KABANATA 33

588 115 88
                                    

#33: Kasal ni Leonardo

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Tuloy na tuloy na talaga ang kasalang Leonardo at Natalia. Hindi naman sa ayaw ko kay Natalia ngunit aking iniisip lamang si Nara. Inilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya. Ako ba, kaya ko bang makitang ikasal si Graciano sa ibang binibini? Ang masaklap pa ay sa kapatid pa niya. Hindi ko naman alam iyon sapagkat wala naman akong kapatid na babae. Ito kasing si Don Ramon ay namatay pa eh! Hindi ko pa nga nasasabing si Nara na lang ang ikasal kay Leonardo eh.

May Hindi Nasabi, Hermosa

ARAW NG LINGGO, ikakasal na ngayon sina Leonardo at Natalia sa Bamboo Organ. Maaga kaming nagpunta dito upang mag-asikaso ngunit hindi ko pa nakikita si Nara. Sana ay magpakita siya dahil hindi lang naman si Leonardo ang ikakasal dito. Si Natalia din, kapatid niya iyon at wala naman silang away!

Si Doña Jacinta, ang ina nila Nara at Natalia ay lumuwas dito galing España. Matagal na pala silang hiwalay ni Don Ramon. Kaya siya umuwi dito ay para bantayan na ang kaniyang mga anak na ipinagkait ng Don sa kaniya noon.

Bumukas na ang pintuan ng simbahan at sinalubong nito ang magandang si Natalia na nakasuot ng puting traje de boda. Nakapusod nang maayos ang kaniyang mahabang buhok at ang ganda rin ng kaniyang kolorete sa mukha. Hindi ko alam ngunit may naramdaman akong inggit.

Sana ay gaya niya ay ikakasal na rin ako. Sana ay ikasal ako balang araw kay Graciano. Sana matanggap siya ni Ama, hindi ko pa ito sa kaniya nasasabi eh. Sana lahat ng sana ko ngayon ay magkatotoo sa tamang panahon.

"Tinatanggap mo ba si Leonardo Solidad bilang kabiyak ng iyong buhay, sa hirap at ginhawa?" Tanong ni Padre Trillo kay Natalia.

"Sí, Padre, tinatanggap ko po." Tugon ni Natalia sabay tingin kay Leonardo. Pilit naman itong ngumiti kay Leonardo.

Bumaling naman si Padre Trillo kay Leonardo. "Tinatanggap mo ba si Natalia Legazpi bilang kabiyak ng iyong buhay, sa hirap at ginhawa?"

"Sí, Padre, tinatanggap ko po." Tugon ni Leonardo. Hindi siya nakangiti at seryoso lamang na nakatingin kay Natalia. Sabagay kahit ako ay hindi makakangiti kung hindi ako ikakasal sa taong mahal ko.

"Kung gayon, binabasbasan ko kayo bilang bagong mag-asawa. Maaari mo ng halikan sa unang pagkakataon bilang asawa ang iyong asawa." Sabi ni Padre Trillo kay Leonardo.

Iniangat naman na ni Leonardo ang belong nagtatakip kay Natalia. Mas lalong nakita ang kaniyang kagandahan. Napangiti naman ito kay Leonardo. Hinawakan naman na ni Leonardo ang kaniyang baba senyales na handa na niyang halikan si Natalia. Hindi ko alam ngunit napangiti ako.

Iniisip ko ako si Natalia at si Graciano si Leonardo. Tapos ako'y hahalikan ni Graciano sa harap ng simbahan at sa harap ng mga tao. Tapos madaming makakanood sa aming pagmamahalan. Pagkatapos ay magsasama kaming dalawa ng masaya. Mamumuhay kami ng simple at masaya. Napangiti naman ako. Sandali, nasaan na ba si Graciano?

Nawala ang ngiti ko dahil hindi ko makita si Graciano. Sumilip-silip pa ako sa may labasan ngunit hindi ko siya makita. "Mayroon ka banh hinahanap?" Tanong ni Ama. Hindi ba halata, Ama?

Sasagot na sana ako kay Ama ngunit may narinig akong putukan ng baril sa labas. MAYROONG PUTUKAN NG BARIL NA NAMAN? Nakakasawa na ang buhay kong ito ah? Wala bang kapayapaan muna kahit ngayong araw lamang? Kasal naman ni Leonardo oh, tadhana? Walang konsiderasyon?

Agad na hinawakan ni Ama ang aking ulo upang ako'y dumapa dahil para akong tangang nakatulala sa may labasan. "Ika'y dumapa nga! Mamamaya ay matamaan ka ng baril diyan eh." Galit na saad niya.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon