KABANATA 30

654 136 69
                                    

#30: Kasalanan Ko

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Nakatakas na ngang tuluyan ang mamamatay taong si Nataniel. Iyo bang nalalaman? Aking pakiramdam na may alam siya tungkol sa pagkakamaling nagawa ko. Iyong may pinatay akong tao? Pakiramdam ko talagang may alam siya. Ah, ito pa pala. Si Leonardo ay ikakasal na. Hindi kay Nara at mas lalong hindi kay Clara, kung hindi ay kay Natalia. May tama nga si Pamela, wala sa kanilang dalawa. Alam niyo, nawawalan na ako ng panahon kay Graciano dahil marami akong pinagkaka abalahan sa buhay. Umaasa naman akong hindi mababawasan ang aming pagmamahalan.

Wala ng panahon, Hermosa

ALAS OTSO ng umaga, nagtungo ako sa aming hardin at ako'y mag-eensayo ng karate. Nakasuot ako ngayon ng Karate Gi at nakatali ang aking buhok ng maayos. Desidido akong mag-ensayo upang maging malakas at walang makatalo sa akin.

"Hah!" Sigaw ko at sinipa ang sakong ikinabit ko kanina upang mayroon akong kalaban kunwari. Iniisip kong si Nataniel ang sakong ito. "Ikaw Nataniel ka, bakit hindi ka na lang mamatay!"

"Kalma, ang iyong kaawa-awang puso." Natatawang saad ni Graciano. Nawala ang aking ngiti. Naalala kong may atraso pa ito sa akin, may hindi na naman siya sa akin sinabi. "Dapat ako lang ang nandiyan ah?"

Sa isang iglap, biglang naging katapat ng aking paa ang kaniyang mukha. Akmang sisipain ko siya kaya lamang ako'y nahabag kaya hindi ko na naituloy. Kumunot naman ang kaniyang noo.

"Kay aga-aga ang init ng iyong ulo." Seryosong saad niya. Hinawakan niya ang aking paa at unti-unti niya itong binaba. "Halina't tayo'y tutungo sa aming tahanan, ika'y sumama sa akin."

"Anong mayroon?" Kunot na noong tanong ko. Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang siya sa akin. "Ano ngang mayroon?" Hindi pa rin siya sumagot. "Magbibihis lang ako sandali."

Ngayon ay narito kami sa kanilang tahanan. May mga handa silang pagkain na animo'y may kaarawan. Kinalabit ko si Graciano at nagtanong.

"Anong mayroon? Kanina ko pa ito tinatanong ah?" Naiiritang tanong ko na. Natawa lamang siya at inalalayan ako papasok sa kanilang tahanan.

"Maligayang bati~" Kumakanta ngayon ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, hindi ko kilala ang iba. "Maligayanag bati~ mahal naming Siyanong, Siyanong, maligayang bati~"

Gulat akong napatingin sa kaniya. Kaarawan niya pala ngayon? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Pati ba naman ito, inilihim niya sa akin? "Bakit hindi mo ito sinabi sa akin?" Inis na bulong ko sa kaniya.

"Nais ko kasing masurpresa ka. Halika at pumasok na tayo. Kumain tayo sa loob. Nagluto si Inay Selda." Saad niya. Ako pa ang masusurpresa eh siya nga itong may kaarawan eh. May tililing yata ang isang ito eh nakakainis!

"Nakakainis ako! Wala tuloy akong dalang handog para sa iyo!" Nagrereklamo pa rin ako kahit na kumakain na kami.

"Ayos lamang iyon. Ikaw lamang ay sapat na." Nakangiti siya sa aking tumango. "Ah siya nga pala, nais ko sanang tayo'y mamasyal pagkatapos nating kumain. Maaari ba?" Tanong niya.

"Aba'y oo naman! Basta't iyong titiyakin na matutuwa ako diyan ah? Kapag hindi ay sisipain kita gaya ng pagsipa ko kanina sa sako." Biro ko sa kaniya. Nagtawanan na lamang kami.

"Kuya, ipinabibigay sa iyo ni Tatiana." Mataray na sabi ni Angela at padarag na inilapag sa amin ang isang libro animo'y nagwawala. "Pansinin mo naman siya kanina pa siya nandito."

"Pakisabi na lamang ay salamat. Ako'y abala kung kaya't hindi ko siya napapansin." Hindi naman talaga siya abala, ako nga lamang ang kaniyang kinakausap eh. Dahilan upang mapairap si Angela.

Mi Amoreजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें