KABANATA 9

1K 248 153
                                    

#9: Ibang Binibini

Mahal kong talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Ako, ikaw ay aking mahal pa rin naman at walang magbabago roon. Marami na tayong sikreto na pinagsasaluhan simula pa lamang noong tayo ay mga bata pa, o ako noong bata pa sapagkat hindi ka naman tumatanda. Mayroon pa akong importanteng sasabihin sa iyo. Ang kuya Nataniel ng aking kaibigang si Gallardo? Aba at nagbigay sa akin ng babala! Akala mo naman kung sino eh siya ay anak lamang naman ng kaniyang balbas saradong ama. Ako, ako ay anak ng masamang gobernadorcillo ng bayang ito. Ako ay kapatid din ng heneral ng bayang ito. Ano kaya kung siya ay ipapatay ko na lang sa aking kuya?

May papatayin, Hermosa

Ako ay maagang nag-ayos ngayon. Panibagong araw, panibagong pag-asa. Pag-asang mamahalin din ako ni Graciano, biro lamang! Hindi, ano, pag-asang balang-araw ay makakalaya ang ating bansa sa mga kapwa ko.

Nag-agahan kami kasama ang buong pamilya. Nasa may gitna ang ama, si Ina na nasa kaniyang kanan at si Gabrielo na nasa kaniyang kaliwa katabi ni Leonardo. Ako naman ay katabi ni Ina.

Aking inaakalang kami ay kakain nang mapayapa ngunit ako ay nagkakamali sapagkat ang aking amang masamang tao na pinagmanahan ng aking kuya Gabrielo ay nagsalita pa.

"Hermosa, hija, kayo raw ay nagkita kahapon ni Señor Nataniel?" Seryoso ang tinig ni Ama habang nakatingin sa akin. Nag-aalalang tumingin naman sa akin si Ina. Sandali nga, bakit naman siya nag-aalala?

"Opo, ama. Ako ay kasama nina Nana--" Ako ay nagulat nang bigla niyang hinampas ang lamesa dahilan upang ito ay umalog. Ano na naman kaya ang problema ni Ama.

"Hindi ko itinatanong ang iyong dahilan." Kung gayon ay aking ibinahagi lamang, ano ang problema ng masamang taong ito? "Ang nais kong malaman ay kung paano mo trinato ang Señor?"

Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Paano ko nga ba trinato si Señor? Ayy! Oo nga pala at pinakitaan ko siya ng kaunting pagka sira ng aking ulo. Napangiti naman ako kay Ama.

"Aking ipinakita lamang ang aking tunay na ugali, Ama." Pilit akong tumawa. "Upang kaniyang malaman na ang ugali ng kaniyang magiging kapatid." Palusot ko pa.

"Hoy!" Ako ay dinuro ni Gabrielo. "Ang iyong kabastusan at kagaspangan ng ugali ay iyong itago, ha? Iyan ang makakasira ng ating pamilya." Napangisi ako sa kaniya.

Mga mambabasa, inyong tingnan kung sino ang nagsasalita. Ang aking kuya ay marami ng napatay na tao sa iba't-ibang paraan. Napatingin naman ako kay Ama. Marahil ay sa kaniya nagmana ang aking kuya. Masama rin palang tao ang ama.

"Masama bang maging totoong ako?" Ako ay tumayo sa aking upuan. Kanila yatang nakalilimutan na ako ay may pagka sira ng ulo. Nakuha ko ito noong ako ay bata pa eh. Aking kinakausap kasi ang baliw dito noon sa aming bayan, ako yata ay nahawaan.

Kumuha ako ng isang kamote sa aking gilid at aking itinabi. Ito na nga lang ang aking magiging baon! Wala akong ganang lumapit mamaya sa aking ama upang manghingi ng salapi.

"Señorita, ano ang iyong ikinagagalit?" Nakangiting saad ni Graciano bago sumakay ng kabayo. Kung siya ay makangiti, iyong aakalaing wala siyang problema ngunit ang totoo ay mayroon.

"Graciano ako ay may itatanong sa iyo, iyong sagutin ng totoo ha? Iyong nagmula talaga sa puso at hindi sa ilong." Seryosong saad ko ngunit siya ay tumawa lamang. Kaniyang pinatakbo na ang aming sinasakyang kalesa. "Ang gaspang ba ng aking ugali?"

Siya ay nakatalikod sa aking kung kaya't hindi ako sigurado kung siya ba ay natawa sa aking tanong o seryoso pa rin. Aking hindi nakita ang kaniyang naging reaksyon.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now