit hindi mo siya padalhan ng mensahe?"

"Hindi ako marunong."

"Ha? Eh 'di, paanong hindi? Kahit naman nasa iba tayong dimensyon, makakarating naman ang mensahe mo sa 'yong ina. High tech kaya rito. Gamitin mo lang ang cellphone mo," paliwanag ni Alondra.

"W-wala akong cellphone at wala rin si ina."

Napasinghap si Alondra. "Iyon lang. Wala akong naiisip na ibang paraan para makausap mo ang iyong ina maliban sa pagpapadala ng significa."

"Paano makapagpadala ng significa?"

Si Alondra naman ang umiling ngayon. "Tanging ang mga nakakalagpas lang sa ikatlong libella ang nakagagawa no'n, Minikki."

"Libella?"

"Oo, Minikki. Kapag napagtagumpayan mo ang iyong misyon, nakalagpas ka na sa unang Libella at maaari ka nang manirahan dito hanggang kailan mo gusto. Nasa sa iyo kung tatanggap ka pa ng misyon para tumaas ang libella mo. Bawat misyon, tumataas din ang ability needed. Pataas nang pataas, pahirap nang pahirap," mahabang paliwanag ni Alondra.

"Kung gano'n, kailangan kong tumapos ng tatlong misyon para lang makausap ang ina ko sa pamamagitan ng significa?" tanong ni Minikki na para bang nawawalan na ng pag-asa.

"Oo, Minikki, pero kung gusto mo namang makita na ang iyong ina...Eh 'di, huwag mong gawin ang misyon mo. Hindi ka nga lang makakabalik dito," hindi magandang sitwasyon ni Alondra.

Naalala ni Minikki ang misyon niya—ang protektahan ang university. Nagkakaroon tuloy siya ng duda kung magagawa niya ba iyon gayong ang abilidad lang na mayroon siya ay makarating sa ibang lugar na maging siya'y hindi pa rin kumbinsidong nagagawa niya iyon.

"Pero, focus tayo sa goal, ang kumain ng masasarap ngayong araw!"

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now