Chapter 13: Secret Mission

345 10 0
                                    

"So tandaan mo, ito 'yung Food House. Malapit lang sa Building C," sambit ni Gellie. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng Food House at tinatanaw ang buong Occoii University. May mga tables and chairs din sa rooftop kung saan welcome ang mga estudyante na kumain habang nagsa-sightseeing.

"Building C?"

"Oo sa building natin."

Tumingin si Minikki sa building kung saan naroon ang classroom nila. Napansin niyang may kaparehong itsura at disenyo ang building na iyon sa iba't ibang dako ng university.

"May apat na building for us students. Ang building A is for grade 1 to grade 4 students. Ayun siya sa north side."

Itinuro ni Gellie ang building A na natatanaw nila sa di kalayuan.

"Ang building B naman ay para sa grade 5 to 8. Naka-locate siya sa South side ng university," paliwanag ni Jaeson na sandaling itinigil ang pagkain ng turon upang makapagsalita.

"At 'yong building natin which is Building C ay for us grade 9 to grade 12 students. Nasa East side tayo."

"Kung gano'n, 'yong Building D ay para sa college students?" tanong ni Minikki.

"Yup at ayon naman siya sa West side."

Tumango-tango si Minikki habang unti-unting pinoproseso sa utak niya ang lugar kung saan siya maninirahan ng ilang panahon. Totoong nakakapanibago dahil sa tanang buhay niya ay hindi pumasok sa isip niya kahit minsan ang ganitong lugar.

"The round building is the association building while the abstract building beside it is the grand office."

Napanganga si Minikki nang mapagtanto na iyon ang mga buildings na kumuha ng atensyon niya kanina nang makapasok siya sa gate.

"Sa association building, doon nagtitipon ang apat na asosasyon tuwing ika-anim na araw ng linggo."

"Apat? Akala ko tatlo lang: Acer, Defender at Dreamer," sagot ni Minikki.

"May isa pa, Minikki: ang mga Chuffer," wika ni Jaeson.

"Chuffer?"

"Ang Chuffer ang highest ground of all the association. They are very talented. Sila ang mga estudyanteng may kakaibang talino at abilidad. Matalino sila katulad ng Acer at malakas na katulad ng Defenders. Two in one kumbaga. They are the dangerous kind of student na makakasalamuha mo rito. Well, hindi naman sila nang-aaway, pero mayayabang sila," paliwanag ni Gellie.

Tumango-tango si Minikki. Mukhang alam niya na kung sino ang dapat niyang iwasan para hindi masangkot sa gulo. "Eh, 'yong Dreamer?"

"Bihira lang magkaroon ng dreamer."

Nagkatinginan ang dalawa. "Ang mga Dreamer ang nasa lowest ground. Wala silang specific talent or more on nasa stage sila ng discovering or awakening their hidden skills. Pwede silang maging Acer or Defender through practice, depende sa ability na matutuklasan nila sa paglaon ng panahon."

Tila ba nawalan ng pag-asa si Minikki. "Tama pala na nasa Dreamer ako, kasi wala talagang espesyal sa akin. Isa lang akong hamak na estudyanteng palaging naaapi at ngayon maswerte nang napadpad dito upang mag-aral."

"Huwag kang panghinaan ng loob, Minikki. Nandito kami para tulungan kang hanapin ang abilidad mo."

Ngumiti si Minikki. "Ayos lang kahit wala. Okay na ako na makakapagtapos ako ng pag-aaral. Pakiramdam ko nga nasa isa akong panaginip. Hindi ko inakalang may ganitong lugar. Hindi ako makapaniwala."

"Minikki, kailangan mong mahanap ang abilidad mo upang hindi ka mahirapan sa misyon mo."

"Misyon?" Kumunot ang noo ni Minikki. "Anong misyon?"

"May iba-iba tayong misyon, Minikki. Matatanggap mo iyon sa takdang panahon. Ipapadala sa 'yo gamit ang significa."

"Walang dapat makaalam na natanggap mo na ang misyon mo at walang dapat makaalam na naisagawa mo na." Nakaramdam ng kaba si Minikki dahil sa tinutukoy ng dalawa.

"At kailangan mong matapos ang misyon mo upang makapanatili ka rito." Napanganga si Minikki nang maalala niya ang kaniyang ina. Iyon ba ang tinutukoy ng kaniyang ina na tungkuling kailangan niyang maisakatuparan? Kaya siya pumasok sa Occoii University?

"You need to accomplish your mission within a year."

"A year?"

Umusbong ang takot sa sistema ni Minikki. Wala siyang ideya kung kailan darating ang misyon niya at kung papaano niya iyon magagawa. Ikinakabahala niya rin kung magagawa niya nga ba gayong wala naman siyang abilidad. Ni hindi pa nga masyadong pumapasok sa kaniyang isipan ang mga nangyayari. Pero isa lang ang sigurado siya, gusto niya pang makilala ang lugar na ito.

"So far, I think, nasabi na natin kay Minikki ang basics. May question ka pa ba, Minikki?"

Umiling ang dalaga. "W-wala na. Maraming salamat sa inyo."

"Wala 'yon, Minikki. Ikinagagalak ka naming makilala."

"So, see you in College?"

Isa-isa nang nagpaalam sa kaniya si Gellie at Jaeson. Ilang sandali pa siyang tumambay sa rooftop upang pagmasdan ang kabuoan ng lugar kung saan naroroon siya nakatayo. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Gusto niyang umiyak at magpasalamat dahil sa wakas, may lugar nang tumanggap sa kaniya kahit na hindi ganoong kaganda ang kaniyang itsura.

Napatigil naman si Minikki nang may mapagtanto siya. "S-sandali, akala ko ba mga pangit lang ang tao rito. Bakit ang ganda ni Gellie at ang pogi ni Jaeson? Hindi ba't lupon ito ng mga estudyanteng hipon?"

Pinagmasdan niya ang mga estudyante sa paligid niya. Kapwa may mga itsura ang mga ito. May iba pa na napapadapo ang tingin sa kaniya ngunit ngumingiti lang ang mga iyon sa kaniya. Ibang-iba sa natatanggap niyang tingin noong nasa labas pa siya.

"Kung isa itong panaginip, ayoko nang magising."
Nagdesisyon na si Minikki na bumaba na mula sa Food House. Doon niya naalala na hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa pagkakatanda niya, nasa Dreamer's Lodging House na ang mga gamit niya.

"So, kailangan kong hanapin ang Lodging House? Pero paano ko gagawin 'yon?"

Magdadapit-hapon na at paikot-ikot pa rin si Minikki sa buong Occoii University. Hindi niya mahanap ang daan patungo sa lugar kung saan siya tatahan. Iyon ang nakalimutan niyang itanong kay Gellie at Jaeson.

Minikki bit her lip as she tried to calm herself. She has to remember which path Kieffer led her but she also forgot to ask him about it.

And there she saw a familiar guy pass by her. Tila ba nagkaroon siya ng katiting na pag-asa.

"Tama, sa pagkakaalala ko. Siya si Haylan. Narinig ko ang pangalan niya noong kinausap siya ng lalaking kasama ni ina noon, na si Professor Gener?" Pilit na inaalala pa ni Minikki ang mga sandaling may kinalaman sa pagkakakilanlan ng lalaking hanggang leeg ang buhok. "Wait, nabanggit ni Gellie na dreamer din si Haylan. So, kung susundan ko siya—"

Lumawak ang ngiti ni Minikki. Palihim niyang sinundan ang lalaki. "Tutal, maggagabi na. Baka umuwi na siya," bulong pa ni Minikki sa kaniyang sarili.

"Hanggang kailan mo ako balak na sundan?"

Hindi agad nakita ni Minikki na tumigil at humarap ito sa kaniya dahilan para mauntog siya sa dibdib nito.

"S-sorry," sagot ni Minikki habang hinahaplos ang noo niya. Umiwas siya ng tingin dito dahil totoong nakakatakot ang mga titig nito at lalo pa ang malalim nitong boses na nakakapanindig balahibo.

Minikki walked as she tried to escape the killer gaze of Haylan. She regretted why she chose to follow that guy. Mukhang nakalimutan niya yatang iyon ang lalaking nagbantang dadalhin siya sa Gaol.

"Where are you going?"

Napatigil sa paglakad si Minikki.

"Sa L-lodging House," Minikki stuttered in fear.

"That's not the way to the Lodging House, woman."

Napakamot naman ng batok si Minikki. Hindi pa rin mawala sa dibdib niya ang kaba. "Follow me before I bring you to Gaol."

"G-gaol?" she asked in panic, but still followed that guy who is now smirking secretly. 

###

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now