KABANATA 34

569 112 38
                                    

#34: Namamaalam

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kinasal na sina Leonardo at Natalia at hindi ito naging mapayapa. Ano pa nga ba ang inyong inaasahan? Ang dalawang iyon ay parehong nabibilang sa Katipunan. Isa pa pala, nadakip si Graciano at walang nakaka alam kung nasaan siya at kung mahahanap pa ba siya. Si Ama, nais na naman akong ipakasal at sa pagkakataong ito, mukhang tuloy na.

Nawawalan ng pag-asa, Hermosa

MAGTATAKIPSILIM na at nakatulala lamang ako sa aking silid sa may bintana. Wala akong ganang gumalaw, kumilos, o kahit man lang huminga ngunit kailangan kaya ako'y humihinga. Hindi ko masikmura ang nais ipagawa sa akin ni Ama. Ako'y ikakasal na naman sa ginoong hindi ko naman kilala.

May kumatok sa pintuan ng aking silid. Hindi naman iyon nakasara kung kaya't pumasok na lamang ito ng kusa. Si Nana Selda pala ito at mayroon siyang dalang pagkain.

"Hindi ka pa kumakain mula kanina, Señorita." Nag-aalalang sabi niya. Inilapag niya sa aking lamesa ang pagkain. "Huwag mo na munang isipin si Graciano." Sa sinabi niyang iyon, napatingin na ako sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin ngunit ang kaniyang mga mata ay malungkot. "Hindi po ba kayo nag-aalala kay Graciano?" Natawa siya sa aking sinabi.

"Ako'y nag-aalala ngunit si Graciano ay matapang at palaban na bata noon pa man." Umupo siya sa aking tabi. "Bata pa lamang iyan, noong pitong taon siya, namulat na ang kaniyang mga mata sa pakikipaglaban."

Napatingin ako sa sinabi ni Nana Selda. May alam ba siya sa pagiging rebelde ni Graciano? Kung mayroon, hindi niya ito pinigilan ah? Kasapi din ba si Nana sa kanilang samahan?

"Noong pinatay ang tunay niyang ina, iyak siya ng iyak. Araw-araw niyang sinasabi na gusto niyang paghigantihan ang pumatay sa kaniyang ina. Gusto niyang makipaglaban, gusto niyang maghiganti." Natawa siya ng kaniyang balikan ang pangyayaring iyon. Humarap siya sa akin. "Batid kong alam mo na kasapi siya sa isang rebeldeng grupo?"

Tumango ako kay Nana. "Wala naman pong kaso iyon sa akin." Dahil pati ako ay kasama na rin sa isang samahan. "Tanggap ko naman po kung ano po siya."

Ngumiti si Nana ng kaniyang sabihin iyon. "Lahat ng pangyayari sa buhay niya ay alam ko. Lahat iyon kaniyang sinasabi sa akin. Kahit nga ang kaniyang paghanga sa iyo ay sinabi niya rin sa akin." Namula ang pisngi ko na parang kamatis ng marinig ko iyon.

"Nana, ano po ang ating gagawin upang makabalik na dito si Graciano. Hindi siya ligtas sa kamay ng mga rebelde. Maaari siyang patayin nito." Umiling lang si Nana Selda sa akin.

"Hindi naman siguro. Kilala ko si Luisito at hindi niya iyon magagawa kay Graciano. Si Luisito ang kanilang pinuno." Nagpakawala ng malakas na hininga si Nana. "Maaaring mayroon lamang misyon na kanilang ipagagawa kay Graciano. Ano man iyon, ay hindi ko alam. Huwag lamang nilang papatayin o kahit sasaktan lang si Graciano kung hindi ay ikakanta ko ang kanilang samahan." Gigil na sabi ni Nana.

Pumasok ako sa kumbento at ako'y naninibago sapagkat si Ginoong Isko ang naghatid sa akin. Katulad ni Nana Selda ay nag-aalala din siya kay Graciano. Naiinis si Ginoong Isko sa katotohanang wala siyang magawa sapagkat wala siyang alam kung nasaan si Graciano.

"Kamusta ka naman na Hermosa, nabalitaan ko na nadakip si Graciano ah? Sinabi iyon sa akin ni Nara dahil nakita ka daw niya noong kasal ng kaniyang ate at ni Leonardo." Sabi ni Clara. Kami ngayon ay nag-aaral ng dasal. Habang nagtuturo si Madame Rosario ay nag-uusap din kami ng palihim.

"Hindi ko masasabing ako'y maayos na." Tumingin ako sa kaniya at kay Nara. "Akalain niyo ba? Ako'y ikakasal na." Walang ganang sabi ko.

"Ikakasal? Kanino naman? Kay Señor Gallardo na ba? Siya naman ang iyong mapapangasawa na dapat ah, hindi ba? Oo, tama! Kay Señor Gallardo ka na ikakasal!" Nakangiting sabi ni Nara. Bakit parang masaya pa ang isang 'to? Ganoon niya ba kami kagusto ni Gallardo para sa isa't-isa? Hindi ba at si Clara ang may manok kay Gallardo?

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon