GRACIANO I

457 78 28
                                    

GRACIANO
Unang Bahagi

Bata pa lamang ako namulat na ako sa katotohanang hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. Minsan, kung ano pa 'yung ayaw nating mangyari, iyon pa ang nakatadhana sa ating mangyari. Labag man sa ating kalooban ngunit iyon ang mangyayari. Alam niyo kung bakit? Hindi kasi tayo ang may kapangyarihang baguhin ang tadhana.

Gaya na lamang noong pitong taong gulang pa lamang ako. Ayaw na ayaw kong masaktan si Ina sa kahit na anong paraan ngunit tingnan niyo at siya pinatay at ang masaklap pa nito, ang aking ama ang pumatay sa kaniya.

"Ina! Ina!" Iyak ko nang madatnan kong walang buhay si Ina sa aming tinutuluyang bahay kubo. Kakauwi ko lamang, galing ako sa simbahan upang magtinda ng mga sampaguita.

Ayon sa aming mga kapit-bahay, ang mga guardia personal daw ng mga Montealegre ang bumaril ng ilang beses kay ina. Napag-alaman daw kasi ni Doña Leonora ang tungkol sa amin kung kaya't napagdesisyunan ni Don Padrino na ipapatay na lamang kaming dalawa.

Ikinumpirma din ni Ginoong Isko na si Don Padrino nga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Mayroon daw siyang kasamahaan na nagtatrabaho sa palacio ng Montealegre kung kaya't narinig nito ang usapan.

Naiintindihan ko naman ang galit ni Doña Leonora. Kaibigan niya ang aking Inang Daniela pagkatapos ay malalaman niyang may anak si Don Padrino dito? Kahit na ganoon, hindi naman sapat na dahilan iyon upang kanilang ipapatay ang aking ina dahil hindi naman siya ang may kasalanan. Wala siyang sala.

Una sa lahat, hindi gusto ni Ina si Don Padrino sapagkat asawa siya ng kaniyang kaibigang si Doña Leonora. Pangalawa, walang kalaban-laban si Ina sa Don at Doña na siyang kaniyang pinagsisilbihan. Pinagsamantalahan ng Don ang kahinaan ni Ina.

Ang ginawa na lamang ni Ina ay ginawa niyang ninang si Doña Leonora upang makapag higanti kay Don Padrino, ngunit hindi naman talaga iyon naganap. Ang sabi ni Ginang Selda ay hindi dumalo si Doña Leonora sa binyag.

"Mamumuhay ka ng bilang isang Del Pilar ngayon." Nakangiting saad ni Ginoong Isko. Tiningnan ko naman si Ginang Selda at tinanguan niya rin ako at ngumiti siya. "Ikaw na ang aming magiging panganay na anak."

Hindi namin sila kamag-anak ni Ina ngunit matalik niya itong mga kaibigan at talaga namang mapagkakatiwalaan. Napangiti ako nang marinig ko ang balitang iyon.

"Talaga po? Salamat!" Hindi ko na napigilan at niyakap ko na sila. Nawala man sa akin si Ina, may mga tao namang busilak ang mga puso at iyon ay ang mga pamilya Del Pilar. Masaya ako na mapapabilang na ako ngayon sa pamilya nila at balang-araw ay makakatulong din ako sa kanila.

"Nais ko pong mapabilang sa samahang Mabuhay." Seryosong saad ko kay Ginoong Isko. Ang samahang Mabuhay ay isang samahan na ipinaglalaban ang kalayaan mula sa mga Espanyol. Kasapi sa samahan sina Ginoong Isko at Ginang Selda.

"Ngunit anak, napakabata mo pa." Saad ni Ginang Selda. Napayuko naman ako sapagkat tama nga naman siya ngunit hindi ba ako lalaki? Balang-araw ay lalaki din ako at magiging isang ganap na ginoo.

"Pabayaan mo siya, Selda. Ating suportahan ang kaniyang desisyon. Mayroong pinanggagalingan ang bata." Saad ni Ginoong Isko dahilan upang mapangiti ako. Ako ay kaniyang naiintindihan.

Lumaki ako na nagtatrabaho sina Ama at Ina (mga Del Pilar) sa pamilya Solidad, kung saan nakatira si Señor Gobernadorcillo Juancho na talaga namang hinahangaan ko noong una sapagkat marami na siyang natulungan ngunit kalaunan ay aking napag-alaman na may tinatago pala itong baho.

Hermosa Solidad. Iyon ang pangalan ng binibining anak niya na aking hinahangaan sa taglay nitong kagandahan. Bilugan ang kaniyang mukha at maayos na nadedepina ang kaniyang panga. Ang kapal ng kaniyang kilay ay nababagay lang para sa mga kababaihan at ang kaniyang mata ay malalim at kulay kayumanggi. Mahaba din ang kaniyang pilikmata at kulot ang kaniyang buhok na kulay tsokolate din. Maputi siya at iyong mahahalata ang kaniyang pagiging lahing Espanyol. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang kaniyang mga labi.

Mi AmoreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora