KABANATA 49

387 75 30
                                    

#49: Paniningil

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Labis akong nalulungkot sa pagkamatay ni Clara. Hindi niya dapat danasin iyon ngunit pinili niya iyon eh, anong aking magagawa? Hindi ko rin maiwasang hindi sisihin ang aking sarili dahil kung pinakinggan ko lamang sana siya ay ayos na ang lahat. Ngunit anong magagawa ko ngayon? Patay na siya. Wala na akong kaibigan. Wala na ang mga taong tumulong sa akin noong walang-wala ako.

Wala ng Kaibigan, Hermosa.

Nagalit sa amin ang pamilya Arcilla dahil sa pagkamatay ni Clara. Naiintindihan ko naman ang galit nila. Mas lubusan silang nagalit kay Gabrielo sapagkat hinayaan niyang magpakamatay ang asawa niya. Ngayon, may lamat na ang relasyon ng aming pamilya sa mga Arcilla.

Naging kontrobersiyal ang pagkamatay ni Clara. Halos ngayon pa lamang naman kasi nagkaroon ng balitang 'nagpakamatay' sa bayan, si Clara pa na kilalang-kilala dito. Isa siyang Arcilla at asawa siya ng isang Solidad.

"Maaaring napabayaan siya ni Señor Gabrielo at hindi minahal nang maayos kung kaya't nagpakamatay si Señora Clara. Sayang at napakabuti pa naman niyang tao." Nagpintig ang aking tainga sa tsismisan sa palengke.

"Anong sabi niya? Paano niyo nasabi na pinabayaan siya ni Gabrielo? Bakit nandoon ba kayo sa mansyon namin? Nakita niyo ba ang mga pangyayari? Makatsismis lang kayo ano?" Isa-isa kong inirapan ang mga tao sa palengke na pinag-uusapan sina Clara at Gabrielo.

Isa-isang nag-alisan ang mga nagtsitsismisan. Inis akong umuwi sa aming mansyon. Pagkadating ko pa doon, si Gallardo ay umalis na dahil kailangan na siya sa ospital, naiintindihan ko naman iyon. Si Victoria naman ay natutulog pa ayun kay Nene, isa sa aming mga kasambahay.

Magluluto na sana ako sa kusina ngunit napatigil ako nang aking makita si Gabrielo sa aming terasa. Ang aga-aga, gumagamit ng marijuana. Agad naman nagliyab ang galit sa aking puso. Isang linggo na siyang ganito, simula noong nagpakamatay si Clara.

Piningot ko agad ang kaniyang tainga. Kunot-noo niya naman akong binalingan. "Ang aga-aga, Gabrielo, nag-aadik ka! Sabihin mo na lang sa akin kung gusto mo ng mamatay, ako na papatay sa'yo!" Galit na saad ko.

"Ano bang pakialam mo! Magluto ka na nga lang doon at huwag mo na akong pakialamanan. Hindi mo naman alam ang pinagdadaanan ko eh!" Pagod na pagod na sabi niya. Wala sa sarili naman akong napairap sa kaniya.

"Alam mo? Isa kang talunan! Baka nga totoo ang sinasabi ng mga tao na wala kang kwentang asawa kung kaya't nagpakamatay si Cla-- aray! Ano ba? Masakit!" Sinakal ako ni Gabrielo, galit na galit at gigil na gigil.

"Mahal na mahal ko si Clara, Hermosa. Paano niya nagawa sa akin ito? Bakit niya ako iniwan? Mahal na mahal ko siya eh! Sana pinag-usapan namin ito." Naiiyak na sabi niya. Binitawan na niya ang pagkakakasakal sa akin.

"Isipin mo na lamang na nasa kapayapaan na si Clara." Ngunit kahit ako, hindi ko maisip iyon. May napupunta ba sa langit matapos magpakamatay? Sana mayroon. "Ikaw naman, gawin mo ang lahat upang ipagmalaki ka ni Clara. Binabantayan ka pa rin noon kahit patay na siya."

"Hindi sapat iyon, Hermosa." Napapaos na saad niya. "Iba pa rin iyong nasa tabi ko siya, iyong nahahawakan, iyong nararamdaman, iyong naririni--"

"Magpakamatay ka rin kung ganoon para dalawa na kayo!" Galit na saad ko. Kinalma ko ang aking sarili at binalingan siya. "Makinig ka sa akin, kung ayaw mong magtino, para mo na ring pinatay ang sarili mo. Tigilan mo ang pagamit ng marijuana!" Galit na sabi ko. Talagang nagmumukha na siyang mahina. "Kung ayaw mong makinig, huwag mo! Basta nagsabi na ako sa'yo!"

Iyon lang at iniwan ko na siya. Narinig ko siyang humagulgol pag-alis ko. Talagang malala ang tama niya kay Clara. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagkalabuan gayong maayos naman ang pagsasama ng dalawa. Marahil ay dahil ito sa pagkamatay ni Nara. Tingnan mo ang ginawa mo, Nara. Kontrabida ka talaga sa buhay namin.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now