KABANATA 1

2.1K 408 484
                                    

#1: Itinakda

PHILIPPINES YEAR 1896

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako, mahal na mahal kita! Ako'y magpapakilala lamang. Ako si Hermosa Solidad, anak ng gobernadorcillo na si Juancho Solidad at kaniyang asawang si Carolina Solidad. Mayroon akong dalawang kapatid, Sina Gabrielo Solidad na isang heneral at Leonardo Solidad na tagapangasiwa ng aming negosyo. Ako? Kung ako'y inyong tatanungin kung ano ang kaganapan sa aking buhay, inyong subaybayan ang aking buhay! Tiyak na puno ito ng kasiyahan!

Masaya, Hermosa

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga kasambahay namin dito. Mukhang naghahanda sila sa kung ano man.

Bumangon ako sa aking kama at tiningnan ang kalendaryo. Ngayon ay Abril 1, wala namang ganap ngayon. Hindi ko naman kaarawan, o ni Ama at ni Ina. Hindi rin naman kaarawan ni Gabrielo o ni Leonardo.

Dahil sa pagtataka, ako'y bumaba na lang sa amin. Sinalubong ako ni Nana Selda, ang ina ng aking minamahal-- ay este ni Graciano. Minamahal? Nakakasuka na ang aking mga iniisip.

"Señorita Hermosa, kumain na kayo ng agahan!" Pagyayaya niya sa akin.

Tumingin ako sa aming malaking orasan, alas sais pa lang ng umaga.

"Anong mayroon, Nana? Bakit kayo, naghahanda?" Nagtatakang tanong ko.

Tumawa siya dahilan upang masilayan ko ang kulang na ngipin sa kanyang harapan. Natawa tuloy ako.

"Hindi mo pala alam, Señorita. Ngayon na ang itinakdang araw." Nakangiting sabi niya. Nakita ko ang pagningning sa kanyang mga mata.

Napakunot naman ang noo ko. Itinakdang araw? Ano na naman kaya ang pinagsasabi ni Nana? Hindi na naman siguro kumpleto ang kaniyang tulog. Mabuti na lamang at ina siya ng minamahal ko.

"Hermosa, magbihis ka na at baka mamaya ay pumunta na rito ang pamilya Montealegre." Biglang may humawak sa aking braso. Si Leonardo, aking kapatid.

Siya ang pangalawa sa aming magkakapatid. Ako ang bunso. Ang kaniyang malaking pangangatawan ang nagpapakitang mas matanda siya sa akin. Kayumanggi ang kaniyang balat at matangos ang ilong niya.

May lahi kasi kaming Kastila eh, ang aming mga ina. Kahit ang aming ama ay may lahi rin ngunit hindi puro. Kaya ganito na lang sila kagandang lalaki ng isa ko pang kapatid. Ako? Ako'y hindi sigurado kung maganda ba ako.

"Pamilya Montealegre? Kaninong pamilya iyon?" Napaisip ako.

Ngayon ko lamang narinig ang apelyidong iyon. Sabagay, ako'y wala namang pakialam sa mga pamilya dito. Hindi sa pagiging bastos o plastic. Kahit naman siguro mahirap lang ako ay wala pa rin akong pakialam sa mga taong hindi ko kilala.

"Sa pamilya Montealegre." Natawa ang sira ulo kong kapatid. Naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. "Biro lamang, basta malalaman mo rin. Ika'y maligo na upang hindi mangamoy ang kakaiba mong kapangyarihan!"

Aba't ano ang kaniyang sinasabi? Na ako ay mabaho at hindi naliligo? Nilapitan ko siya upang kilitiin sa kaniyang tagiliran ngunit tumakbo siya palayo. Hinabol ko naman siya.

"Hermosa!" Sigaw ni Gabrielo. Aysos! Kasalanan ko na naman. Humarap akong nakangiti sa kaniya ngunit narito pa rin ang inis sa akin.

Sinalubong ako ng blankong ekspresyong mukha ni Gabrielo. Matangkad siya kumpara sa amin ni Leonardo. Siya nga pala ang aming panganay, kuya ko. Hehe.

"Kababae mong tao, takbo ka ng takbo. Mangmang ka ba?" Pinagtaasan niya ako ng boses.

Napataas naman ang aking mga balikat dahil sa gulat. Grabe kung ako lang ang panganay sa amin ay araw-araw ko siyang sasampalin ngunit siya ang panganay kaya dapat siya ang mas galangin.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon