PROLOGO

3.4K 803 279
                                    

Note:

Ang chapter na ito ay maaaring maka i-spoil sa iyo ng kuwento kung kaya't maaari mo na itong lagpasan kung ayaw mong mai-spoil nang kaunti. Kung makulit ka talaga, maaari mo naman ding basahin kaya ko nga ito ginawa. Iyon lang. Salamat.

YEAR 2018

BEAUTY's

Field trip namin ngayon at nakakainis isipin napupunta ako ngayon doon ng mag-isa, bad trip kasi si Ryan, hindi ako sinamahan. Wala siyang kwentang boyfriend! Bakit pa ba siya nabuhay? He promised that he will go with me but no! He did not! Hope he'll die soon!

"G na G ka girl?" Natatawang saad ni Claire, kaibigan ko, habang pumapalakpak. "Kaloka! Bakit ba kasi patay na patay ka diyan sa boyfriend mong si Gallardo eh!" Natatawang saad niya.

"Girl! Ano ka ba? Kung ganoon naman kagwapo kay Ryan Gallardo ang boyfriend mo sino namang hindi mababaliw hindi ba?" Kinikilig na saad ni Mara. Nag high five pa sila ni Claire. "Nababaliw ka natalaga kay Ryan Gallardo."

Sinamaan ko ng tingin si Mara. "Shut the f*cking up, Bipolar!" Saad ko at inirapan siya. Agad naman akong siniko ni Claire dahil masyadong foul ang sinabi ko. Totoo namam eh siya itong tunay na baliw. Bipolar.

Magkakatabi kaming tatlo ngayon para sa aming educational field trip. Madami kaming pupuntahan at puro historical iyon. Medyo corny pero go lang. Maganda naman daw sa Intramuros. Tapos may pupuntahan pa kaming museum.

"Ay girl, may irerecommend ako sa'yong basahin!" Pagsisimula ng topic muli ni Claire. Walang gana naman akong bumaing sa kaniya. Siya kasi ang nasa gitna at ako ang nasa bintana. Si Mara naman ay nasa kanan ni Claire. "Mi Amore."

Agad na natawa si Mara kinunutan ko naman siya ng noo. "Bobo ka talaga, required naman talaga sa atin iyon basahin nirecommend mo pa!" Kinutusan niya pa si Clara. "Iyon 'yung pinapabasa satin ni Prof Lienzo Leonardo the pogi."

"Manahimik ka nga, crush ko 'yun 'wag kang papogi-pogi diyan!" Saad ni Claire at binatukan din niya si Mara, gantihan sila. "Pero basahin mo 'yun Beauty, promise solid 'yung ganda. Nabasa ko na kasi bago pa pinabasa sa'tin. Ang sakit-sakit solid."

Kinunutan ko siya ng noo. "Ang hilig niyong magbasa ng tragic 'no? Dapat 'yung mga binabasa niyo may mga happy ending para happy lang!" Inirapan ko sila. "Ang baduy niyo naman kung iiyakan niyo 'yung kwento tapos hindi naman totoo. Sinasayang niyo 'yung luha niyo!" Galit na saad ko at tumingin sa bintana.

"Hindi naman nakabase sa ending kung maganda ba 'yung story eh!" Palabang sagot ni Mara, inaatake yata ng pagiging bipolar. Hindi na naman yata nakainom ng gamot. "Nasa proseso 'yan ng kwento. Sa kabuoan. Kung napaiyak ka ba, kinilig ka ba, nagalit ka ba kung oo edi maganda 'yung story. Affected ka eh."

"Ang ingay mo na naman Mara, manahimik ka nga, hindi ka nakainom ng gamot?" Inis na saad ko. Nakaramdam na lang ako ng pagkaantok habang bumibyahe kami.

Nagising na lamang kami ng marating na namin ang Intramuros. Ang ganda ng view at para ka talagang babalik sa past pero nakasuot ka ngayon ng pang PE ang baduy diba? Nag PE pa kasi kami nakakaasar! By the way I'm 18 years old and a grade 12 student.

"Tara na dito sa dungeon, Beauty!" Nakangiting saad ni Claire. Tinanguan ko na lang sila ni Mara dahil nawalan na ako ng ganang gumala. Letse kasi si Ryan panira ng araw. Kaklase din namin siya pero choosy siya. Ang baduy daw ng field trip.

Ngunit wala na akong gana. Panay ang kuha nila ng litrato samantalang ako, walang kagana-ganang mamasyal dito. Ikaw ba naman magkaroon ng bwisit na boyfriend, matutuwa ka ba? Hihiwalayan ko na talaga 'yang si Ryan. Sunod na pinuntahan namin ang National Museum of the Philippines.

"Form your line, students." Professor Lienzo said with a baritone voice. Tiningnan niya ako ng mariin. Inirapan ko siya, naalala ko palang madami itong pinapagawa sa amin. "By height." At dahil doon, mas lalo akong napairap. Sa unahan kasi ako, sunod kay Mara.

Mayroong nagtotour guide sa amin sa mga obra. The man was familiar but I can't remember him so I guess hindi magkakilala. Maybe we have met before but he's not that important so nakalimutan ko na siya.

"Ang tawag sa obrang ito ay Mi Amore." Paliwanag ng aming tour guide. His eyebrows, eyes, and hair are all brown. Mukha siyang mabait na hindi, I mean he looks so illegal. "Ang obrang ito ay nilikha ni Ginoong Graciano Del Pilar, na author din ng Mi Amore, 'yung Historical Fiction?"

"Ahh!" Sabay-sabay na nagtanguan ang mga kaklase ko. Pimagmasdan ko ang obra. 'Yung lalaki, nakayakp sa babae pero nakatalikod 'yung babae eh. Kamukha ng tour guide namin 'yung lalaki sa obra. I think ako lang 'yung nakanotice since ako 'yung nasa unahan.

Matangkad din si Kuya mong boy, medyo brown 'yung kutis niya pero okay lang 'yun hindi naman nabawasan ang pagkapogi niya. Ano daw? Bakit ko ba kinocomplement ang lalaking ito eh hindi ko nga siya kilala?

"By the way, I am kuya Sean and I am your tour guide for the day." Ngumiti siya dahilan upang mas lalong madepina ang kagwapuhan niya. Alam niyo, artistahin ang datingan niya.

"Ang pogi ni kuya Sean 'no? Kung hindi ako papalarin kay Prof Leonardo, diyan na lang ako!" Natatawang saad ni Claire na nasa tabi ko. Mahaba na kasi 'yung pila so may second batch ng pila pero hindi maliit si Claire gaya ko.

"Well ako, sorry not sorry. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Prof Lienzo Leonardo sa kahit na sinong boylet!" Natatawang saad ni Mara na nasa harapan ko. Nakakainis talaga 'yung kadaldalan ng dalawa. "Pero I must say na gwapo talaga siya. What do you think, Beauty?"

"Okay lang." Walang ganang sagot ko kunwari pero ang totoo, ang gwapo niya talaga. Nabwisit naman 'yung dalawa sa walang kwentang sagot ko. Nagsimula na namang nagsalita 'yung tour guide pero masyado na akong nagwapuhan para masundan pa ang mga sinasabi niya.

"Ah, Mr. Leonardo, pwede ko bang ishare sa kanila 'yung kwento ng Mi Amore?" Tanong ni Kuya Sean daw. Tumango naman si Prof. Choosy pa ba siya eh iyon nga ang pinapabasa niya sa amin.

Nagsimula na siyang magkwento. Ito ay based from true story daw. "Kilala niyo ba si Hermosa Montealegre? Siya ang asawa ni Graciano Del Pilar at siya din ay isa sa mga binibining lumaban noon para sa ating kalayaan."

"Wow panis pala kayong mga boys eh, partida babae pa 'yan!" Maingay na saad ni Claire sa mga lalaki naming kaklase na puro ML lang 'yung alam. Nagtawanan naman kaming mga girls samantalang g na g naman yung mga boys.

"Oh tama na 'yan." Natatawang saad ni Kuya Sean. Bakit ko ba siya kinukuya eh hindi naman kami magkapatid? I better call him Sean na lang. "Maging si Graciano Del Pilar ay isang Katipunero din. Magkasama silang lumaban noon para sa kalayaan ngunit mabilis lamang ang naging role ni Hermosa Montealegre dahil mayroon siyang personal problems." Nakangiting saad niya.

Ay gano'n? May personal problems din siya? Ngayon, mas naging interesado na ako dahil ang sabi ay based from true story, akala ko fiction lang. Ayaw ko pa naman ng iiyakan ko 'yung isang story na hindi naman totoo.

As the story goes on, masyado na akong nadadala sa kwento. Para bang ako si Hermosa pero hindi eh, imposible. Habang nagkukwento, may mga alaalang bumabalik sa akin. Alaalang parang hindi ako. Iba ang panahon, iba ang aking pangalan, iba ang lahat.

#

Credits:

Flickr. -the photo above.

Mi AmoreDove le storie prendono vita. Scoprilo ora