KABANATA 15

959 218 103
                                    

#15 Mahal Kita

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kung hindi ay ayos lang, aking mahal naman ang aking sarili at dahil mahal ko ang aking sarili, ipinaglaban ko ito sa kontrabidang si Tatiana. Hindi lang naman ang aking sarili ang ipinaglaban sa kaniya, pati na ang aking pamilya. Aba't sino siya para husgahan ang pamilya Solidad. Isa pa, mahal ko rin ang aking sarili dahilan upang tanggihan ko ang nakakagulat na alok ni Leonardo. Mali! Mali kayo ng iniisip! Hindi ng kasal ano, kami ay magkapatid! Alok na sumali ako sa kanilang kasamahan.

Nagmamahal sa sarili, Hermosa

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ngayong araw ay manghihingi ako ng tawad kay Tatiana. Nakakatawa hindi ba? Ang sarap ngang bigwasan ng aking ama. Si Tatiana na nga itong may kasalanan sa akin ako pa ang manghihingi ng tawad. Napaka husay!

Pagkatapos ay kagabi nakakawindang ang alok ng aking kuya Leonardo. Maganda iyong Katipunan, mga mason na lumalaban para sa ating bansa ngunit para sumali ako? Hayaan na nga lang natin si Kuya Leonardo dahil bukod naman sa isa siyang ginoo, malaki din ang kaniyang katawan.

Eh ako, ano naman ang aking maibubuga? Bukod sa isa lamang akong binibini, hindi talaga maari. Marahil aking nasabi sa inyo na ako ay matapang ngunit hindi sapat iyon at saka, mayroon bang binibini sa kanilang samahan?

"Ngayon kung iyong mamarapatin... nais mo bang maging bahagi ng aming samahan?" Seryosong saad niya na dapat ay sagutin ko na agad at hindi dapat akong tumanggi. Iyon ang tono ng pananalita niya.

"Hahaha!" Hindi makapaniwalang tawa ko. "HAHAHA! Ikaw ay nagpapatawaba? Kung oo, ako'y tatawa na." Sabihin mong nagbibiro ka lang, sabihin mo Leonardo. Ang pagsali sa isang samahan ay hindi lamang gaya ng pagsali mo sa isang laro.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, sabi ko hindi ba?" Seryosong saad niya. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang lalamunan. "Makinig ka, kung ikaw ay sasali sa samahang ito, ating maipaglalaban ang ating kalayaan."

"BAKIT PA?" Sigaw ko sa kaniya. Huminga muna ako nang malalim bago pa magsalita. "Oo, kaaya-ayang makalaya ang ating bansa mula sa mga kolonya ngunit hindi naman tayo ganoon ka-apektado gaya ng iba." Nanlisik ang kaniyang mga mata sa sinabi ko. "Maayos naman ang ating pamumuhay. Maayos naman na tayo, malayo tayo sa karahasan at higit sa lahat," tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. "Miyembro tayo ng alta sociedad."

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng kaniyang boses. "Ano ang iyong mga pinagsasabi? Tao ka pa ba?" Aba at sumosobra na ang isang 'to ah? "Hindi dahil maayos ang lagay natin ay maayos na ang kalagayan ng lahat."

Alam ko naman ang nais niyang maiparating. Nais niyang lumaban para sa mga kapwa namin Pilipino ngunit paano kami? Kami naman ang malalagay sa panganib? Maayos naman na ako at nakakahinga naman kami nang maluwag. Bakit kailangan niyang sirain ng ganito ang kaniyang pamumuhay?

"Kung makapagsalita ka naman, Leonardo." Ngayon, iyong mahihimigan na rin sa aking pananalita ang galit. "Bakit? Ikaw ba ay hindi Kastila? May lahi rin tayong dayuhan. Bakit kailangan mong magpakamatay ng ganito?" Seryosong sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ako nagpapakamatay, Hermosa. Mas mabuti ng mamatay ng lumalaban kaysa mamatay ng duwag." Nanghina na siya ngayon tila ba ay sumusuko na siya sa aming pagtatalo. "Akala ko'y maiintindihan mo ako, Hermosa. Ako'y nagkamali pala." Tumango-tango siya sa kaniyang sarili na para bang may nauunawaan na siya na hindi niya nauunawaan noon. "Ako'y aalis na."

Iyon ang aming naging usapan kagabi. Masama ba akong tao? Masama ba kung ako'y mananahimik na lang? Nais ko pang mabuhay nang mahaba at iyong gusto kong kamatayan ay iyong sa kadahilanang katandaan?

Mi AmoreWhere stories live. Discover now