KABANATA 25

796 159 55
                                    

#25: Paalam

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Alam mo ba, kami na ni Graciano. Oo, kami na talaga siya'y aking sinagot na kahit hindi pa niya ako hinaharana. Sa aking palagay ay iba-iba naman ang paraan ng mga ginoo upang mapasagot nila ang isang Binibini. Bakit, iyong ibang mga ginoo ba kaya akong iligtas gaya ng ginawa ni Graciano? Nakausap ko na rin pala si Natalia. Hindi totoo ang pagtataksil niya kay Gallardo, mahal niyang tunay si Gallardo. Ang aking Ina, Talaarawan. Ang aking Ina... ako'y iniligtas niya. Ngayon, siya'y napahamak na dahil sa akin.

Nalulungkot, Hermosa

"Ina!" Sigaw ko. Hindi pa nakuntento ang ginoong iyon at binaril pa si ina ng apat na beses na sunud-sunod pa. Nakita kong napangiti na lang si Ina habang sa akin ay nakatingin.

Dahil sa nangyari tila ba ay lumakas ako. Oo, ako'y lumakas dahilan upang itulak ko ang masculadong lalaki at lapitan si Ina. Aking hinawakan ang kaniyang ulo ngayon.

"Ina, ika'y lumaban. Kailangan ka pa ng bayang ito, kailangan pa kita, kailangan ka pa namin." Nanginginig na ang mga boses ko ngunit mahihimigan mo ang galit roon.

Akmang may lalapit pa sana sa aking isa pa sa mga ginoo ngunit si Graciano ay kumilos na rin. Sa aking palagay ay mas lalo siyang lumakas gaya ng nangyari sa akin. Ang aking damdamin kasi ay nagbaga kung kaya't ako'y nagalit na at lumakas na.

Tunay na hindi mo na makikilala ang iyong sarili kapag ika'y nagagalit. Tila ba ang pinakatatago mong lakas ay nailalabas. Ang mga ayaw mong gawin ay iyong nagagawa.

"Marami naman na akong nagawa, Hermosa at masaya na ako roon. Ikaw, ikaw na ang bahala sa bayang ito. Tulungan mo ang iyong, Ama." Umiiling ako kay Ina habang sinasabi niya ang mga salitang iyon tila ba siya'y namamaalam na sa akin.

May mga dumating na tulong na mga guardia civil na dahil sa nangyari ngunit huli na sila dahil ang aking Ina ay napahamak na.

"Ina, kayo'y huwag ngang magsalita ng ganiyan!" Sigaw ko sa kaniya. Ako'y bumaling kay Graciano. "Graciano, siya'y ating dalhin sa pinakamalapit na pagamutan, para mo ng awa."

Kami ngayon ay papunta na sa aming daan na patungo ng pinakamalapit na pagamutan, sa pagamutan ng mga Montealegre. Ang mga guardia civil na ang bahala sa mga kawatang iyon.

"Ina, ika'y lumaban ha? Tayo'y malapit na!" Kinukumbinsi ko si Ina. Agad naman ng tumigil si Graciano, senyales na nandito na kami sa pagamutan.

"Graciano!" Tawag ni Ina kay Graciano. Binuhat naman ni Graciano si Ina papasok. Nginitian siya ni Ina. "Hindi ko na natitiyak kung ako'y magtatagal pa." Napahagulgol ako sa kaniyang sinabi. "Nais kong ibilin sa iyo ang anak kong si Hermosa. Siya'y iyong mahalin at protektahan, lalo pa't ako'y mawawala na rin." Umiling-iling ako kay Ina.

"Ina iyong itigil nga ang mga pinagsasabi mo!" Ngayon lamang ako nagalit ng ganito kay Ina. Hindi ko matanggap ang kaniyang pamamaalam. Masiyado pa akong bata upang mawalan ng ina at isa pa kailangan ko pa siyang tunay. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa. "Gagaling ka, Ina! Ika'y mabubuhay pa at mamumuhay pa tayo ng masaya!" Sigaw ko.

"Huwag kang mag-alala, Hermosa. Ako'y namuhay na ng masaya. Masaya akong ikaw ang maging anak ko, masaya ako na tinuring akong tunay na Ina ng dalawa mong kuya at masaya ako na ako ang piniling pakasalan ni Juancho. Pakisabi na lamang sa kanila at mahal na mahal ko kayong lahat." Bumaling siya kay Graciano. "At ikaw, ika'y aking binabasbasan na bilang mapapangasawa na ng aking anak." Nawalan na ng malay si Ina.

"Ano pang ginagawa niyo? Inyong ipasok na sa loob si Ina!" Sigaw ko sa mga nars dahil sila'y nakatulala lamang at nakinig sa mga sinabi ni Ina.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now