KABANATA 6

1.1K 287 189
                                    

#6: Mi Amore

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako, mahal pa rin naman kita ngunit alam mo naman kung sino ang mas mahal ko sa inyong dalawa ni Graciano hindi ba? Ay ito, ako ay may kuwento sa iyo. Aksidente akong napaamin kay Graciano, sa katunayan ako'y nahihiyang lumabas. Ako kaya'y makakalabas pa? Paano kung magbago ang kaniyang pagtingin sa akin? Paano kung ako ay layuan na niya o ituring niya na lang ako bilang amo? Nakakalungkot iyon hindi ba? Puwede bang ako'y mamatay na lang? Ako ay magpapabaril na lang sa aking Kuya Gabrielo o magpapa-garotte sa mga sundalo. O kaya'y magpapakalunod na lang, ahh mali. Ako'y marunong palang lumangoy. Ang hirap naman ng ganito ngunit mas mahirap lumabas bukas sa aking kwarto tiyak pa naman na siya ang aking kutsero.

Nahihirapan, Hermosa

"Nana Selda, ano po bang pangalan ng mga pamilya Montealegre?" Tanong ko kay Nana Selda habang siya ay nagluluto para sa aming agahan. Ako ngayon ay may dalang papel at panulat, akin itong itatabi upang mapag-aralan din ang kanilang pamilya.

Ano ba naman kayo, hindi ano! Hindi ko gusto si Gallardo siya ay aking kaibigan lamang, kayo ay nagpapatawa! Aking nais lamang malaman ang tungkol sa kanilang pamilya upang hindi ako mapahiya at kilala ko sila.

"ANO? Iyong hindi pa nalalaman ang mga pangalan ng iyong magiging pamiya?" Tanong niya. Kaya nga ho ako nagtatanong, Nana eh. Ako ba ay magtatanong kung alam ko na? Mabuti na lamang at ikaw ay ina ng aking minamahal. Sandali, ano ba ang magandang itawag sa iyo, nana Selda o inang Selda? "Hindi maganda iyan!"

Tumango-tango ako sa kaniyang sinabi. Siya ay may punto nga at hindi nga iyon maganda. "Kaya nga po inyong sabihin na ng aking malaman, Nana Selda!" Mahirap na, baka mamaya ay hindi naman pala talaga sila mabubuting tao, ako pa ang makaapi

"Si Don Padrino Montealegre, isa siyang propesyunal na duktor iyan sa Espanya noon, lumuwas lang dito noong siya'y nagpasyang magpamilya na." Inilista ko ang sinabi ni Nana Selda. Siya pala iyong balbas saradong ginoo na nais magpakasal kay Ama. Biro lamang, kayo ay tumawa.

"Siya'y aking sinusulat na, Nana Selda, ika'y magpatuloy na..." aking sinabi habang naglilista. Inilagyan ko pa ito ng alyas na BALBAS SARADO dahil sa kaniyang balbas at bigote.

"Si Doña Leonora naman ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Siya ay yumaman lamang dahil kay Don Padrino. Hindi ko alam kung ito ba ay makakatulong, ngunit siya ay dating bayaran, huwag mo na sanang ipagkalat ito ha? "

Ang galing naman ng aking Nana Selda. Kaniyang sinabi na huwag ko na raw ipagkalat ngunit siya ang nagpakalat nito. Mabuti na lamang at balang-araw ay magiging ina ko siya kaya't hinayaan ko na lang.

Sandali, si Doña Leonora daw ay bayaran? Kaya niya siguro nakilala si Don Padrino. Aking naiintindihan na ang kanilang pamilya. Ano kaya ang gagawing alyas ko sa kaniya? Sa huli aking napagdesisyunang alyas MAALINDOG na lang ang aking ilagay. Hindi ko iyan pinag-isipan ha? Talagang wala lang akong mailagay.

"Si Nataniel Montealegre naman ay isang abogado. Matapang siya gaya ng kaniyang ama, ngunit inilagay niya ito sa legal na paraan. Hindi sa paninira, ngunit maganda kung huwag ka agad na magtiwala sa kaniya."

May punto si Nana Selda. Tayo ay hindi dapat agad-agad na nagtitiwala sa mga taong hindi pa naman natin kilala. Hindi natin alam kung sila nga ba ay mabuting tao o nagpapanggap lamang.

Aking inilagay na sa aking papel ang kaniyang pangalan at trababo. Nilagyan ko siya ng alyas IPAGLABAN MO sapagkat kapag ikaw ay nasa katwiran, dapat ipaglaban mo.

"Si Rodrigo Montealegre ay isa ring abogado. Siya ay naimpluwensiyahan ng nakatatandang kapatid na mag-abogado. Si Nataniel ang naunang mag-abogado, ngunit siya ang mas humusay kung kaya't siya ang mas pinagkakatiwalan ng tao. Si Nataniel rin kasi ay nagduduktor din."

Mi AmoreWhere stories live. Discover now