KABANATA 16

937 207 76
                                    

#16: Ikakasal Na

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kung hindi, ayos lang may nagmamahal naman na sa akin. Iyong tanungin kung sino, iyong tanungin kung sino. Sino? Walang iba kung hindi si Graciano! Oo! Ano? Ako'y nagsisinungaling? Hindi! Mahal niya talaga ako, kaniyang inamin sa akin! Oo nga! Bakit nama ako magsisinungaling sa iyo, sinungaling ba ako? At saka isa pa, hindi ko rin naman lolokohin ang aking sarili. Oo nga, nakakainis ka na ah? Nagsasabi nga ako ng totoo! MUKHA BA AKONG SINUNGALING HA? SUNUGIN KAYA KITA! HINDI NA AKO NATUTUWA SA IYONG TALAARAWAN KA AH!

NAGAGALIT, HERMOSA

Maaga akong nagising dahil maganda ang aking tulog kahapon kung kaya't maganda din ang aking gising ngayon. Ako ay nagsusuklay na ngayon dahil ako'y tapos na maligo at ngayong araw ay Linggo, kami ay magsisimba.

Aking itinali ang aking kulot buhok na abot hanggang siko. Ito ay aking ipinusod upang maganda at maayos akong tingnan. Naglagay din ako ng kaonting kolorete sa aking mukha at sa aking labi.

"Hermosa, ako ito, si Gallardo." May kumatok sa aking pinto. Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan niya. Nagising na siya, sa wakas! Malugod kong binuksan ang aking pinto. Sa sobrang tuwa ko ay siya'y aking nayakap.

"Nagagalak akong makita kang muli." Naiyak ako sa kaniyang balikat. Agad kong naalala na hindi pala ito kaaya-aya kaya agad akong lumayo. Ngumiti ako sa kaniya. "Ako'y nadala lang ng aking emosyon."

"Halina at tayo'y bumaba na! Ang ating pamilya ay hinihintay na tayo sa baba." Kaniyang inialay ang kaniyang kamay para sa akin. Tinanggap ko iyon upang sabay kami makababa. "Siya nga pala,"

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. Ano man ang kaniyang sasabihin ay wala akong alam ngunit nais kong ngumiti. Kahit pa may posibilidad na hindi maganda ang kaniyang sasabihin. "Ano iyon?"

"Aking napagtanto na nais ng ating mga ama na agad nang maituloy ang kasal." Malungkot na sabi niya pakatapos ay tumingin siya sa sahig. "Iyong ipagpaumanhin na hindi ko napigilan ang pagpapakasal ko sa iyo."

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Ano ka ba naman, Gallardo? Ikaw ay walang kasalan. Aking naiintindihan na mapait ang iyong karanasan sa iyong dating kasintahan kung kaya't ika'y walang balak na ipaglaban pa ang pagmamahalan niyo."

"Hindi... ako'y patawarin mo pa rin sapagkat ikaw ay aking pinaasa. Pinaasa kitang tutulungan kita" Hindi na siya ngayon makatingin ng diretso sa akin. "Maaring... mauwi ka na ako ang napangasawa." Hinuli ko ang kaniyang mga mata.

"Ika'y tumingin nga sa aking mga mata." Nang siya'y nakatingin na sa aking mga mata ngumiti ako sa kaniya. "Wala pa naman, may oras pa tayo. Habang may oras, may pag-asa. Alam kong ako'y tutulungan mo. Hindi ba?" Inalog ko pa ang kaniyang balikat kahit na hanggang dibdib niya lang ako.

"S-sa susunod na Linggo na tayo ikakasal. N-nais nga ng aking ama na huwag saibihin sa iyo at gawin itong surpresa." Napaatras ako sa kaniya nang bahagya. Aba at may balak pa ang balbas saradong iyon na ako ay sorpresahin? Baka siya ang masorpresa sa gagawin ko. Anong gagawin ko? Sikreto! Kaya nga sorpresa eh.

Ngunit sandali ano daw? Ikakasal na agad ako sa kaniya? Hindi, mawawalan ako ng oras na gumawa ng paraan. Nais ko mang tumakbo, umalis, tumakas ngunit hindi ko alam kung paano. Wala akong matatakbuhan. Nakakalungkot na katotohanan.

"Maari ka bang magpanggap na wala kang alam? Para sa iyong kapakanan, Hermosa?" Nag-aalalang sabi niya. Bakit? Ano naman kung aking malaman? Alam ba nila na tatanggi ako? Sabagay, totoo naman.

Kami ngayon ay nasa loob ng simbahan. Inyong hulaan kung kaninong pamilya ang aming kasama. Pamilya Montealegre? Kayo ay may tama! Hayst, mayroon pa bang paraan upang ako ay makatakas sa kalokohang ito? Napatingin ako kay Gallardo.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now