Chapter 3: Not A Lie But A Waste Of Time

487 21 0
                                    

"Josh!" pagtawag niya sa lalaki nang makatungtong siya sa huling palapag ng building pero nawala ang ngiti niya nang hindi niya makita si Joshua roon.

Tiningnan ni Minikki ang kaniyang relo.

"Masyado yatang maaga ang pagdating ko," bulong niya sa kaniyang sarili. Pinagmasdan niya ang paligid. Malaki na ang pinagbago ng rooftop. Dati ay pinagtatambakan lamang ito ng nga sira-sirag upuan na hindi na magamit ngayon ay lumins na ito at bagong pintura rin.

Halos mag-iisang oras nang naghihintay si Minikki ngunit wala pa rin ang taong hinihintay niya. Sumisilip na ang kadiliman at maya-maya lang ay kakainin na nito ang liwanag. Darating pa kaya si Joshua?

Napabuntong-hininga si Minikki. Kahit ang anino ng taong mahal niya ay imposible niya nang makita dahil dumidilim na.

"May nangyari na kayang masama do'n?" tanong nito habang hindi mapakali sa kinatatayuan. "O nakalimutan niya ang usapan namin?"

Laking gulat ni Minikki nang bumukas ang pinto. Natigilan siya nang makita si Joshua sa harap niya. Agad na nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. Napakapit siya sa kaniyang puso nang bigla na naman itong pumintig nang sobrang bilis.

"Josh," pagtawag niya sa binata.

"Kanina ka pa?" tanong ni Joshua sa kaniya. Matangkad at may kakisigan ang lalaking ito. Hindi rin maitatanggi ang kagwapuhan nitong tinataglay, ang makinis nitong balat at pati na rin ang magandang ngiti na dahilan ng pagkahumaling ng daan-daang estudyante.

Umiling si Minikki. "H-Hindi, kararating ko lang," sagot ni Minikki. "Ano palang gusto mong pag-usapan?"

Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ni Minikki. Nanghihina rin ang mga tuhod niya dahil nasa harap niya ang taong minsan sa buhay niya ay naging dahilan ng kaniyang pagngiti sa araw-araw—the man who helped her overcome every day of her lives even if those days were full of struggles.

Joshua took a deep breath and gave Minikki an intense glance. "I want a new life, Minikki."

Napalunok ang dalaga. "A-anong ibig mong sabihin?"

"That's what I told you before right? Pero hindi ko pa rin natatamasa dahil ipinagkalat mong naging tayo which is hindi naman."

Minikki's jaw dropped because of Joshua's speculation towards her. Wala siyang alam tungkol sa sinasabi nito.

"W-wala akong pinagkakalat. Kanino nanggaling 'yan?" Nabasag ang boses ni Minikki. Something clogged her throat.

"It doesn't matter anymore but what I want from you is to stay away from me. Huwag mo nang ipagkalat na nagkausap tayo noon or nagkaroon ng something sa pagitan natin."

Tuluyan nang gumuho ang mundo ni Minikki sa narinig niya. Masyado yata siyang nag-expect nang mataas na hindi naman pala dapat. Hindi siya kaagad nakaimik dahil hindi niya alam kung anong ire-react o sasabihin niya.

"Sineryoso mo ba 'yon?" tanong pa ni Joshua sa kaniya.

"Hindi ba dapat?" pabalik na tanong ni Minikki. Nararamdaman niya ang bigat sa loob na para bang may malaking bagay na nakabara sa dibdib niya. Hindi siya makahinga. "I thought you loved me. That's what you said. You were my first love too."

Joshua's expression was cold as ice. It was very different from those warm and sweet pictures he sent her in the past. "Mga bata pa tayo noon. We're just curious and such. That wasn't love."

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Minikki dahil sa tinuran ng binata. Pakiramdam ni Minikki ay nawala na sa kaniya ang lahat maging siya sa kaniyang sarili. Umasa siya, hindi niya iyon maitatanggi.

The Lady in the Chronicles (OU:LNMEH #1)Where stories live. Discover now