Chapter 29: Burning Flame Inside

213 9 0
                                    

"Si Haylan! Lilipat na siya ng lodging house!"

Napatingin si Minikki kay Gellie na tila ba kinukumpira kung tama ba siya ng rinig.

"Lilipat? Saan siya lilipat?" tanong ng ibang kaklase ni Minikki na kapuwa nakikiusyoso sa may bintana at pinagmamasdan ang binata na naglalakad kasama ang isang lalaki.

"Sa Defender! Nabalitaang lumabas na ang abilidad niya kung kaya't hindi na siya mananatili sa Dreamer's Lodging House at lilipat na siya sa Defenders!"

Kitang-kita ni Minikki sa hindi kalayuan si Haylan. Bitbit nito ang kaniyang mga gamit at tinutulungan ito ni Kieffer, ang lalaking tumulong din kay Minikki noong unang araw niya sa Occoii University.

Umupo na si Minikki sa kaniyang upuan habang hindi mawala sa isipan niya ang posibleng dahilan kung bakit nalipat na si Haylan sa Defender. Marahil dahil iyon noong engkwentro nila sa mga PNG. Doon napagtanto ng dalaga na hindi niya nga napansing may mga pasa o sugat pa ang lalaki nang magkita sila sa Buried Emporium noong nakaraan.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang seatmate niyang si Haylan. Mali, hindi na nga pala sila seatmate pagka't umuupo na ito sa may likuran. Ipinunta na lamang ni Minikki ang kaniyang atensyon sa lalaking papasok sa kanilang classroom—ang professor nila na si Gener. Tila ba parang ang tagal na ng kanilang huling pagkikita. Naalala pa ni Minikki na hinahanap niya ang propesor noong nakaraan.

"We miss you, prof!!!"

Ngumiti naman si Professor Gener at tumingin kay Minikki na para bang sinusuri nito kung kumusta ang dalaga.

"Good morning class. Ikinalulungkot ko ang nangyari last time because our swimming class got cancelled but I am here to tell you some good news."

Agad namang na-excite ang mga kabataan at na-curious sa magandang balitang sasabihin ng propesor.

"From now on, mag-aaral tayo ng archery."

Walang reaksyon, iyon ang ibinigay ng mga bata sa magandang balitang tinutukoy ni Professor Gener tila ba nagpapahiwatig na hindi nila gusto ang archery. Ngunit wala silang magagawa kundi ang pag-aralan ito. Ipinaliwanag ni Professor Gener ang tungkol sa archery maging ang tungkol sa tamang kasuotan at kung para saan ang mga ito. Ang tamang postura at ang tamang paghawak ng archery bow.

Natapos ang klase at naghihintay ng pagyaya si Minikki mula kay Gellie at Jaeson ngunit tila ba nagmamadali ang mga ito. Napansin niyang ganoon din si Haylan at mabilis na umalis mula sa classroom.

"Gellie, hindi ba kayo kakain na kasama ko?" nagtatakang tanong ni Minikki.

"Sorry, Minikki, may kailangan pa pala akong gawin. Marami pa akong babasahing libro." Napakunot ang noo ng dalaga sa isinagot sa kaniya ng kaniyang kaibigan.

"Ako rin, Miniks. Bye!"

Naiwang mag-isa si Minikki habang bumubuntong-hininga. Wala naman siyang magagawa kung parehong abala ang kaniyang mga kaibigan. At isa pa, hindi na naman sa kaniya bago ang maiwang mag-isa. Sanay na siya roon dahil ganoon ang buhay niya sa labas.

Napagdesisyunang na lamang ni Minikki ang pumunta at kumain sa Food House. It's me time! ika niya. Maganda na rin itong oras para mag-reflect sa mga nangyari nitong mga nakaraan. Masyadong maraming nangyari na para bang hindi niya na alam ang uunahin.

"Minikki, after your lunch, come to my office," wika ni Professor Gener nang makasalubong niya ito sa Food House.

"Ay, hindi po ako nagugutom, prof!"

Ngumisi si Professor Gener. "Obey what I told you." Professor Gener pats her head as he walks past her. Minikki with her growling stomach did exactly what her professor told her. Namili lang siya ng kakainin at kinain iyon habang naglalakad papunta sa opisina ni Professor Gener. Nawala na sa isip niya ang planong mag-reflect dahil mas naiintriga siya sa maaaring pag-usapan nila ng kaniyang guro. Gusto niya ring humingi ng pabor upang makausap ang kaniyang ina. Ito na marahil ang pagkakataon!

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now