EPILOGO

830 75 85
                                    

EPILOGO

THIRD PERSON's POV

SAMPUNG taon man ang nakalipas na, ngunit nasa puso pa rin ni Graciano si Hermosa at hinding-hindi na ito mawawala. Sa palagay din ni Graciano ay hindi na siya muling mag-aasawa pa.

Samantala, bumalik naman tayo sa bayan ng San Jose. Ano na nga ba ang nangyari sa bayang iyon? Ano na ang nangyari sa pamilya Montealegre at sa natitirang mag-isang Solidad?

Taong 1902 din, pagkaalis nina Graciano at Hermosa sa bayan, nakamit na ang hustisyang ipinaglalaban ni Hermosa. Dahil namatay na si Don Padrino, wala na siyang nagawa upang maprotektahan ang pamilya niya. Hindi na niya muling naikot pa ang batas, at nakulong na si Nataniel. Naghirap na rin ang pamilya Montealegre kung kaya't lumipat na sila sa ibang lugar. Kasama na rin ang tiwaling si Hukom Hidalgo, natanggal na sa kaniyang puwesto.

Nakulong si Nataniel at napatawan din ng parusang kamatayan dahil buhay ang kinuha, buhay din ang sisingilin. Ipinaglaban na iyon ni Gabrielo na sana ay matagal na niyang ginawa. Pati na ang mga rebeldeng grupo na alagad ni Nataniel ay naparusahan na rin ng kamatayan. Kasama na doon si Julio, na kapatid ni Tatiana.

Si Tatiana naman ay nabulok na sa isla kahihintay kay Graciano na hindi naman na muling bumalik pa. Namatay na rin si Ginoong Luisito kung kaya't mag-isa na lamang sa buhay si Tatiana na hanggang sa kaniyang kamatayan ay hinihintay pa rin si Graciano na hindi naman talaga siya minahal.

Samantala, muli tayong bumalik sa bayan ng San Jose. Si Natalia Solidad ay naging Natalia Montealegre na. Oo, kanilang itinuloy ni Gallardo Montealegre ang pagmamahalan nilang naudlot at si Natalia na rin ang tumayong ina kay Victoria. Bago ikasal si Natalia at Gallardo, nagpaalam muna si Natalia kay Leonardo sa puntod nito.

"Paalam na, Mahal Ko. Huwag kang mag-alala at dadalawin pa rin naman kita dito, ngunit napag-isipan kong kailangan ko ring ikasal muli." Malungkot siyang napangiti sa puntod ni Leonardo. "Sayang at hindi ikaw ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ngunit mahal kita. Itutuloy na namin ni Gallardo ang aming pagmamahalan na naudlot noon."

Si Victoria naman ay gabi-gabing iniiyakan noon si Hermosa noong bata pa siya. Labing walong taong gulang siya nang ipagtapat ni Gallardo na ampon lamang siya. Hindi naman siya nagalit, sa halip ay natuwa pa ito sapagkat kahit kailan ay hindi niya naramdaman na ampon siya. Masaya din siya kasama sina Natalia at Gallardo na kalaunan ay nagkaroon din ng anak na isang babae at lalaki.

Ang pamilya Montealegre, tulad ng pamilya Solidad noon ay lumubog na din. Binawi sa kanila ang kanilang kayamanan ngunit hindi naghirap si Gallardo sapagkat may sarili itong salapi at propesyon na naging dahilan upang maiangat ang sarili at pamilya niya. Tumulong din siya sa pagpapakulong ni Nataniel at pahkakasibak sa puwesto ni Hukom Hidalgo kung kaya't malinaw na hindi niya kakampi ang kaniyang pamilya.

Ang pamilya nina Nataniel at Rodrigo ang lubusang nahirapan pati na ang kanilang matapobreng ina. Panay ang pangungutya at diskriminasyon ang natatanggap ni Doña Leonora at asawa ni Nataniel dahil sa kasamang ginawa ng kanilang mga asawa.

Si Gabrielo naman ay noong umpisa ay nangungulila sa kapatid na hindi nakapagpaalam nang maayos sa kaniya. Naisip niyang wala na siyang pamilya nang siya'y iwanan na ni Hermosa. Kung sabagay, hindi rin naman siya naging mabuting kapatid, naisip niya.

Makalipas ang ilang taong pagiging gobernadorcillo ni Gabrielo ay binitawan na niya ang tungkulin ito dahil hindi na niya kaya ang lahat. Binabalot siya ng matinding kalungkutan sa gabi dahil sa pagpapakamatay ni Clara at hindi pagpapa alam sa kaniya noon ni Hermosa. Patunay na hindi sapat ang pagmamahal niya sa dalawang ito at hindi rin siya pinagkakatiwalaan ng mga ito.

Nalulong na si Gabrielo sa marijuana bago pa siya nakahanap ng bagong napangasawa, si Marisa. Nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki at naging masaya ang kanilang buhay ngunit dahil nagbisyo noon si Gabrielo, matapos ang dalawampung taon kasama ang pamilya nila ni Marisa, ay binawian na ito ng buhay.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now