KABANATA 13

971 221 146
                                    

#13: Samahan

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kung hindi pa, mahalin mo na ako dahil baka magsisi ka sa huli! Maaring ito na ang iyong huling pagkakataong mahalin ako sapagkat aking nakikita na ang aking kamatayan. Sa kasamaang palad, hindi tayo magkasama ngayon at sa aking isipan ko lamang iniisip kung ano ang aking isusulat sa iyo. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ito sa akin ni Graciano.

Hindi Makapaniwala, Hermosa

ISANG malakas na sampal ang inabot niya sa akin matapos kong makita ang kaniyang mukha. Lumandas na sa aking pisngi ang maiinit kong mga luha, hindi ko ito kaya.

"B-bakit mo sa akin ito ginagawa? A-ano ang ginagawa ko dito?" Mahinang sigaw ko sa kaniya. Hindi na ako makasigaw nang malakas sapagkat naubos ang aking lakas. Ang taong minahal ko nang sobra at totoo ay kaya akong ilagay sa kapahamakan.

"I-ipagpaumanhin ninyo, Señorita, ngunit kung maari ay kayo'y huwag lumikha ng ingay. Maari tayong marinig ni Julio. Huwag kang mag-alala at ika'y itatakas ko dito--"

"Itatakas?" Mapait akong natawa sa kaniya. "Paano mo ako itatakas kung ikaw mismo ang nagdala sa akin sa kapahamakan? Hindi kita maintindihan, Graciano. Akala ko ay magkaibigan tayo!" Isa pang sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Namanhid ang aking palad sa lakas ng aking sampal. Pinapatunayang makapal ang kaniyang mukha.

"Hindi ako ang nagdala sa iyo sa kapahamakan, Señorita! Ikaw ay aking inilayo ngunit tayo ay naabutan nila. Hi-hindi ko sila kaya dahil sa dami nila kanina." Natawa ako sa kaniyang dahilan. Lumusot pa nga ang ginoong ito.

"Kung gayon, bakit mo kilala ang mga tao dito?" Seryoso akong napatitig sa kaniya. "Bakit ka narito at dinalhan mo pa ako ng pagkain. Alam mo? Ikaw ay kasabwat eh! Ayaw mo lang umamin!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ang iyong boses, Señorita!" Pinahinaan niya ang aking boses. "Señorita mahabang kuwento. Ang kailangan mo lang ngayong gawin ay pagkatiwalaan ako. Pagkatiwalaan mo naman ako, Hermosa oh?"

Siya ay aking tinawanan. "Ika'y aking pinagkatiwalaan, Graciano! Ngunit ano ang iyong ginawa? Iyong sinayang lamang! Kaya ngayon ay huwag mo akong sasabihang pagkatiwalaan kita sapagkat patawad, wala na akong tiwala sa iyo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ano ang nangyayari dito?" Biglang bumukas ulit ang pinto at isang ginoo na naman ang nagpakita. Hindi na iyong mataba kanina, iba na ito. Sa aking palagay ay nasa edad 40 taong gulang siya pataas.

"Ah, Ginoong Fidel! Inyong ipagpaumanhin ang iniaasta ng Señoritang ito. Siya ay tunay na bayolenteng talaga. Kahit ang kaniyang ama ay walang magawa dito." Nagulat ako sa sinabi ni Graciano. Ang kapal niya naman upang mag-imbento ng kuwento.

Ano ba ang kaniyang inaakala? Siya ay isang manunulat? Ako nga, hindi pa ako manunulat pagkatapos siya ay uunahan pa niya ako? Makawala lang talaga ako dito, siya'y aking ipapapatay.

"Kung gayon ikaw na ang nararapat na magdisiplina sa kaniya dahil ikaw naman talaga ang lubusang nakakakilala sa anak ng hayop na 'yan!" Dinuro pa ako ng lalaking ito. Aba at iniinsulto ba niya ako?

"Mas hayop ka! Ikaw nga ay mukhang unggoy na nawawalan ng saging eh!" Reklamo ko sa kaniya dahilan upang samaan niya ako ng tingin. Akmang lalapit siya ngunit nagsalita si Graciano.

"Ako na ang bahala sa kaniya, Fidel." Mariing sinabi niya sa akin. Tumango na lang sa kaniya ang Fidel na iyon at padabog na lumabas. "Bakit mo ginawa iyon?" Galit ang mga mata niya sa akin.

"Iyong?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Ang kapal talaga ng isang ito para magalit sa akin. Para sabihin ko sa kaniya, ako ang may karapatang magalit sa aming dalawa. Siya ang nagdala sa akin sa kapahamakan.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now