KABANATA 26

796 160 77
                                    

#26: Pagbabago

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ang aking Ina, tuluyan ng binawian ng buhay. Kay tagal ko ng hindi sa iyo nakakasulat ah? Ako'y abala kasi at marami akong inaasikaso at masiyado rin akong nasasaktan. Sino ba namang mag-aakala na sa isang iglap lamang ay mamatay ang aking mabuting Ina? Hindi niya ito dapat na maranasan eh ngunit nangyari na, aking ipaghihiganti si Ina. Dapat na magbayad ang may kagagawan nito. Wala ng atrasan ito, ang alam ko lamang ay dapat na managot at mag bayad ang may pakulo ng lahat ng ito.

Maniningil, Hermosa

Kinabukasan, aming ililibing na si Ina. Lahat ng mga masasaya at masasakit na alaala ay sa aking nagbalik muli. Hindi na napigilan ng aking mga luha ang pagtulo. Si Graciano ay nasa aking tabi at ako'y kaniyang pinapayungan.

"Ilabas mo lang ang lahat ng iyan. Iiyak mo lamang iyan at bukas ay bumangon ka." Mahinang bulong sa akin ni Graciano. Mas lalo akong naiyak ng kaniyang sabihin iyon.

Aking naaalala pa kung paano ako ipagtanggol ni Ina laban kay Ama noon. Naaalala ko rin kung paano ako noon paluhudin sa asin ni Ina kapag ako'y nasosobrahan na. Kahit na ganoon, pagkatapos niya akong paluhudin ay lulutuan niya ako ng mga paborito kong pagkain.

"Paumanhin anak sa aking ginawa. Nais ko lamang na madesiplina ka nang maayos. Oo at tayo'y namumuhay sa karangyaan ngunit masama ang maging matapobre. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang buhay nila."

Lagi niyang sinasabi iyan sa tuwing ako'y may ginagawang kalokohan na talaga namang hindi kaaya-aya. Tumayo na ako at hinagisan ng puting rosas ang kabaong ni Ina.

Sa kaniyang burol at libing walang kahit isang Montealegre akong nakita. Tuluyan ng naputol ang aming ugnayan sa kanilang pamilya. Nasa iisang bayan lang naman kami at para namang wala kaming pinagsamahan lalo na ng Gallardong iyan.

Kaniya bang hindi nabalitaan ang nangyari? Kaibigan ko siya at aking inaasahan na siya'y nandito rin para sa akin ngunit wala. Hindi na bale, mayroon naman akong nobyo na handang gawin ang lahat para sa akin. Hindi ko na kailangan ng iba pa.

"Leonardo, saan ka pupunta?" Seryosong tanong ko ng minsang nakita siyang nagmamadaling umalis sa mansyon habang ako'y nagigitara. Nakasuot siya ngayon ng itim na sumbrero at itim na pormal na damit. Tatlong araw, matapos ilibing si Ina.

Siya'y lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Ngayon ko na tatanungin kung sino ang nag-utos sa mga kawatan upang dakipin ka at patayin si Ina. Magtiwala ka sa akin, ating makukuha ang hustisiya."

"Ako ay sasama." Desidido, seryoso at matapang na sabi ko. Ngayon niyo ako subukan at tayo'y magkakaalaman na. Wala kayong karapatang kitilin ang buhay ng aking Ina ngunit inyong ginawa pa rin.

"Hermosa, delikado lalo na sa binibining tulad mo." Bumuntong-hininga siya bago bumaling sa akin at ngumiti. "Manatili ka na lamang dito at maglibang. Kahit anong iyong gawin, gawin mo ang gus--"

"Ako ay sasama." Inulit ko lamang ang aking sinabi. "Kapag sinabi kong ako ay sasama, ako ay sasama at ito ang gusto ko." Dahil sa aking sinabi, wala ng ginawa pa si Leonardo at ako'y kaniyang sinama nga niya patungong Maynila.

Matagal na itong iniimbestigahan ni Gabrielo eh. Hawak ng mga guardia civil ang tatlo sa mga ginoong kawatan eh ngunit sadyang sila'y tapat sa kanilang amo kung kaya't mas pinili nilang maparusahan.

Umaasa naman akong sana'y umamin ang tatlong kawatan na kanilang nahuli. Narating na namin ang Maynila at kami ay sinalubong ng mga kasamahan ni Leonardo sa Katipunan.

"Nagagalak akong makita kayong muli, Señorita!" Bati ni Ginoong Mariano ngunit mukhang hindi naman nagagalak dahil seryoso niya iyong sinabi. Sabagay, seryoso naman talaga ang mga tao dito.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon