KABANATA 41

443 78 16
                                    

#41: Anak ni Leonardo

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Batid kong matatapos din ang aming mga paghihirap. Masakit mawalan ng ina, kuya at ama at alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? Lahat sila ay pinaslang at hindi sila pumanaw dahil sa katandaan. Hindi tuloy mawala sa aking isipan ang katanungang paano na lamang ako kung wala na rin si Gabrielo. Hindi naman sa sinasabi kong papaslangin din si Gabrielo ngunit hindi imposible iyon lalo na't isa siyang heneral. O baka naman ako ang paslangin. Hindi ako sigurado.

Hindi Sigurado, Hermosa.

LUMIPAS ANG isang linggong pagkamatay nina Leonardo at Ama, nawawalan na akong ganang mabuhay. Pakiramdam ko ay wala ng dahilan upang magpatuloy pa sapagkat kami ay talo na sa larong ito.

Pumasok sa aking silid si Nara at dinalhan niya ako ng agahan. Simula noong mawala na sa amin ang mansyon, bukas palad kaming tinanggap ng pamilya Legazpi dito sa kanilang mansyon, nakakahiya man ngunit kami ay nakikituloy na ngayon sa kanila.

"Hindi ka na naman kumain ng agahan." Panimula ni Nara. Inilapag niya ang kaniyang dalang lugaw at gatas sa isang lamesa dito sa silid na aking tinutuluyan. "Ika'y namamayat na."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. "Salamat." Tanging nasabi ko. Umupo siya sa tabi ng aking kuwadra. Marahil ay magandang pagkakataon na ito upang siya'y aking tanungin dahil ilang araw na akong binabagabag nito. "Nara, wala ka bang sama ng loob sa amin?" Kumunot ang kaniyang noo sa aking tanong.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tila hindi niya naiintindihan ang aking tanong. Kaya ko naman iyon itinanong ay dahil ilang araw na kaming nakatira dito at hindi ko nararamdaman ang galit ng kanilang pamilya sa amin. Si Ama ang nagpapatay sa kanilang padre de familia, ngunit kami ay kanilang pinatuloy dito.

"Tungkol ito sa aking ama." Pangdidiretsa ko sa kaniya. "Pakiramdam ko ay hindi kami dapat na tumuloy sa inyong tahanan sapagkat kay laki ng ginawang kasalanan ng aking ama sa inyong pamilya." Nakayukong saad ko.

Lumapit naman sa akin si Nara at inilagay niya ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga. "Hermosa, tumingin ka sa akin." Seryosong saad niya. Tiningnan ko naman siya sa kaniyang mga mata at siya ay ngumiti.

Nakakalungkot isipin na ang isang inosenteng kaibigan ko ay nakaranas ng kalupitan ni Ama. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung ito ay pinaslang at hindi namatay ng dahil sa katandaan o sa sakit.

"Anuman ang kasalanan ng iyong ama ay wala iyong kinalaman sa iyo at kay Señor Gabrielo. Malugod kaming tinatanggap kayo sa aming mansyon." Ngumiti siya at makikita doon ang sinseridad. "Oo, ako'y nagalit kay Señor Gobernadorcillo ngunit wala na kayong kinalaman doon. Lalo na ikaw sapagkat mahal kita hindi lamang bilang isang kaibigan kung hindi bilang isang kaptid."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Masarap pakinggan iyon lalo na kung galing kay Nara na mahal na mahal ko rin, hindi ko lamang naipapakita nang maayos. "P-patawad! Patawarin mo ako sapgkat siya ay aking ama." Umiiyak na sabi ko. Hinagod niya lamang ang aking likuran.

ALAS TRES NG HAPON, aming napagdesisyunang maglibot sa bayan. Pansamantalang, wala pang gobernadorcillo sa aming bayan ngunit mayroon ng mga tumatakbo bilang kapalit ni Ama.

Nais naming maglibot muna nina Nara at Clara, nakakalungkot lamang sapagkat wala na sa amin si Pamela. Masaya pa naman kasama ang batang iyon. Hindi ko lamang alam kung may balita na ba si Graciano sa kaniyang pamilya o wala pa.

"Mamaya na ang unang araw ng simbang gabi!" Masayang saad ni Clara habang kami ay kumakain sa isang panciteria dito sa aming bayan. Kasama din pala namin ngayon si Graciano bilang aming kutsero at aming bantay na rin. Mukhang hindi naman na siya pinaghahanap ng mga guardia.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now