KABANATA 46

388 76 23
                                    

#46: Paghihiganti

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Hindi ko inakalang magiging ganito agad kabigat ang pagbisita namin sa bayan ng San Jose. Sana pala ay hindi na lamang kami pumunta dito upang makipista. Akalain niyo? Si Graciano pala ay isang Montealegre rin. Ang inaakala kong kakampi ko ay isang Montealegre rin pala. Sabagay, ako nga ay Montealegre rin pati na ang aking asawa ngunit hindi pa rin eh. Bakit nagawa niya ito sa aking ilihim? Nagsisisi tuloy akong bumalik dito sa San Jose.

Nagsisisi, Hermosa.

"Magandang gabi. Ako si Graciano MONTEALEGRE, anak nina Señor Gobernadorcillo Padrino at Daniela..." napatigil siya sa kaniyang pagsasalita at naakalokong ngumiti kay Padrino. "Na pinatay noon."

"Pinatay? Kung gayon ay wala ka ng ina? Sino naman ang walang pusong pumatay sa iyong ina?" Kuryosong tanong ng isang Señora na katabi ni Hukom Hidalgo. Napangisi lamang sa kaniya si Graciano. Akmang sasagot na si Graciano sa aking tabi ngunit nagsalita na si Don Padrino.

"Masiyadong sensitibo ang usaping iyan, Ermanda. Ang mabuti pa ay magsimula na tayong kumain." Pilit na ngumiti si Padrino kay Graciano. "Nagagalak akong makita kang muli, Graciano. Anak ko."

"Ama, bakit hindi namin ito alam? Hindi namin alam na mayroon pala kayong bastardo?" Pagalit na tanong ni Nataniel. Mukhang mag-eeskandalo pa siya dito. Ako rin, Nataniel. Hindi ko rin alam.

"Ina, alam mo ba ito? Bakit kailangang biglain niyo kami ng ganito?" Malamim ang boses na tanong ni Rodrigo. Tila galit na galit sa ginawang panlilihim ng kanilang Ama. Nahihirapang tumango naman si Leonora.

Samantala, nanatili naman si Gallardo na kalmado ngunit nakatulala. Sinulyapan niya ako at bahagyang nginitian upang ipaalam na ayos lamang siya ngunit hindi naman siya ang inaalala ko. Sinulyapan ko sa kabilang gilid ko si Graciano.

Nakakunot na ang noo ko sa kaniya ngunit hindi niya ako nagawang lingunin. Tila nawalan na ng ganang kumain si Rodrigo kung kaya't umalis na siya sa hapag. Si Nataniel naman ay sumugod kay Graciano.

"Anong karapatan mong guluhin ang aming pamilya? Ha? Sana ay nanatili ka na lamang sa kung ano ka! Hindi ba at dati mo siyang kutsero, Hermosa?" Tinaasan ko naman siya ng kanang kilay. Aba at nadamay na ako ngayon dito? "Sana ay nanatili ka na lang na ganoon at hindi na muling nanggulo pa sa amin!" Kwinelyuhan niya si Graciano.

"Nataniel!" Galit na saway ni Señor Sergio. "Bueno, hindi ko alam na ganito mo pala kabastos pinalaki ang iyong mga anak, Padrino? Pasintabi sa iyo, Gallardo." Alam ni Señor Sergio na mabuting tao si Gallardo.

"Isa ka pang matanda ka!" Dinuro ni Nataniel si Señor Sergio. "Aking inaakala na siya'y iyong anak kung kaya't siya'y Montealegre, anak pala siya ni Ama! Lapastangan!" Pinatunayan na talaga ni Nataniel na siya'y bastos talaga.

"TAMA NA!" Galit na saad ni Padrino, namumula na sa galit. "Huwag mong babastusin si Sergio, Nataniel. Bumalik na lamang tayo sa pagkain. Tama na ang drama." Seryosong saad niya at matalim akong tiningnan. Aba bakit ako na naman?

Marahil ay napapahiya na siya sa akin, tama! Aking nalaman kasi ang kaniyang baho. Napatango ako sa aking sarili na para bang may naiintindihan. Tama nga ako. Nginisian ko pa si Padrino upang mas lalo pa siyang magalit sa akin.

"Bumalik sa pagkain? Ikaw, kumain ka mag-isa mo, nakakadiri ka, Ama! Kinasusuklaman kita!" Padabog na umalis si Nataniel. Mabuti pa iyong Rodrigo at tahimik lang na umalis eh, itong si Nataniel, eskandaloso. Ito namang si Gallardo at seryoso lamang at walang pakialam tila tinatago ang totoong emosyon.

"GRACAINO!" Sigaw ko upang mapatigil siya. Nandito kami ngayon sa labas ng mansyon ng mga Montealegre at akmang sasakay na siya sa kalesa upang makaalis ngunit napahinto siya sa aking tawag. "Mag-usap nga tayo!"

Mi AmoreWhere stories live. Discover now