KABANATA 11

1K 255 150
                                    

#11: Pagbabalik

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Kasi kung oo, hayaan mong ikuwento ko sa iyo kung gaano kasakit ang aking nararamdamaan. Ako ay masyadong umasa. Ayaw ko ng masaktan, ayaw ko na siyang mahalin. Bakit ko ba hinayaan ang sarili kong mahalin siya ng ganito kalalim at ngayon ang aking sarili na ang nahihirapan. Ayaw ko na talaga, maari bang tama na? Ayaw ko na sa kaniyang umibig.

Umaayaw, Hermosa.

Maaga na naman at gaya ng mga nagdaang araw ay kailangan kong pumasok ngayon. Mamaya din ay pupunta ako sa ospital ng mga Montealegre sapagkat iyon ang gusto ni Ama.

"Magandang umaga, Señorita!" Nakangiting sabi ni Graciano na para bang walang nangyari sa amin kagabi. Wala naman talaga, aking sinasabi na parang hindi kami nagkasagutan.

"Kung gayon, Graciano, iyong sabihin. Sino ang nararapat kong pakasalan?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyaang mga mata. Ito ay nangyari kagabi.

"Sabihin mo sa akin, sino ba ang iyong lalaking iniibig?" Tanong niya sa akin. Sinabi ko na sa kaniya ngunit mukhang kailangan kong sabihing muli upang maniwala siya.

"Ikaw, Graciano. Iniibig na kita, noon pa man." Seryosong sabi ko sa kaniya. Sabihin mong ako ay iyong mahal mo rin. Sabihin mo, para mo ng awa. Napapikit ako sa aking mga iniisip, hindi ba nakakaawa ang aking sarili?

"Ngunit hindi ako ang nararapat para sa iyo, Hermosa!" Hinawakan niya ang aking pisngi, napapikit ako. Kung gayon, huwag mo na sanang hayaan akong mahulog sa iyo kung ako ay hindi mo naman gusto. "Humanap ka ng taong nagmamahal sa iyo, Señorita."

Iyon ang naging usapan namin kagabi na parang wala lang sa kaniya at sa akin ay sobrang sakit. Inyong sabihin, ano ang tawag sa akin? Estupida? Hangal? Bobita? Mangmang? Kayo, huwag niyo akong tutularan ha?

"Hermosa!" Sabi ni Clara at kaniyang pinitik ang kaniyang daliri sa harapan ko dahilan upang mabalik ako sa ulirat. Ngayon ay pinagtitinginan ako nina Clara, Nara at Pamela.

"Señorita, kayo ba ay pumapayag na tayo ay pumunta sa perya?" Nakangiting sabi ni Pamela. Ang batang ito ay napapalapit na sa amin. Napangiti naman ako sa kaniya.

"Aba'y oo naman! Sa kalesa na namin tayo sumakay!" Nakangiting sabi ko sa kanila. Narating na namin ang perya at dahil ang aming kutsero ay si Graciano, siya ay nakisali na rin sa amin.

"Pamela, ako'y iyong turuan naman kung paano ito laruin." Nakangiting saad ni Nara. Kaniyang tinutukoy ang laro kung saan ay kailangan niyang asintahin gamit ang pana ang isang lobo.

"Ganito lang 'yan mga binibini, ako'y inyong panoorin. Kinuha ni Pamela ang pana at kaniyang tinira ang isang lobo at pumutok iyon. Kaming tatlo ay napapalakpak, ngunit hindi si Graciano. Para bang maliit na bagay lamang iyon.

"Binibini, iyong napanalunan ay isang sumbrero!" Maligayang sabi ng isang ginoo na nagpapalaro sa amin. Kaniyang ibinigay na ang sumbrero na gawa mula sa banig, ngunit ito ay maganda.

"Sa iyo na lamang ito, Binibining Nara." Nakangiting sabi ni Pamela. Natutuwa namang kinuha ni Nara ang sumbrerong iyon. Nakakatuwa na kahit mula sa mayamang pamilya si Nara ay kahit maliliit na bagay ay kaniyang ikinatutuwa, katulad ko.

"Salamat! Ito ay napakaganda!" Sinuot na ni Nara ang sumbrero at natawa kami. Kinuha naman ni Clara ang pana at kaniyang sinubukan. Siya naman ay nakaasinta rin ng isang lobo. Iyong totoo, may bagay bang hindi kayang gawin ang matalik na kaibigan kong ito?

Si Clara ay ang tipong binibini ng mga ginoo. Inyong isipin ah? Siya ay maganda, maganda ang hubog ng kaniyang katawan, mabait, magaling mag piano, kumanta, talentado, mayaman, marunong magluto, masaya ako at siya'y aking kaibigan. Siya ay halos perpekto na ngunit inyong tandaan na walang perpektong tao. Ang Diyos lamang ang perpekto.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now