KABANATA 18

916 197 101
                                    

#18: Pangako

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako, ito marami ng problema. Hindi ko na problema ang hindi pagkagusto sa akin ngayon ni Graciano, hindi sa kadahilanang mahal na niya kasi ako ngunit dahil mas marami at mabigat na problema na ang mayroon ako ngayon. Akalain niyo, hindi pala mahal ni Ama si Ina. Dahil doon, mas lalo akong nagagalit ngayon kay Ama. Kahit na ganoon, ako'y umaasa pa rin na babalik ang lahat sa kaayusan. Iyong dating ako at ang aking kapayapaan.

Umaasa, Hermosa

Maaga ako ngayong nagising dahil maingay sa baba animo'y mayroong panauhin. Umaasa akong hindi ito ang mga Montealegre dahil kung sila nga, ayaw ko ng bumangon.

Nagsuklay ako at hinayaan kong ilugay ang aking mahabang buhok. Naglagay ako ng pang-ipit sa buhok na perlas ang disenyo upang kahit papaano naman ay magmukhang tao ako.

"Señorita Hermosa, hinihintay ka ni Señor Gallardo sa baba." Nakangiting saad ni Nana Selda sa akin. Nawala naman ang ngiti sa aking labi.

"Kasama po ba ang kaniyang pamilya?" Nawawalan ng pag-asang saad ko. Umiling naman si Nana Selda. Mabuti iyon kaya napangiti ako. "Bababa na po ako."

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad-lakad ni Gallardo patungong bayan. Pangalawang araw na ito ng aking pagliban sa klase ngunit hindi naman iyon problema. Hindi naman nababawasan ang aking katalinuhan. Iyon ay kung mayroon ba.

"Handa ka na ba sa ating kasalan?" Ngayon, para akong nakokonsensya dahil may plano akong takasan siya. Mabuti naman siyang tao sa totoo lang. Kung gagawin ko ang pagtakas, parang ako ang pangalawang beses na dumurog sa kaniyang puso. Noong una ay iyong sa kaniyang kasintahang nagtaksil, ngayon ay ako.

"Ipagpaumanhin mo, ngunit hindi pa..." pagod at malungkot na pag-amin ko. Hinarap ko siya. "Sana ay maintindihan mo ako at..." naisip ko sanang sabihin na maghintay lang siya na maging handa ako ngunit alam ko sa sarili kong hindi ko siya pakakasalan at mamahalin dahil wala iyon sa plano ko kaya hindi ko na lang sinabi.

"Ayos lamang iyon, hindi naman kita pinipilit at naiintindihan ko ring hindi mo ako mahal bilang lalaking iyong iibigin na pang habang buhay." Malungkot ngunit nakangiting saad niya. Nagpatuloy ang aming paglalakad

Ano nga ba ang problema kay Gallardo? Sa katunayan, kung ako'y magiging praktikal lamang, mas lamang siya kaysa kay Graciano. Siya ay nag-aaral at si Graciano ay hindi. Napapabilang siya sa alta sociedad, si Graciano ay hindi. Di hamak na mas mayaman ang Montealegre sa mga Del Pilar ngunit hindi ko siya magawang mahalin. Kung mahal ko man siya, iyon ay bilang kaibigan lamang hindi na hihigit pa roon.

May kung ano akong nararamdaman kay Graciano na hindi ko sa kaniya maramdaman. Ang paruparu sa aking tiyan na tanging nararamdaman ko lamang sa tuwing kasama ko si Graciano, ang matinding tibok ng aking puso animo'y mga paa ng kabayo na mabilis na tumatakbo. Hindi ko iyon maramdaman kay Gallardo. Tanging pagkakaibigan lang ang maiaalay ko para sa kaniya.

"Ah, ang mabuti pa tayo'y kumain na muna sa isang restawran." Nakangiting saad niya. "Restawran iyon ng aking tiyuhin."

Nandito kami ngayon sa isang restawran na tanging ang mga Kastila lamang ang naririto. Wala kang makikitang purong Pilipino dito kaya puro wikang Espanyol ang aking naririnig.

"Hola mi sobrino Gallardo!" [KAMUSTA, AKING PAMANGKIN, GALLARDO!] Nakangiting bati ng isang Espanyol na mataba at sobrang puti. Makapal din ang kaniyang bigote at matangos ang kaniyang ilong. Napatingin siya sa akin. "¿Quién es esta hermosa chica a tu lado?" [SINO ITONG MAGANDANG BINIBINI SA IYONG TABI?]

Nagbigay galang ako sa kaniya. "buenos días tiyo sergio. Se llamaba Hermosa y me iba a casar con ella." [MAGANDANG UMAGA TIYO SERGIO SIYA AY SI HERMOSA, AKING MAPAPANGASAWA]

Mi AmoreWhere stories live. Discover now