KABANATA 14

950 213 118
                                    

#14: Away

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Heto ako at ligtas na nakabalik, pasalamat kay Graciano na minamahal ko. Ngunit may sama din ako ng loob sa kaniya. Kasi naman, miyembro siya ng isang samahan na dumakip sa akin. Gaano kasakit 'yon sige nga?

Nasasaktan, Hermosa

MAAGA akong nagising kinabukasan at aking dadalawin si Gallardo. Kawawa rin ang taong iyon dahil hinampas siya ng tubo. Gaano kasakit 'yon? Gusto niyo bang malaman? Lumapit kayo sa akin at kayo'y hahampasin ko.

"Kamusta, Señorita?" Tanong ni Graciano na akala mo ay walang nangyari. Tiningnan ko lang siya at wala naman na kaming dapat pag-usapan pa. Hindi ko rin naman nais na makausap siya.

"Sa ospital ng mga Montealegre ang diretso natin." Aking sinabi lamang kung saan kami dapat magtungo ngunit hindi ko na siya kakausapin pagkatapos nito.

Iniisip ko, aking itutuloy na ba ang kasal? Parang gusto ko kasi na hindi eh. Paano ba? Ang hirap ipaliwanag! Gusto ko kasi iyon ang gusto ni Gallardo. Nakakaawa din naman siya tsaka mukha namang maayos siyang tao kaya gusto ko na rin.

Ayaw ko kasi hindi ko naman siya mahal tsaka may inaasahan pa ako 'yung isa diyan. Napatingin ako kay Graciano na nagpapatakbo ng kabayo. Inalog ko ang aking ulo sapagkat kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Pagkadating namin sa ospital ay hindi ko pa rin kinakausap si Graciano dahil wala din naman kaming pag-uusapan at ayaw ko siyang makausap dahil wala rin akong ganang makipag-usap. Kuha niyo?

"Nasaan si Señor Gallardo?" Tanong ko sa isang binibini na manggagamot dito. Tiningnan niya ako at nginitian. Mukhang ako'y kaniyang kilala kasi kung maka ngiti siya ay aakalain niyong kami ay magkaibigan.

"Dito po Señorita!" May itinuro siyang silid. Tinanguan ko na lang ang binibining iyon at dumiretso na sa silid. Nakita kong naroon nga si Gallardo ngunit wala pa rin siyang malay. Nagbabantay sa kaniya ang kaniyang kuya Rodrigo.

"Mahal mo ba ang aking kapatid?" Nagulat ako sa biglaang pagtatanong niya. Seryoso niya akong tiningnan. Naglahad siya sa akin ng silya upang ako'y maupo doon. Nahihiya man ay umupo pa rin ako do'n.

"Bilang kaibigan." Pagiging totoo ko. Aba at hindi ako sinungaling, ano! Ako'y sabihan niyo ng mangmang, pangit, mabaho, magaspang ang ugali, ayos lang ngunit ako'y sabihan niyo ng sinungaling? Sasampalin ko talaga kayo ng todo.

Naalala ko tuloy noong kabataan ko. May nakaaway akong kalaro ko rin, Tati ang pangalan naalala ko eh. Aba, sinungaling daw ako! Ako'y nataya niya daw eh hindi nga dumidikit sa akin kahit na ang kaniyang kuko. Ayun tuloy, siya'y aking sinampal akala niya ha!

"Kung gayon, nais mo ba siyang pakasalan?" Seryosong tanong ni Rodrigo. Tumingin siya sa kaniyang kapatid gamit ang matang awang-awa. Napatingin din ako sa kalagayan ng kaniyang kapatid na hanggang ngayon ay wala ngang malay. Nakakaawa ngang tunay.

Ay, nagsisinungaling din pala ako ngunit hindi ganoon kadalas gaya na lamang kahapon nang tanungin ako ng mga guardia. Ako'y nagsisinungaling lang naman kung kinakailangan. Ako'y nakukuha niyo ba? Siguro naman ay nakapag sinungaling na din kayo. Huwag na kayong mahiya at umamin na.

"Hindi, ayaw ko." Seryoso ding saad ko sa kaniya at buong tapang na tiningnan siya sa mga mata. "Paano ko naman mamahalin agad ang taong hindi ko naman kilala at nakilala ko lamang dahil ipinakilala ni Ama na magiging asawa ko na agad?"

"Kung gayon, dapat na itigil ang kasalang ito." Seryosong sabi niya. Kung titingnan niyo si Rodrigo, inyong mapapansin na siya talaga ay mas matanda kay Gallardo dahil sa kaniyang hitsura at laki ng katawan. Mas mukha pa nga siyang may edad kaysa kay Nataniel iyon siguro ay dahil sa kaniyang trabaho.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon