KABANATA 17

905 198 87
                                    

#17: Ipaglalaban Kita

Mahal kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako ay ikakasal na pala sa susunod na Linggo ngunit huwag kang mag-alala dahil gagawa naman ako ng paraan upang hindi ito matuloy. Nais kong maging patas kay Gallardo dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Isa pa, ako'y may sasabihin. Sasali na ako sa isang samahan. Oo, samahan ng mga kontra sa pamahalaan. Nakakaiyak, hindi ba?

Naiiyak, Hermosa

Ngayong araw na ako ipakikilala ni Leonardo sa kanilang supremo. Oo at may pasok ako ngayon sa kumbento ngunit mas importante pa ba iyon? Mas importante pa ba iyon sa sarili kong kapakanan? Maaring maging malungkot ang buhay ko dahil sa mga Montealegre ano.

Kaya naman, aming inabisuhan si Graciano dahil siya ang aking kutsero. Kami ngayon ay nasa daungan na papuntang Maynila. Nanginginig man, ginawa ko pa rin ang lahat upang kumalma.

"Saan ba kayo pupunta ni Señor Leonardo?" Tanong ni Graciano habang kasama kong naghihintay sa aking kuya. Napalingon ako sa kaniya dahil aking inaakalang umalis na siya kanina.

"Hindi maaaring sabihin eh, importante." Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Lalo na sa'yo, isa ka pa namang rebelde.

"Kahit sa akin? Hindi puwede?" Lalo na talaga sa iyo! Anong akala mo sa sarili mo, katiwa-tiwala? Ako'y sasagot na sana ngunit may sumingit sa aming usapan.

"Kahit sa iyo, Siyanong!" Nakangiting saad ni Leonardo. Napayuko naman si Graciano nang makita niya ang aking kapatid. Tinapik naman siya sa balikat ng aking kuya. "Kami'y magbabalik din agad bago mas alas quatro, uwian ni Hermosa kung kaya't dapat ay narito ka na."

"Opo, Señor." Nakayuko pa rin siya. Tiningnan niya ako at nginitian. "Wala akong pagsasabihan at aking sasabihing siya'y pumasok sa kumbento." Tinanguan na lang siya ni Leonardo.

"Humayo na tayo." Saad ni Leonardo at naunang umakyat ng barko. Ang bait ano? Hindi man lamang ako hinintay. Sa ibang tao ay maginoo, sa sarili niyang kapatid eh hindi! Kaasar.

"Sa ating pagdating doon, ika'y magbigay galang sa kanila. Mabubuti silang tao kaya 'yang ugali mo..." napangiti siya, ayaw niyang ituloy ang nais niyang sabihin sa kadahilanang ako'y maaring masaktan.

"Aking itatago ang kagaspangan." Dugtong ko pagkatapos ay sabay kaming tumasa. "Ilang oras ba ang ating biyahe patungong Maynila?" Ako'y tumingin sa aking orasang kuwintas ni Kuya.

"Isang oras ang biyahe natin sa barko." Nakangiting saad niya. "Matatagalan tayo sa pakikipag-usap sa kanila. Ikaw ay magtiwala lamang sa akin, ha?" Kaniyang kinurot ang aking ilong.

"Aray naman, Kuya!" Galit na singhal ko sa kaniya. Hinawi ko ang kaniyang kamay at hinawakan ang aking ilong. Ang isang 'to, talaga! Ang daming lihim sa akin. Sa iisang bubong pa nga pala sila ni Nara tumutuloy, mabuti't aking naalala. "Siya nga pala, ika'y tumutuloy pala kanila Nara, bakit hindi mo sa akin sinabi?"

Nanlaki ang mata niya sa aking sinabi. Nakakagulat ba? Hindi ko ba iyon dapat na malaman? "Aking sinabi iyon sa iyo ah? Hindi ba sinabi kong ako'y nakikituloy sa aking maestro, ang kaniyang ama ang maestro ko."

"Iyong hindi naman sinabi na sa ama ni Nara. Sana ay binanggit mo kahit papaano si Nara, siya'y aking kaibigan." Pagsusungit ko. Napakamot siya sa kaniyang batok.

"H-hindi ko kilala ang iyong kaibigan eh." Iyon naman pala ang dahilan. Napairap na lamang ako sa kaniya ng mata.

Isang oras kaming nagtiyagaan sa barko ng aking kuya. Pinagtiyagaan namin ang ugali ng isa't-isa. Biro lamang, siya ay aking kakampi aking ipapaalala.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon