KABANATA 40

457 90 24
                                    

#40: Kabayaran ni Ama

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Bakit, Talaarawan? Bakit? Bakit kailangang mawala sa akin pati si Kuya Leonardo na siyang natitirang taong tunay na nagmamalasakit sa akin? Siya na nga lang itong kakampi ko, inagaw pa. Maaari namang si Nataniel na lang ang mamatay hindi ba? O hindi naman kaya ay si Padrino. Marami pang masasamang tao diyan sa tabi, bakit si Leonardo pa? Magbabayad ang may kagagawan ng lahat ng ito. Papatayin ko silang lahat! Hindi na ako natutuwa.

Hindi natutuwa, Hermosa.

WALA NA KAMING oras pang magluksa para kay Leonardo kung kaya't tatlong araw lang ay inilibing na agad namin siya. Masyadong masakit ito para sa amin kung kaya't aming pinagdesisyunang siya'y ilibing agad. Aking inaalalayan si Natalia sapagkat maaari siyang makunan sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman.

"Leonaro, bakit iniwan mo agad ako? Hindi mo man lamang nasilayan ang ating anak!" Pagwawala ni Natalia. "Ako'y iyong patawarin sapagkat wala akong nagawa!" Nanatili lamang ang aking mga mata sa puntod ni Leonardo.

"Halina, Natalia." Wala rin sa sariling saad ko. Tila ang kalangitan ay nakikisama sa amin sapagkat hindi rin maganda ang kalangitan at ito'y makulimlim. "Maaari tayong maabutan ng ulan kung hindi pa tayo aalis dito. M-makakasama ito sa iyong magiging anak."

Dahil sa aking sinabi, unti-unting tumango si Natalia. Kanina pa namin inilibing si Leonardo at kaming dalawa na lamang ang natitira dito. Kanina lamang ay maraming nakilibing ngunit inabot na kami ng hapon dito kung kaya't dalawa na lamang kami.

Inalalayan ko si Natalia pasakay sa aming kalesa kung saan ay aming kutsero ay si Graciano. Sa loob ng tatlong araw, nanatiling preso si Ama. Walang gobernadorcillo sa bayang ito sapagkat wala pang napipiling ihahalili ang gobernador-heneral sa aming bayan.

Pansamantala kaming nakikituloy sa mansyon ng mga Legazpi. Inyo bang tatanungin kung bakit? Binawi rin sa amin ang aming mansyon at lahat ng ari-arian na pinaniniwalaang mula sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ni Ama. Maging si Gabrielo ay nanganganib tumalsik sa kaniyang puwesto.

"Ano ang ginagawa niyo dito? Ano naman ang inyong problema sa amin? Hindi niyo ba nakikitang mayroon kaming patay dito?" Galit na saad ni Gabrielo sa biglaang pagpasok ng mga guardia civil sa pangunguna ni Don Padrino.

Sarkastikong tumawa ang don. "Nakikiramay kami sa pagkamatay ng iyong kapatid ngunit ipagpaumanhin niyo ngunit binabawi na ang lahat ng inyong mga ari-arian. Kasama na dito ang inyong mansyon sapagkat ang lahat ng mga ito ay nagmula sa kaban ng bayan."

"Estupido!" Galit na saad ni Gabrielo. Siya ngayon ang nakatatandang Solidad sa amin dahil dalawa na lamang kami dito. Wala si Ama dahil siya ay nasa preso pa rin at hinihintay ang ipapataw na parusa sa kaniya. "Wala ba kayong konsiderasyon? Huwag na muna ngayon!"

"Gabrielo!" Lumapit sa kaniya si Clara at hinawakan ang braso nito. "Hindi makatutulong kung pangungunahan ka ng iyong emosyon. Bakit hindi ka muna kumalma upang maayos niyo ito?" May punto naman si Clara ngunit hindi mo mapipigilan ang galit mo kung si Padrino na ang nasa iyong harapan.

"Aba at mukhang iyong pinaghahandaan na ang pagiging heneral muli ng bayan na ito ah?" Panghahamon ko. Ang mga tao na nakikipaglamay sa amin ay nagbubulong-bulongan. Pasimpleng sinusumpa si Padrino. "Hindi mo ba matanggap noon na si Gabrielo ang pumalit sa iyo sapagkat madalas matalo ang iyong hukbo sa iyong pamumuno?"

Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Hindi ka na talaga magbabago. Bastos kang ipinanganak, bastos ka ring mamatay." Seryoso ang pagkakasabi niya tila na magkakatotoo ito.

"Oo, ikaw ay tama." Sumang-ayon ako sa kaniya na kaniyang ikinagulat. Akala niya siguro ay magpapawindang ako sa kaniya ngunit doon siya nagkakamali. "Lalo na kung ikaw ang papatay sa akin, mamatay talaga akong bastos. Sa katunayan, hindi naman talaga ako bastos sadyang hindi lamang kagalang-galang ang kaharap ko."

Mi AmoreWhere stories live. Discover now