KABANATA 44

391 77 32
                                    

#44: Kalayaan

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Walang kasing sakit ang aking nararamdaman ngayon. Alam mo ba kung bakit? Tanungin mo, bakit? Dahil ako'y hindi sinipot ni Graciano sa daungan! Ako'y nagmukhang estupida doon, mabuti na nga lang at nandiyan si Gallardo para sa akin. Ngayon, tila wala na akong takas sa pagpapakasal sa kaniya gayong binali na ni Graciano ang pangako niya sa akin. Bakit? Anong nangyari? May nangyari ba sa kaniya? Kung anuman iyon, malinaw sa akin na hindi niya ako tinulungan at hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin.

Kaawa-awa, Hermosa.

"Saan ka nanggaling?" Pasugod na tanong sa akin ni Gabrielo, handa na sana akong saktan kaya lamang ay humarang sa akin si Gallardo. Nandito na kami sa mansyon ng mga Legazpi at araw na ng kapaskuhan. Nandito din sina Doña Jacinta, Natalia, Nara at Clara.

"Paumanhin, siya'y aking kasama buong gabi. Nais ko lamang na makasama kagabi si Hermosa. Paumanhin kung hindi na kami nakapagpaalam." Pagsisinungaling ni Gallardo. Seryoso ang kaniyang mukha, kaniyang pinaninindigan ang pagsisinungaling niya.

Tila kumalma naman ang mukha ni Gabrielo. Bumaling siya sa akin. "Totoo ba ito, Hermosa?" Tila kidlat ang boses ni Gabrielo sa akin. Nakakatakot at nakakakilabot.

"O-oo! S-saan n-naman a-ako p-pupunta?" Hindi talaga ako magaling magsinungaling kung kaya't nagtago ako sa likuran ni Gallardo sa takot na makita nilang kinakabahan ako.

"Maraming salamat sa paghahatid sa aking kapatid. Paumanhin din kung napataas ang aking boses, nag-aalala lang naman ako." Seryosong sinabi ni Gabrielo. "Halina, Hermosa. Tayo'y kumain na sa loob." Sinabi ni Gabrielo.

Tiningnan ko si Gallardo gamit ang matang nagpapasalamat. Mula kaninang madaling-araw na sinamahan ako sa daungan hanggang sa ngayon na pinagtakpan niya ako kay Gabrielo.

"Ako'y mauuna na, Señorita Hermosa." Pormal na pamamaalam ni Gallardo. Tinanguan ko na lamang siya at pinanood namin siyang umalis sa mansyon. Nagulat na lamang ako nang hatakin ako nang mahigpit at masakit sa palapulsuhan ni Gabrielo.

"Aray! Ano ba?" Ang sakit ng pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. Inihagis niya ako sa sahig. Nahihiya akong tumingin kanila Natalia hindi dahil ako'y napahiya kung hindi dahil ay sa eskandalong idinudulot ni Gabrielo.

"Gabrielo, nasasaktan na si Hermosa!" Nag-aalalang sigaw ni Clara at ako'y dinaluhan niya. Dinalahuan na rin ako ni Natalia dahil ang lakas ng pagkakabagsak ni Gabrielo sa akin.

"Magiging maayos din ang lahat, hayaan mo na lamang ang kuya mo." Bulong ni Natalia. Sa pagkakataong iyon, parang panandaliang siya ay naging si Ina. Ganiyan din ang binubulong sa akin noon ni Ina noong nabubuhay pa siya sa tuwing pinapagalitan ako ni Ama.

"Hermosa, sa iyong palagay ba ay maiisahan mo ako ha?" Sabi na nga ba at hindi ako magtatagumpay sa pagsisinungaling sapagkat hindi naman talaga ako sinungaling. "Tanga ako? Ha, Hermosa? Tanga ba ako? Estupido ba ako?"

Hindi ko alam kung bakit niya itinatanong ito sa akin. Aba, malay ko ba kung estupido ba siya. Saang bagay? Saang parte?. "Oo?" Inosente kong sagot dahilan upang sampalin ako nang malakas ni Gabrielo.

Talagang ako'y napaharap sa kanan sa lakas ng kaniyang pagkakasampal sa akin. Pakiramdam ko din ay namula na parang isang roras. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya sa pamilya Legazpi.

"Akala mo ba ay hindi ko alam ha? Nakita kong umalis kanina si Graciano. Pagkaalis niya, agad kitang hinanap. Wala ka sa mansyon, kinutuban na akong makikipagtanan ka!"

"K-kung kaya't may ginawa ka upang hindi siya makapunta? Nasaan na si Graciano? Bakit hindi niya ako sinipot?" Nanginginig na tanong ko. Natatakot ako sa maaaring nangyari kay Graciano. Natitiyak kong may dahilan. May dahilan kung bakit wala siya.

Mi AmoreWhere stories live. Discover now