KABANATA 36

492 100 11
                                    

#36: Kalimutan

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Masasabi kong bilog ang mundo at ngayon ay nabaligtad na ito. Kami ngayon ay nasa baba na at haharapin ni Ama at Gabrielo ang kasong rebelyon. Hindi man sila tunay na kamiyembro ng rebelyon ngunit alam natin na hindi talaga sila inosente. Alam natin na mayroon silang mga pinapatay, may masama mang ginawa o inosente ang biktima ay wala silang pakialam ngunit kahit ganoon hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang mamatay sila sa paraang garrote kaya gagawa ako ng paraan upang makalaya sila.

Gagawa ng paraan, Hermosa

ALAS QUATRO ng hapon, napagdesisyunan kong magtungo sa Cavite upang makipagkita sa kanilang heneral na si Tolentino. Kakapalan ko na ang aking mukha dahil wala na akong maipagmamalaki pa.

Aking kasama ngayon sina Natalia at Clara na umaalalay sa akin ngayon. Nag-aalala rin si Clara para sa kaniyang Nobyo kung kaya't narito siya upang manghingi din ng tulong. Si Mang Ermando ang aming kutsero ngayon.

"Magandang hapon." Nagbigay galang ako sa guardia civil nasa unahan. "Nariyan ba ang inyong heneral?" Magalang na tanong ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi nakikipag-usap nang basta-basta ang aming heneral. Kung maaari sana ay iyong ibigay ang inyong pangalan." Seryosong sabi ng guardia. Inirapan ko siya dahil sa inis. Hindi ba niya ako kilala? Kung sabagay, Cavite ito at hindi ito basta-bastang lugar. Lalong lalo na hindi ito bayan ng San Jose.

"Ako si Hermosa Solidad, kaniyang mapapangasawa." Matapang na sabi ko. Kinunotan lang niya ako ng noo. Marahil ay nagulat siya dahil kanina lamang ay ang hinhin ko kung makabati ako sa kaniya. Ganito talaga ang ugali ko, pabago-bago.

Umalis na ang guardia upang pumasok sa loob. "Tunay na malaking tao ang iyong mapapangasawa, Hermosa. Masaya akong sa kaniya ka babagsak. Hindi siya basta-bastang tao na talaga namang nababagay sa inyong pamilya." Sabi ni Clara.

Tumango na lang ako sa kaniya dahil ayaw kong makipagtalo. Si Natalia naman ay nasa aking kanan lang at tahimik na naghihintay. Maya-maya pa ay lumabas na ang guardiang kinausap ko kanina kasama si Tolentino. Agad siyang napangiti ng ako'y kaniyang nakita.

"Nandito pala ang aking mahal na asawa!" Masayang sabi niya. Napangiwi naman ako, hindi ko ito kakayanin kung araw-araw ganito ang sasalubong sa akin ngunit wala na akong magagawa. Kailangan kong kayanin para sa aking pamilya.

Lumapit siya sa akin at hindi ko inaasahan ang kaniyang pagbeso. Nakakadiri eh, ngunit wala akong magawa kung hindi ang tiisin iyon. Pakitang-tao akong ngumiti sa kaniya.

"Maaari bang sa loob tayo mag-usap?" Ayaw ko kasing may ibang taong makarinig ng aming usapan. Ang mga guardia akala mo'y tahimik na nagbabantay at walang naririnig iyan ngunit ang totoo ay nakikitsismis din iyan.

Tiningnan niya ang aking mga kasama at nginitian niya ito. "Kung iyan ang gusto ng asawa ko, maiiwan na muna namin kayo." Agad niya akong inakbayan papasok sa kanilang kampo. Ang bigat ng kaniyang braso at kay sarap nitong putulin.

Nang makarating na kami sa kaniyang pribadong lugar, agad akong humarap sa kaniya. "Tulungan mong makalaya sina Ama at Gabrielo." Seryosong sabi ko sa kaniya. Walang makikitang kahit anong ekspresyon ang aking mukha ngayon.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. "Tulungan sila? Bakit sila ba ay nakulong sa inyong bayan? Hindi ba at ang iyong ama ay gobernadorcillo at ang iyong kuya ay heneral? Paanong--"

"Inakusahan sila ng rebelyon." Pinutol ko na ang kaniyang sinasabi dahil wala akong panahon upang makipag-usap ako sa kaniya ng mahaba.

"Rebelyon? Hindi ba at tapat sa serbisyo ang iyong ama at iyong kuya? Paanong nagkaroon sila ng kasong rebelyon? Mabigat na kaso iyan ah? Paniguradong sila ay papatayin." Gulantang na sabi niya tila ba'y naduduwag siya sa mangyayari sa aking pamilya.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon