KABANATA 28

730 134 55
                                    

#28: Walang Sala

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Marahil ay magbabago ako ngunit ang panimula kong iyan ay hindi magbabago. Alam mo bang napakulong na namin si Nataniel? Marapat niyang harapin ang parusang para sa kaniya at dapat niyang pagsisihan iyon. Mabuting tao si Ina pagkatapos ay ipapapatay niya lamang? Eh bakit hindi na lamang siya mamatay? Ah oo nga pala, ang aking mga kaibigan, alam na nila ang tungkol sa amin ni Graciano nakakalungkot isipin ngunit hinusgahan lamang nila kami. Aking ipagmamalaki na sinagot ko pala si Don Padrino. Pinakitaan ko siya ng tunay kong ugali at dahil doon, mas lalong lumaki ang agwat sa aming pamilya ngunit wala akong pakialam doon.

Walang pakialam, Hermosa

KINABUKASAN, maaga kaming bumyahe nina Leonardo't Graciano para kami ay pumuntang Maynila. Ako ay ganap ng sasali sa aming samahan at ako'y mag-eensayo na rin. Ayaw ko na ng ganito, ayaw ko ng maging mahina.

"Talaga? Iyong sinagot si Don Padrino?" Gulantang na saad ni Leonardo habang kami ay nasa barko. Paulit-ulit niya itong tinatanong at hindi na ito nakakatuwa. Inis ko siyang binalingan.

"Mangmang ka ba? Paulit-ulit? Nakakainis ka na ah? Nais mo bang itulak kita riyan?" Itinuro ko ang dagat. Kami ngayon at nasa tuktok ngayon ng barko.

"Mainitin talaga ang ulo ng Señorita ko. Señor Leo, huwag mo na kasing ulit-ulitin pa, ang mahal ko'y hindi na natutuwa." Nakangiting saad ni Graciano sabay hawak sa aking baywang. Hinampas ko ang kaniyang kamay at galit na bumaling sa kaniya.

"Huwag ka ng magalit pa sa kaniya, Hermosa, matagal ko ng alam na kayo na. Ikaw lamang itong malihim sa akin at hindi mo sinabi sa aking kayo na pala. Ikaw ha, akala ko pa naman na ako ang pinakamalapit kong kapatid ngunit tingnan mo nga naman at si Siyanong pa ang nagsabi sa akin."

Sinamaan ko siya ng tingin. Silang dalawa pala, sinamaan ko ng tingin. "Bakit hindi mo ito sinabi sa akin ha? Dapat ay sabay na tayong nagsabi. Nakakadalawa ka na, noong una ay kay Ina. Ngayon ay kay Leonardo. Nagmumukha akong malihim eh!" Galit na sabi ko kay Graciano.

"Tunay naman na ika'y malihim kaya ako na ang nagsabi-- ARAY!" Sigaw niya matapos kong kurutin ang kaniyang tagiliran. Natatawa naman siyang tumingin sa akin.

"Ikaw Hermosa, masiyado kang sadista! Kapag si Siyanong ay nagsawa sa iyo bahala ka. Akala mo naman maganda ang iyong hitsura eh mukha ka ngang tinapa!" Natatawang saad ni Leonardo. Dahil sa galit ko ay malutong ko siyang binatukan. Nagtawanan lamang sila.

"Talagang palayaw pa ang inyong tawagan ha? Bakit kayo ba ay malapit sa isa't-isa? Kayo ba ay magkaibigan, ha? Magkababata ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ko sabay umirap sa kanila.

"Aba at naninibugho ka ba dahil kami ay nagtatawagan gamit ang aming palayaw? Pati ba naman lalaki ay iyong pinagseselosan? Ibang klase talaga ang aking kapatid!" Si Leonardo.

"Kung iyong nais, gagawan ka rin namin ng palayaw, Hermosa. Ano nga ba ag maganda?" Napaisip si Graciano. "Hermang? Momo? Sasang? Sasa?" Agad akong nainsulto sa kaniyang mga inimbentong pangalan na talaga namang nakakawala ng ganang makipag-usap sa dalawa.

"Sasa na lamang!" Nakangiting saad ni Leonardo at nakakalokong tumingin sa akin. "Medyo hawig iyon kay Sisa sa nobela ni Gat. Jose Rizal, iyong baliw!" Nagtawanan sila ngunit ako ay hindi.

Hindi dahil sa tinawag nila akong Sisa na baliw sa nobelang ginawa ni Gat. Jose Rizal, ngunit dahil pinagtawanan nila si Sisa dahil siya ay BALIW. Kapag ba ikaw ay may sakit sa pag-iisip dapat bang pagtawanan ka? Hindi ba dapat ay tulungan ka?

-

Aming narating na ang Kalye Azcarraga, sa Tondo Maynila kung saan nakapuwesto ang Katipunan. Handa na akong lumaban para sa kalayaan at para sa aking ina. Akmamg papasok na sana ako ngunit hinawakan ni Leonardo ang aking kamay.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now